Kabanata 25

91 9 0
                                    

Kabanata 25

"Good Evening Doc."

"Good Evening," pagbalik ko.

Inilagay ko ang dalawang kamay sa loob ng coat na suot at saka pinagmasdan ang pasyente.

"Na-aksidente siya sa Motor," paliwanag ni Nurse Lea

Tumango ako at saka tinitigan ang pasyente na nakasimangot lang. May mga bagay na nakapalibot sa leeg niya bilang suporta sa kaniyang leeg. Mukang ma-suwerte siya at nabigyan agad siya ng first aid. Napaling ako at binalingan ang nurse.

"Ikuha mo ako ng neck brace."

"Yes doc."

Nang makaalis siya ay kinilatis ko ang lalaki, bata pa siya siguro ay mga nasa eighteen pa lang siya. Napakunot noo ako ng mag-iwas siya ng tingin at itago ang kaliwang braso na parang may tinatago doon. Bumuntong hininga ako at kinuha ang braso niya. Mahina akong natawa ng makitang may nakasulat doon. Binitawan ko 'yon at muling tinignan ang kaniyang kabuuan.

"Tingin ko, minor injuries lang 'yan."

Diniinan ko ang tiyan niya kaya naman na pa angat siya "Aray, doc."

"May rib fracture ka," simpleng saad ko at tinignan ang ibaba niya.

"'Yang paa mo may ankle sprain ka."

Iiling-iling akong nag angat ng tingin sa kaniya. "Magnanakaw ka ba?"

Mukang nagulat siya sa tanong ko at napalunok. Muli kong kinuha ang braso niya "Nakalagay dito, Magnanakaw ako huwag tularan."

Inis niya akong binalingan at marahas na binawi ang braso niya. "Baliw ang gumawa niyan."

"Ah," tumango ako. "Ibigay mo sa nurse ang number ng guardian mo para matawagan namin."

"Pero.."

Nag angat ako ng kilay ng hindi niya ituloy ang balak sabihin.

"Tabi, tumabi kayo!"

Napahilot ako sa sintido ng makita ang mga nurse na nagmamadaling pumasok sa ER na may tulak-tulak na pasyente. Gusto kong umiyak ng tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom, kanina pa ako palakad-lakad at hindi pa ako nakakapag pahinga. Ni mag restroom ay hindi ko magawa dahil sa dami ng pasyente na kailangan asikasuhin.

Nilingon ko ang nurse ng bumalik 'to. Saglit kong inasikaso ang pasyente at  nag bilin na lang ako sa nurse ng mga dapat pa niyang gawin, at saka pinuntahan ang pasyente na bagong pasok sa ER.

Nagpunas ako ng pawis gamit ang aking braso pagkatapos makalabas sa OR. Tinignan ako ang machine sa may gilid ng pader ng OR kung saan nakalagay ang mga pangalan ng doctor na nag o-opera at kung anong oras nag simula at natapos. Halos 1 oras din pala ang tinagal ko sa loob. Kinailangan kasi na operahan ang pasyenteng sinugod kanina.

Nagtungo ako sa may office ko at binagsak ang sarili sa sofa. Nagpahinga ako saglit at saka kinuha ang biscuit at tubig sa may table ko, nagugutom na ako pero mas lamang ang pagod ko. Kailangan ko munang mag pahinga. Matapos kumain ay inayos ko ang unan sa sofa at inilagay ang cellphone ko sa may table sa may gilid para mabilis akong magising kung may emergency man. Hindi rin nag tagal ay nilamon na ako ng antok.

Kinaumagahan ay maayos na ulit ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang coat ko at saka sinuot, kinuha at saglit kong tinignan ang chart na nasa may table ko. Akmang lalabas na ako ng tumunog ang cellphone ko, kaya naman muli kong isinara ang pinto at saka 'yon sinagot.

[Aubry anak, hindi ka ba uuwi?]

"Mom, busy po ako."

[Ngayon ang birthday ni Audrey, uunahin mo pa ba 'yan?]

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon