Kabanata 4
"Ang gwapo talaga ni Luhence 'no?" saad ni Charls
Halos ilang linggo na rin ang nakalilipas simula ng mag simula ang buhay college namin. Kahit subsob kami sa pag-aaral ay di pa rin namin nakakalimutan mag relax. Hindi kasi maganda na puro lang aral dapat balance din dahil kung puro aral ay talagang tatamarin ka.
Pagkatapos ng klase ay na pag pasiyahan namin na tumambay sa basketball court dahil gusto daw mag laro ng mga kaibigan ni Vio. Sa naka lipas na linggo ay nagkaroon na din kami ng kaibigan, si Vio ay marunong naman makisama kaya hindi siya nahirapan na makipag kaibigan. Samantalang ako ay si Charlie at Asenna lang ang nakapag palagayan ko ng loob.
"Manahimik ka Charlie ha! kay Aubry na yan!" saad ni Asenna
"Hoy bruha! Chelsea! hindi Charlie kaloka ka! at saka hindi ko naman aagawin talaga naman kasing ang gwapo ni papsi!" malanding sabi ni Charlie este Chelsea
"Nako! kunwari ka pa ahas ka!" Asenna said
"Duh girl! Sa beauty ko'ng 'to hindi ko na kailangan mang ahas no! at saka ako kaya ang nilalapitan ng mga papsi!" malanding sabi ni Charls habang may kunwaring iniipit na buhok sa tainga niya.
Actually hindi naman talaga baklang tignan si Charls dahil kung sa unang tingin hindi malabong mag ka gusto ka sa kaniya, magandang lalaki siya at matangkad din, mangingitim ka kapag siya ang katabi mo dahil sa sobrang puti niya, makinis din siya. Kaya hindi na nakakapag taka na bakla siya sa sobrang arte niya. Si Asenna naman ay ang nerdy type sa amin dahil tinalo niya si maria clara sa sobrang haba niya mag palda, maluwag din ang blouse na laging suot. Mayroon din siyang suot na eye glass at curly ang kaniyang dulong buhok, maganda siya kung aayusan. Pero ayaw niya dahil hindi naman daw siya nag punta dito para rumampa.
"Mag tigil kayo'ng dalawa diyan at mag kaibigan lang kami!" suway ko sa kanila ng patuloy silang nagtatalo. Bagay sana sila kung hindi lang talaga tagilid si Charls.
"Magkaibigan lang kami," they mocked.
Hindi ko na lang pinansin at tumingin kay Vio ng maglakad ito papunta sa aming pwesto pawisan na ito sa suot nitong white shirt at jersey short. Nang makalapit siya ay inabutan ko siya ng tubig at nag labas ng towel upang punasan siya.
"Talikod."
Inangat ko ang shirt niya upang malagyan siya ng pulbos sa likod, hinampas ko pa si Charlie ng walang pakundangan itong naki silip. Malandi talaga ang bruha. Habang si Asenna ay tawang-tawa lang doon.
Nang matapos ay pinihit ko siyang paharap at inayos ang kaniyang buhok.
"Okay na, hindi pa ba kayo tapos?" tanong ko.
"Hindi pa bakit? may pupuntahan ka ba?" tanong niya habang tinatakpan ang inuminan.
"Oo, dadalaw ako don sa Love House."
Ang Love House ay isang tahanan ng mga batang may sakit at wala ng pamilya, nakita ko ang lugar na yon nung isang araw ay nag lakad-lakad ako pa-uwi galing school. Doon ko nakilala si Thea, isang batang babae, bulag ang isa niyang mata pero hindi yon naka bawas sa kaniyang ganda.
"Mamaya na matatapos na rin kami, panuorin mo muna ako mag laro saka kita sasamahan," he said
"Tsk lagi na lang gusto ka sama siya, sige na mag laro ka na don," sabi ko at marahan siyang tinulak paalis.
"Thanks babe!" sigaw niya pa habang nag lalakad patalikod kumindat pa bago tumalikod at diretso'ng nag lakad.
"Kita mo na! Ganiyan ba ang mag kaibigan?!" pang iinis sa'kin ni Charls na may kasamang pag sundot sa tagiliran ko.
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
RomantikHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...