Kabanata 37

91 9 0
                                    

Kabanata 37

"Anong nangyari? May na kain ka ba'ng ano.... hindi ba masarap? Mabaho ba?"

Patuloy lang ako sa pagsuka habang humahaplos sa likod ko si Vio. Si Ate Via naman ay nasa gilid ko at hawak ang buhok ko, upang hindi sumayad. Nang tumigil sa paghilab ang tiyan ko ay agad akong nag mumog, nag abot ng towel sa akin si Vio bago ako inalalayan palabas ng kusina, papunta sa sala.

Naupo si Ate Via sa tabi ko habang siya ay agad na umalis sa tabi ko, hindi na 'ko nag abalang sundan siya ng tingin at pumikit na lamang. Ilang saglit pa ay muli kong narinig ang yabag niya, lumubog ang sofa sa tabi ko kaya naman nasisiguro ko na naupo siya doon.

"Inumin mo 'to."

Dumilat ako ng magsalita siya, inalalayan niya 'ko sa pag-upo at saka siya na mismo ang nagpa-inom sa akin non.

"I'm sorry..." natigilan ako at nilingon si Ate Via ng magsalita 'to.

"Ate...."

"I'm sorry, dahil sa 'kin kaya ka nagka ganiyan. Hindi ko napansin na mabaho pala ang isdang niluto ko," Ate Via said.

Nilingon ko saglit si Vio at saka muling bumaling kay Ate Via. "Hindi naman 'yon ganoon, baka... ano.... napasobra lang ako sa pagkain, madami kasi akong nakain hindi ba?"

Lumabi siya saka marahan na tumango bago bumalik sa kusina. Naiwan kaming dalawa ni Vio sa sala, nakayuko lang ako habang magkahawak ang dalawang kamay, nag angat ako ng tingin sa kaniya ng humawak siya doon.

"May dapat ba akong malaman?" seryosong tanong niya na nakapagpakaba sa 'kin. Hindi ko alam ang isasagot, dahil kahit ako hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa 'kin. Hindi pa pinaprocess ng utak ko ang mga pagbabago sa katawan ko.
Pero maaaring mangyari ang bagay na nasa utak ko, pero hindi pa ako sigurado. Hinugot ko ang kamay ko sa hawak niya at saka ako mismo ang humawak sa kamay niya.

Umiling ako at saka tipid na ngumiti. "Mukhang na pa sobra lang ako sa kai—"

"Marga!" pinutol niya ang sasabihin ko, tumayo siya at saka parang stress na tumayo sa harapan ko. "Doctor ako! Kahit hindi ko specialization 'yan alam ko kung ano ang mga sinto—"

Suminghap ako dahil gulat sa biglang pag sigaw niya. "Really?! Ako ba?.... Ano ba 'ko?" tinuro ko ang sarili ko. "Hindi lang ikaw ang doctor dito!"

"That's not what I mean...." usal niya sa marahang boses. Naupo siya sa tabi ko at humawak sa 'kin. Dahil sa inis sa kaniya ay tumayo ako at naglakad palayo sa kaniya.

Hindi pa ako nakalalayo ng may pumigil sa braso ko. "Marga..."

Mariin akong napapikit at inis siyang nilingon, binawi ko ang kamay ko pero hindi niya hinayaan na magawa ko 'yon. "Ano ba! Don't touch me!"

Umiling siya at nagpapaawa akong tinignan. "Please, let's talk."

"After mo akong sigawan? Alam mo, ngayon mo lang ginawa 'yon!" inis akong bumuga ng hangin. "Hindi ako makapaniwala, para lang doon?"

Umiling-iling siya. "I just... I just want to know kung...."

"Kung ano?" nagtaas ako ng kilay.

"If you're pregnant," diretso niyang sabi na nakapagpatigil sa'kin.

"Vio...."

Umayos siya ng tayo saka mas lumapit pa sa 'kin, hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi bago ako diretsong tignan. "Please, Marga... let me know."

"Hindi... hindi ko alam," I said.

"Mag pacheck-up ka, sasamahan kita," apurado niyang sabi at saka ako hinila pabalik sa sofa, kinuha niya ang bag ko bago muli akong marahan na hinila palabas.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon