Kabanata 16
Magaan ang pakiramdam na gumising ako. Tumayo ako sa may beranda at saka nakapikit na nilanghap ang sariwang hangin. Inilibot ko ang tingin sa may ibaba at masayang pinagmasdan ang mga bata na naglalaro sa may park hindi kalayuan sa amin.
"Haaaay ang sarap mabuhay...."
Nagtagal pa ako ng ilang minuto doon bago pumasok at nag ayos ng sarili para makababa. It's already 7am nagsuot ako ng fitted sando at jogging pants bago bumaba. Nadatnan ko sa dining ang pamilya ko. Bumati ako sa kanila bago umupo at nagsimulang kumain. Hindi pa nag iinit ang upuan ko ng magtanong si Mommy.
"Napag isipan mo na ba kung saang medical school ka papasok?"
Natigilan ako sa tanong na 'yon bakit ko nga ba nakalimutan ang bagay na 'yon.
"Bakit? Hindi ba't si Mama na ang nag desisyon kung saan at sinang ayunan niya na'yon, hindi ba Aubry?" bigkas ni daddy habang kumakain.
Hindi ako sumagot at nanatili ang tingin sa plato.
"Hon, hayaan mo ng mag desisyon si Aubry sa bagay na 'yan," mahinahon na sabi ni Mommy.
"Hon, matagal na nilang usapan ng lola niya 'yan," putol ni daddy sa sasabihin ni Mommy.
After ng college ay kailangan sa Europe ako kumuha ng med school. Ayon ang usapan namin ni Lola dahil bata pa lang ako at nag sisimula pa lang mangarap ay pumayag ako. Hindi naman ako lugi dahil kung tutuusin napakalaking opportunity ang makukuha ko kung doon ako mag tatapos pero ayoko malayo sa mga kaibigan ko ganoon na din sa pamilya ko.
"Kilala mo si Mama hon, Once na mangako ka kailangan mo 'yong tuparin ganoon kalaki ang tiwala niya sa pangako," sabi ni Daddy.
Bumuntong hininga si Mommy at may pag aalalang tumingin sa'kin.
"Okay lang ba sa'yo 'yon anak?" tanong niya. Tumango lang ako at saka malalim na bumuntong hininga. Wala naman akong choice kung hindi pumayag, ayoko din naman na madissapoint sa'kin si Lola.
Nawalan na ako ng gana at pinilit na lang ubusin ang pagkain na nasa plato. Bago nagpaalam sa kanila na aakyat muna ako. Pagkapasok ko ay ibinagsak ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame.
Ayoko silang iwan, Sila Mommy, ang mga friends ko lalo na si Vio.
Pumikit ako at saka nag isip ng paraan kung paano sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba 'yon o ano. May tatlong linggo na lang ako bago pumunta pa Europe. Ang balak sana namin ay sa Paradox pa din kami papasok para magkakasama kami kaso hindi na 'yon mangyayari.
Napadilat ako ng tumunog ang phone ko sa may side table nakahigang kinuha ko 'yon at saka tinignan kung ano. Nangiti ako ng makitang group chat namin ayon na may pangalang.
"Doktor kwakwak skwad"
Si Charls ang naka isip non, dahil kung hindi daw kami papasa ay mag dodoctor kwakwak na lang kami sa kung saan. Binuksan ko ang GC at binasa ang mga chat doon.
Chelsea d'sexy : Guys two pm ang meet up sa may SM ako na bahala sa sasakyan kaya wag na kayo mag dala I'm so excited! Btw ang malelate ang magbubuhat ng mga gamit so mag palate kayo harharhar.
Napasapo ako sa noo ng maalala na may two days outing nga pala kami. Ibinaba ko ang cellphone at nag ayos ng mga gamit na dadalhin. Sabi ni Charls ay sa resort nila sa Tagaytay kami pupunta. Hindi ako makapili ng damit na dadalhin dahil puro 'yon mahahaba at magmumuka akong tanga kung iyon ang dadalhin ko.
Muli 'kong kinuha ang phone ko ng tumunog 'yon. Napangiti ako ng makita ang nag text.
Baby Damulag : Sabay na tayo pumunta, susunduin kita. See you babe.
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
RomanceHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...