Kabanata 30
Buong oras akong tahimik sa paglalakad namin, hindi ako nakapag salita, hindi ko alam ang sasabihin. Nangingibabaw ang puso ko dahil sa malakas na pagkabog nito, tila ba ang dami-daming gustong sabihin.
"Malapit na po tayo, doon po ang bahay namin."
Natigilan kami ng magsalita ang batang kasama. Marahan akong ibinaba ni Vio, hinarap ko ang bata.
"Saan?" tanong ko.
"Doon po," turo nito.
Sinundan ko ng tingin 'yon, nanlaki ang mata ko ng makita. "Ha?" nilingon ko siya. "Dadaan tayo diyan?"
Tumango siya. "Opo, matibay po 'yan."
Nauna silang maglakad sa amin. Nagkatinginan kami ni Vio ng maiwan kaming dalawa, nakaramdam ako ng hiya kaya ako na ang nag-iwas ng tingin.
"Ah a-ano tara na?" aya ko.
Napa-atras ako ng lumapit siya sa akin. Mahina siyang natawa dahil doon. Lumapit pa siya ngunit hindi ko na nagawang umatras dahil mabilis niyang hinapit ang bewang ko. Magkadikit na ang aming katawan kaya naman binigyan ko ng distansya ang mukha naming dalawa, lumiyad ako.
Ngumisi siya at inilapit ang mukha sa akin. Natigilan ako at tumitig sa kaniya, walang kuwenta ang pagliyad ko dahil lumapit pa rin siya . Ganoon na lang tuloy ang pag-aalala ko na baka may dumi ako sa mukha at makita niya.
Nagbaba siya ng tingin sa labi ko. "I miss you."
Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya at lapit niya. Sinalubong niya ang tingin ko at saka pa siya lumapit, nagtama ang aming ilong na mas lalong ikinatuwa ng kung ano sa dibdib ko. Para akong nahihipnotismo sa binibigay niyang tingin. Muli siyang nagbaba ng tingin sa labi ko at ipinaling ang ulo at saka tumitig sa akin. Napalunok ako at kusang napapikit ang aking mga mata.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang na naglapat ang aming mga labi. Sinimulan niyang halikan ang taas at saka ba-baba, ganoon ang ginagawa niya habang ako ay tila tuod na hindi malamam ang gagawin. Nang makuha ang ritmo niya ay sinimulan kong igalaw ang sarili at tugunin ang mga halik niya, nakadiretso lang ang ulo ko habang ang sa kaniya papaling-paling. Napahawak ako sa polo niya ng mas palalimin niya pa ang aming halikan.
Ang mga kamay niya sa aking bewang ay nagsimula ng humigpit ang kapit. Minsan ay pumi-pisil pisil pa siya doon, madalas ay hinahaplos niya ako doon pataas sa ilalim ng dibdib ko at saka muling babalik sa bewang. Hindi ko alam kung ilang minuto na kami sa ganoong puwesto, basta ang alam ko lang ay ayoko ng tumigil dahil sa pananabik sa kaniya.
Natigil ako ng may humawak sa blouse ko at pilit hinihila. Natawa ako sa gitna ng aming halikan, hindi ko alam na may side pala siyang ganiyan. Masyado siyang aggressive. Nahinto siya dahil sa pagtawa ko, umiling lang ako at saka siya muling hinalikan.
Gumanti rin agad siya at muli kong naramdaman ang kamay niya sa aking bewang, hindi na ito gumagalaw at nakahawak lang doon. Ikinawit ko ang magkabilang kamay, sa kaniyang leeg, tumingkayad ako upang hindi siya mahirapan sa pagkakayuko. Hindi pa ako nakakatagal sa ganoong puwesto ng maramdaman ko nanamang may humila sa blouse ko. Lumayo ako sa kaniya ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang.
Nanlaki ang mata ko ng may na realize, kung nakahawak siya sa bewang ko sino ang kanina pang humihila sa blouse ko? Salubong ang kilay niya ng tumingin sa akin, tila nagtataka sa kilos ko.
"Oh my god!" tili ko ng may humila na naman sa blouse ko. Napatalon ako kay Vio at mabilis naman niya akong sinalo.
"Ate kanina ko pa po kayo tinatawag kaso busy po kayong dalawa at hindi niyo po ako napansin."
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
RomansaHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...