Adrielle 'Ayel' Cabatuan
"Kumain ng gulay para humaba ang--"
"Buhay!" masiglang dugtong ng mga bata rito sa baryong Bisig.
Pagkatapos nilang kumuha ng pagkain ay kanya kanya na ang pakikipag usap nila sa isa't isa. Nakangiti lang akong nagmamasid sa kanila.
"Salamat Ayel sa pagboboluntaryo magtulong sa mga bata rito sa Bisig" wika ni ate Iyah, ang head ng outreach program.
"Syempre naman ate, masaya ako na masaya sila. Nakakatuwa kaya ang mga bata" sagot ko, nakangiti habang nakatingin pa rin sa mga batang kumakain.
"Teacher, sabi po ni Shane nagugutom pa raw siya" sigaw ng isang bata, nagpipigil ng tawa.
"Hala! Teacher hindi po ako nagsabi ng ganoon" sumbong naman ng isa.
"Ang kulit, ano?" bulong ni ate Iyah. "Parehas naman silang gutom pa"Nilapitan ko naman sila kaya nag sisikuhan ang dalawa. Umupo ako sa tapat nila para pantay kami.
"Kapag gusto pa ng pagkain, anong gagawin at sasabihin?" tanong ko sa mahinahong tono.
"Teacher ako po!" boluntaryo ng isa habang nakataas ang kamay.
"Sige, ano ulit 'yun?"
"Lalapit sa teacher at sasabihing 'teacher pwede pa pong maghingi ng pagkain?' " sagot nito, ginaya pa ang tono ng boses ko kaya nagtawanan ang lahat.
Tanghali na rin nang natapos kami sa pagliligpit. Nakauwi na rin ang mga bata. Umupo ako sa bakanteng upuan at kumain ng biskwit.
"May pagkain doon iha, bakit biskwit lang ang kinakain mo?"
"Kumain na po ako sa bahay. Hindi pa naman ako gutom. Ayos na yung biskwit sa tiyan ko" sagot ko. "Gusto niyo po ba?"
"Ang bait bait mo talagang bata ka. Ang swerte ng magulang mo sa'yo"
"Ako po ang swerte sa kanila" pag tatama ko.
"May boyfriend kana ba, iha? Ireto ko sana ang anak kong lalaki kasing gulang mo rin siya" biro nito.
"Ay, wala pa po," sagot ko sa tanong niya. "Wala pa po 'yan sa plano ko"
Umuwi na rin ako pagkatapos. Sumakay na akong tricyle dahil tirik na rin ang araw pero nasiraan naman si kuyang driver.
"Ay, 'wag kana magbayad. Hindi na nga kita nahatid sa bababaan mo" sambit ni kuya, hindi tinatanggap ang bayad.
"Malapit na rin naman po ako sa bahay namin. Kaya tanggapin n'yo na po" kinuha ko ang kamay nito at binigay ang aking bayad.
"Salamat, ah"
Binuksan ko na ang aking payong saka naglakad. Malapit na rin naman ang bahay namin, mga sampung minuto na paglalakad.
"Kuya!!!" rinig kong sigaw ng isang bata habang umiiyak.
Agad ko naman itong nilapitan. Umupo ako sa tapat niya at kumuha ng panyo para punasan ang pisngi niyang basang basa na dahil sa luha. Ngumiti ako sa kanya ng tingnan niya ako. Ang gwapong bata.
"Hello! Ako si ate Ayel. Nakatira doon, oh," tinuro ko ang asul na gate. "Ikaw? Ano pangalan mo?"
"C-charles p-po" sagot nito na parang sinisinok.
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.