Kabanata 3

141 20 0
                                    

Kabanata 3

"I'm Leonel Harvey Rivas, Nice to meet you all."

Pakilala ni Puppy, maganda ang pangalan niya pero mas trip ko pa rin siyang tawaging puppy dahil para siyang tuta na nag si-cr kung saan-saan.

"Tss, mas gwapo naman ako diyan," Napatingin ako kay Vio ng magsalita 'to. Pansin ko nga na parang may pagkaka hawig silang dalawa o akala ko lang dahil parehas silang singkit. Hindi naman nalalayo ang itsura nilang dalawa kung pagtatabihin parehas may angas at dating. Pero dahil best friend ko si Vio, siya ang pinaka gwapo tutal hindi ko rin gusto ang ugali ni Harvey the puppy.

"Tama ka diyan!" pagsakay ko sa kaniya at nakipag apir. Ngising loko naman ang kumag tuwang-tuwa, wala naman kasi talaga akong choice.

Muling nag simula ang klase pagkatapos magpakilala ni Harvey, na upo siya sa may katapatan ko'ng row dahil doon na lang may bakanteng upuan lalaki ang katabi niya kaya parang pinag sakluban ng langit at lupa ang mga muka ng mga kaklase ko, mayroon pa ngang gusto makipag palit sa katabi niya. Ganoon din sakin dahil daw parang katabi ko na rin si Harvey kung wala lang space sa gitna. So parang kasalanan ko pa na may space sa gitna. Hindi ako pumayag dahil gusto ni Vio na dito ma-upo. Minsan ay napapansin ko ang pasimpleng tingin sa'kin ni Harvey ngunit hindi ko na lang siya pinapansin dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang pang titrip niya sa'kin noong first encounter namin.

"Where are you going? Uuwi ka na?" Vio asked.

Tumango lang ako sa kaniya at lumabas ng class room sa labas ko na lang siya hihintayin dahil ang ingay sa loob. Nang mawalan kasi ng prof ay dinumog na agad si Harvey ng mga kaklase ko, na pag alaman ko na sikat pala siya. Ayon sa narinig ko ay isa si Harvey sa mga nag perform noong opening program. Siguro ay isa siya don sa tatlong lalaki na nakita kong sumasayaw sa stage kaya pala naka all black siya noong unang kita ko sa kaniya.

Maaga na tapos ang unang klase ngayong araw. Wala naman na akong gagawin at balak puntahan kaya napag pasiyahan ko na umuwi na lang.

"Tambay ka muna sa place ko!" Vio

"Aano naman ako don? Paglilinisin mo lang ako ng condo mo Vio mag tigil ka!"

Hindi naman talaga niya 'ko pinaglilinis pero tuwing mapupunta ako sa condo niya ay ako na mismo ang nahihiya dahil sa sobrang kalat, kung hindi ko lang kilala ang nakatira doon. Mapagkakamalan ko na 'yong bodega at bahay ng mga daga. Buti na lang talaga at wala pa siyang alaga doon.

Nang makarating sa parking lot ay humarap ako sa kaniya. Naka yuko ang ulo at bagsak ang dalawang balikat napansin ko ding lukot-lukot ang kaninang plantsado niyang uniform, taka ko siyang tinignan at nilapitan mabilis kong pinagpag at inayos ang kaniyang uniform.

"Anong nangyari sa'yo?"

Nag angat siya ng tingin at sinamaan ako ng tingin.

"Kasalanan mo!"

"Ako bakit ako? Anong ginawa ko sayo?"

"Iniwan mo kasi ako doon!"

Mukang nagkamali ako ng isipin ko na si Harvey lang ang pinag ka guluhan doon. Naaawa ko siyang tinignan at inakbayan, patalon ko siyang inakbayan dahil hindi ko siya agad maabot.

"Sorry na, tara."

Nagpunta ako sa condo niya bilang pambawi bago yon ay dumaan pa kami sa may convenience store sa ibaba ng building upang bumili ng snacks dahil mag mo-movie marathon kami. Pa simple ko din siyang binilhan ng Ice Coffee upang umayos ang pakiramdam niya. Si Vio lang yata ang kilala ko'ng playboy na ayaw sa madaming babae. Ayaw niya na dinudumog siya kaya minsan kapag mag kasama kami ay pinapakilala niya ako bilang girlfriend niya. Wala namang kaso sa akin yon pero hindi ko rin siya maintindihan minsan. Sa ibang tao pinapakita niya ang playful side niya kapag kaming dalawa na lang saka siya mag rereklamo na kesyo ganito, kesyo ganoon. Hindi ko na lang siya tinatanong tungkol doon dahil alam ko naman yung totoo.

"What do you want?" tanong niya sa'kin habang hawak ang dalawang CD. Isa'ng horror at isang romance.

"Left," Pinili ko ang Horror.

"Okay romance!" naka ngisi niyang isinaksak ang CD at pinlay.

Bakit ko ba laging nakakalimutan na sa tuwing pinapapili niya 'ko ng CD na gustong panuorin ay pinipili niya ang kabaliktaran ng gusto ko. Kakaiba talaga.

Sa sofa ay magkatabi kaming nanunuod, naka patong sa hita ko ang pop corn ang kaniya naman ay ang binili ko'ng Ice coffee. Sa kalagitnaan ng panunuod ay pansin ko ang pasimple niyang pag punas sa mga mata.

Umiiyak ba siya?

Inalis ko ang nakapatong sa aking hita at umayos ng upo at dumikit sa kaniya, hinila ko siya at isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. Kaya ayoko ng romance dahil imbis na na ako ang nag dadrama ay siya ang pumalit. Relate na relate ang kumag.

Marahan kong hinahaplos ang kaniyang ulo habang nanunuod ramdam ko din ang pagyakap niya sa aking baywang. Natural na lang sa'min ang ganitong gestures walang malisya, hindi kami talo. Madalas ko itong gawin sa kaniya lalo na kapag nag sesenti siya, napaka sensitive niya talaga pagdating sa usaping 'cheating' dahil na rin sa Ex-girlfriend niya.

Masasabi kong minahal niya talaga 'yon dahil madalas ko silang makita noong high school. Sobrang sweet nila sa isa't isa, hindi pa kami magkakilala ni Vio noon pero isa ako sa saksi kung paano sila noon. Basta isang araw na gulat na lang kami na wala na pala sila. At doon nagsimula ang tagpo sa aming dalawa.

Kaya minsan iniisip ko na pang Front niya lang ang pagiging play boy niya upang hindi mapansin na nasasaktan pa rin siya sa Ex niya. Napakaraming side ni Vio, Yung pagiging playboy niya ay pa weather-weather lang minsan hayok sa babae madalas ay iwas. Masungit din siya sa iba at sa'kin lang madalas magka ganito, nagiging baby damulag at parang sinto-sinto kapag ako na ang kaharap.

Napaayos ako ng upo ng makaramdam ng pangangalay sa aking mga hita, hindi ko namalayan at naka tulog pala ako. Mabilis ko'ng hinanap ang orasan at nakitang 6pm na at nagsisimula ng dumilim sa labas. Hinanap ng paningin ko si Vio at bumagsak sa aking hita ang aking paningin ng gumalaw siya doon. Kaya pala nangangalay ako ay naka higa siya doon. Nakatagilid siya ng higa at nakaharap ang muka sa aking tiyan ang dalawang kamay ay nakapalupot din sa aking tiyan na para bang mawawala ako.

Marahan kong hinawi ang buhok niyang tumatakip sa kaniyang noo. Napaka gwapo talaga ng Baby Damulag ko kaya hindi ko rin masisisi ang mga babae na lumapit sa kaniya pero talaga yatang bumuo na siya ng harang sa puso niya at hindi na kayang mag papasok ng iba dahil ayaw niya ding pakawalan ang babaeng naka kulong don.

Dahan-dahan kong inalis ang pag ka kayakap niya at ng mag tagumpay ay itinaas ko ang kaniya ulo ngunit gumalaw siya noon at muling yumakap sa'kin. Muli akong sumubok sa pag tanggal at na pa hinto ng marinig ko siyang mag salita.

"Sachie..."

Kasabay noon ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Kahit nakapikit ay tuloy-tuloy ang agos non hanggang sa humigpit ang yakap niya. Napatingin ako sa table na nasa harapan at nakita ang ilang basyo ng beer doon. Mukang noong nakatulog ako ay uminom pa siya.

Ganoon mo ba talaga siya ka mahal ha Vio? At kahit isang taon na ang nakalilipas hindi mo pa rin siya magawang pakawalan?

Maingat ko'ng pinunasan ang kaniyang pisngi na nabasa ng sariling luha.

"Pangako gagawin ko ang lahat para sumaya ka. Hindi ko kayang sumaya  hangga't nakikita kitang malungkot. At kung siya ang kasiyahan mo, trust me....  Vio ibabalik ko siya. Sa ngayon hayaan mo munang pasayahin kita."

Itutuloy . . .

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon