Kabanata 15

84 16 0
                                    

Kabanata 15

Bumilis ang mga araw at finals na namin. Maaga akong pumasok para makapag last minute review. Kumuha ako ng pencil sa pouch ko at saka iyon ang ginawang pang ipit. Para hindi ako maistorbo sa mga buhok na lumalaglag kapag yumuyuko ako. Nakapag review naman ako pero ayoko pa din mag pa chill lang, baka mamaya ay makalimutan ko ang nireview ko patay na. Kaunti pa lang din ang mga kasama kong kaklase na katulad ko ay subsob sa pag rereview.

"Aga mo ah."

Napaangat ako ng tingin ng may magsalita sa gilid ko, saglit akong nagulat pero ngumiti din kay Harvey.

"Oh puppy! buti nakapasok ka?" tanong ko.

"Oo naman, gusto ko pa namang grumaduate," natatawang sabi nito gayundin ako.

Saglit pa kaming nag usap at saka nag pasyang ituloy ang pag rereview. Isang linggo din kasi siyang nawala kaya akala ko ay hindi siya aabot sa finals at hahabol na lang pero nakakatuwa naman na talagang nakasabay siya sa amin.

Lumipas ang oras at dumating na si Prof Carlos, siya ang magbibigay ng finals sa amin. Mas dobleng kaba dahil ang sabi ay isa ito sa mga terror na prof. One seat apart ang nangyari pagkabigay ng test papers ay agad na tumahimik ang lahat.

Nilagdaan ko muna ang mga dapat lagdaan bago nag simula mag sagot. Napangiti ako ng makita don ang mga nireview ko. Habang nasa kalagitnaan ng exam ay napansin ko ang nasa unahan ko na nakikipag bato-bato pick sa kaharap niya. May nakita akong gunting, papel at bato. Napailing na lang ako dahil sa oras pa talaga sila ng exam naglaro.

Nang mag paalam si Prof Carlos na lalabas lang saglit ay umingay ang aming room. Nandoon ang may nagtatanungan ng sagot kaya medyo nadistract ako. Napalingon ako sa kanan ko at nakitang seryoso lang doon si Vio habang nag sasagot may time na kinakagat niya ang kaniyang pen, naging mannerism niya na talaga 'yon kapag seryoso. Sa kaliwa ko naman ay si Puppy na busyng busy sa pag sagot parang wala siyang kasama at gulat pa ako ng saglit niya lang binabasa ang tanong pagkatapos ay may sagot na siya. Nandadaya ba siya? Sana naman hindi.

Bumalik lang ako sa pagsasagot, nang pumasok na ulit si Prof. Tuloy-tuloy ang pagsasagot ko dahil nareview ko 'yon pero halos maiyak ako sa dulo ng hindi ko maalala ang sagot sa mga tanong doon. Matagal ko 'yong tinitigan na para bang bigla na lang mag hahigh light ang tamang sagot.

"Five minutes."

Mas lalo akong kinabahan ng magsalita si Prof. Oh God lima pa ang hindi ko nasasagutan at hindi ko talaga alam ang sagot doon. Nagtatayuan na ang mga kaklase ko para mag pasa ganoon din si Harvey sa gilid ko. Napatingin ako sa labas at nakita doon sila Asenna at Charls na kumakaway at sinasabi ang 'fighting'. Napalingon ako kay Vio ng mapansin na nakatingin ito sa akin. Tinignan ko ang exam papers niya at nakataob na 'yon. Bat hindi pa siya tumayo? tapos na yata siya. Natingin ako sa muka niya ng may pagtataka pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Ang yabang mong siraulo ka.

"Two minutes."

Bumuntong hininga ako at nagsimula na ulit magbasa. At sa awa ng diyos ay natapos ko 'yon sa saktong oras. Nang makalabas si Prof ay dali dali kong binuksan ang aklat ko at hinanap doon ang topic na hindi ko masagutan kanina. Oh my god! May mali akong dalawa. Bagsak ang balikat na lumabas ako ng room, sinalubong agad ako nila Charls.

"Oh bakit ganiyan ang muka mo?" tanong ni Charls.

"May mali akong sagot," simpleng sagot ko. Naramdaman ko ang pagtabi sa'kin ni Vio at paghawak sa bewang ko.

"Ayos lang yan, hindi ka naman mamamatay sa 2 maling sagot," sabi ni Asenna habang kinukutkot ang kuko niya.

"Kahit na, buti pa kayo mabilis na ka tapos," sabi ko.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon