09

195 13 1
                                    

"I like you"

"I like you"

"I like you"



Paulit ulit kong naririnig sa 'king isip yung sinabi ni Cedie sa 'kin. Kahit ilang linggo na 'yun lumipas, hindi ko mapigilang ulit ulitin yun sa isip ko.



"Tulala ka na naman dyan!" umupo si Xyriel sa harap ko. "Bakit? Feel mo ba bagsak ka? Oks lang 'yan, hindi ka naman nag iisa" tinuro niya ang mga iba kong classmates.



Katatapos lang ng fall final exam. Nag review naman ako ng mabuti. Pero hindi pa rin maiwasan na may makalimutan ka at may hindi masama sa pinag aralan mo. Anyways, feeling ko makakapasa naman ako. Feeling ko.



"Tara ice cream!" yaya ko saka tumayo. Tumayo rin siya.



Xyriel is an outgoing person, isang yaya mo lang sama na siya agad. She's friendly kaya naging magkaibigan kami. She's nice and noisy. Shouting is her habit.



"Pabili po" sigaw niya ng wala pa ring lumalabas na tindera. Sinenyasan ko siyang hinaan onti ang boses. "Pabili po" bulong niya. "Ganoon ba? Tingnan natin kung may lalabas" biro nito.



"Libre mo 'ko" sambit ko.



"What??? Ikaw nag aya, girl!"



Sa huli ay siya pa nagbayad ng ice cream ko. Wala na akong pamasahe kapag bumili pa 'ko ng ice cream pero babayaran ko naman siya. Umupo muna kami sa bakanteng upuan habang kumakain ng ice cream.



"Si Cedie, oh," turo niya sa likod ko.



"Ano?!" gulat kong sabi. Hindi ako lumingon sa likod. Yung puso ko na naman nagkakarerahan.



"Ayan, oh, sa poster" turo niya pa rin. "Gulat na gulat, gorl?" Nakahinga naman ako ng maluwag. Tumingin ako sa poster, endorser rin pala siya ng ice cream, huh? Wow. Edi siya na lahat.



Maaga akong nagising. Nag phone muna ako habang kumakain ng tinapay. Tapos na ang fall final exam kaya wala na gaanong tinuturo ang mga guro. Next year na ulit kami magseseryoso.



"Nak," umupo si Mama sa tapat ko.



Tinigil ko ang pag pho-phone at tumingin sa kanya. "Bakit, Ma?"



"Next month na. Hindi ka pa rin ba nakakapag desisyon?"



Next month na pala. Tiningnan ko ang date ngayon, November.



"Ma, pwedeng pag isipan ko pa ulit? Kahit lima o kahit tatlong araw"



Nakapatong ang aking siko sa mesa habang ang aking ulo ay nasa aking kamay, nakatingin ako sa bintana. Walang guro ang pumasok ngayon kaya libreng oras ito. Lumabas yung mga iba kong classmate habang ako ay nag iisip pa rin. Napatigil lang nang tumunog ang aking phone.



From: Cedie Buenaflor

Fashion show na ata mamaya? Tama ba?



Napatawa naman ako. Nag tipa na ako ng aking reply.



To: Cedie Buenaflor

Ewan ko.



Nakita kong nagtipa siya agad nang mabasa ang aking reply. Natatawa na lang ako.



From: Cedie Buenaflor

Paki-check nga yung account ng Victoria Fashion. Thanks.



Kahit alam ko namang mamaya gaganapin ang pagrampa niya ay chineck ko pa rin ang account ng Victoria Fashion. Nakita ko ang mukha niya sa isa sa mga post. I took a screenshot and send it to him.



Slowly FallingWhere stories live. Discover now