Kabanata 24

86 9 0
                                    

Kabanata 24

Napahilot ako sa sintido dahil sumasakit ang ulo ko, hinubad ko ang coat na suot at isinabit 'yon. Pabagsak akong naupo sa sofa at saglit na pinagpahinga ang sarili. It's been a weeks simula ng makapili ako ng hospital na papasukan.

St.Letran Hospital

Hindi kasing laki ng ibang hospital na pinasukan ko sa ibang bansa pero 'yon talaga ang plano ko. Ayokong mag trabaho sa sikat at malalaking hospital dahil baka magkatagpo lang kami doon. Lalo na at ayon kay Charls doctor na rin ito ngayon.

Nang maging maayos ang pakiram ay tumayo ako nag tungo sa table ko at doon naupo. Kinuha ko ang tubig sa gilid at uminom habang binabasa ang chart na hawak. Napanguso ako ng makitang wala na akong naka schedule na operasyon ngayong araw. Tapos na rin akong mag rounds, tinignan ko ang pambisig na relo upang makita ang oras. Hapon na rin pala.

Kinuha ko ang bag at ang salamin, nag-ayos muna ako ng sarili dahil balak kong bumili ng bagong blouse. Nang makuntento sa ayos ay kinuha ko ang coat ko at isinakbit sa braso ko.

"Good afternoon doc."

"Good afternoon doctora."

Nginitian at binati ko pabalik ang mga nurse na nakakasalubong ko. May isang kumpulan pa ng mga nurse ang nag ingay ng ngitian ko 'yong isa nilang kasama ng batiin ako. Napailing na lang ako at lihim na natawa dahil sa inaakto nila.

"Well, hindi ko talaga alam kung doctor ka ba dito o artista. Kahit saang area matunog ang pangalan mo, sabihin mo nga doc may gayuma ka ba?"

Natawa ako at mahinang hinampas si Doc Bria. "Baliw ka talaga," natawa din siya sa sariling sinabi.

"Uuwi ka na?" tanong niya

"Yup, wala na akong naka sched ngayon. May pupuntahan din ako."

"Buti ka pa, sige na mag ra-rounds pa ako," paalam niya, tinanguan ko siya at kinawayan.

Nagsimula na ulit akong maglakad sa hallway ng hospital ng makita ko si Smut sa may nurse station habang may binabasa sa chart. Nangiti ako lumapit sa kaniya.

"Hi doc."

Nilingon niya ako at kinunotan ng noo, sinenyas niya ang office niya at naunang pumasok don. Lito man ay sinundan ko na lang siya sa loob. Nang makapasok ay nakita ko siyang nakasandal sa may sofa habang hinihilot ang sintido. Natawa ako sa ayos niya dahil madalas ay ganoon rin ako.

"Bakit?" tanong ko at tumabi sa kaniya.

Seryosong tinignan ko siya at halos mapasinghap ako ng may tumulong luha sa kaniyang pisngi. Mas lumapit ako sa kaniya, iniangat ang kaniyang ulo at nilagay sa balikat ko at saka ko siya niyakap.

"Anong problema?" tanong ko.

Kanina lang ay ang lakas-lakas ng dating niya tapos ngayon iiyak-iyak na parang bata na inagawan ng candy. Bumuntong hininga ako at dinamayan lang siya habang tahimik na umiiyak, hindi ko naririnig ang iyak niya pero umuuga ang balikat niya.

"Napapagod na ako, pero hindi ko kayang mawala siya," nabasag ang boses niya na ikinapikit ko.

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ano ba ang dapat gawin ko? Sabihin na madami pang iba diyan? Anong karapatan kong payuhan siya ng ganoon, kung sa sarili ko hindi ko ma-apply?

Nang maramdaman na tumigil na siya ay inilayo ko siya at pinunasan ang mukha niya. Pumikit siya ng dampian ko ng tissue ang mukha niya, itinapon ko 'yon sa basurahan sa may gilid. Tinitigan ko siya at ng hindi makatiis ay pinisil ko ang magkabilang pisngi niya.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon