"Aalis nga pala ako"
Nasa tapat kami ng dagat ngayon. Pinagmamasdan ang hampas ng alon. Sinuot niya pa ang jacket niya sa 'kin dahil malamig. I'm sitting now at the long chair while he is laying down on my lap.
"Ilang years?" tanong nito, nakapikit pa rin.
"Ha?" Napakunot naman ang aking noo.
"Kaya ko naman maghintay pero this time kapag hindi kona matiis, susundan kita kahit saang bansa pa 'yan" saad nito saka dinilat ang mata. Nakatingin na tuloy kami sa isa't isa.
Pinitik ko naman ang noo niya ng mahina. "Loko! Business trip lang pupuntahan ko at tatlong araw lang yun, hindi taon!" natatawa kong sabi.
Nakita ko ang labi niyang nag pout na mas ikinatawa ko. Parang bata kasi na hindi nabigyan ng ice cream.
"Kinabahan ako ro'n, ah! Akala ko maghihintay na naman ako. I'm gonna miss that pretty cutie face of yours" wika nito saka hinawak hawakan ang aking pisngi.
"Pang ilan na 'ko sa mga nasabihan mo ng ganyang linya?" biro ko.
"Ikaw pa lang" seryosong sagot nito. "Ang dami ko kayang firsts sayo"
"Ako rin naman. Halos lahat nga ata" wika ko habang pinaglalaruan ang buhok niya.
"Ako rin ba ang first kiss mo?" tanong nito. Natahimik naman ako sa tanong niya, feeling ko namumula tuloy ako.
"Oo! Anduga nga, eh. Ako, pang ilan ako, ha? One hundred? One thousand?"
"You're my first, too" sabi nito na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nagkakarerahan na naman sila!
"Maniwala"
"Yung mga kiss scene ko sa mga artista, hindi naman talaga direct sa labi. Well, yung iba siguro direct nilang ginagawa in front of the cam. Pero ako, no. Gusto ko yung first ko sa babaeng mahal ko"
"Ah," tangi ko na lang nasabi. Normal bang kiligin? Feeling ko tuloy bumalik ako sa pagiging teenager.
"When I saw you in our house I panicked, you know?"
"Noong birthday ng daddy mo?" pag clarify ko. Tumango siya.
"Yeah. Did they make kwento ba?" he looks worried. Haha!
"Ang conyo, ha! Pero wala naman" sagot ko.
"The picture frame. I know Charles makes you saw it" napatingin naman ako sa kanya at tumango. "When things are being hard especially in showbiz I always sleep in our house, looking at your picture. I can't put it in my condo because some artist, entering there. Baka kasi kapag nakita ka nila, hanapin ka nila"
"Baliw" komento ko. "Pinahirapan ba kita sa paghihintay?"
"Yes, super. But its worth it naman. Andito kana ulit, eh" he smiled. "How about you? How's school in America?"
Pagkatapos ng mahaba naming pagkwe-kwentuhan ay napagpasyahan na naming umuwi. Tinulungan niya akong mag impake ng gamit sa condo. At hanggang ngayon suot ko pa rin yung jacket niya.
"Thanks" pagpapasalamat ko. Tiningnan niya lang ako. "Why?"
"I miss you"
"Eh? Andito pa 'ko, ah--" hindi kona natapos yung pagsasalita ko ng lumapit siya at niyakap ako.
"Payakap kahit seven minutes lang" mahinang sabi nito.
"Lagpas seven minutes na ata" biro ko. Pumiglas naman na siya. Kaya kita na namin ang isa't isa. "Three days lang naman business trip ko. Hindi three years"
"Lang? It feels three decades!"
"Wow, ha! Ang OA. Itulog mona yan" pabirong saad ko.
"Pwedeng makitulog rito? Kahit dito sa sofa" turo niya sa inuupuan namin.
Pumayag na lang ako. Mukhang hindi papipigil, eh. Naghilamos muna ako kaya iniwan ko muna siya mag isa sa sala. Pero pagkabalik ko, nakahiga na siya. Buti na lang sakto lang yung tangkad niya sa sofa. Pagkalapit ko ay nakapikit na siya. Tulog na. Kumuha ako ng kumot at tinakluban siya. Pinatay ko na yung ilaw at binuksan ang lamp. Iniwan kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko.
"Three days lang ha?" saad nito habang hawak hawak ang kamay ko. Nasa tapat na kami ng airport.
"Opo, three days lang. Promise. Uuwi rin ako sa 'yo after nito. Okay?" hinalikan ko siya sa noo.
"I love you" sabay naming sabi sa isa't isa kaya ngumiti kami sa isa't isa.
"Salamat sa paghihintay, Cedie" ang huli kong wika bago lumabas ng kotse niya.
-end-
Hi! Hindi ko alam if mababasa niyo pa ito. Also, if alam n'yo pa ang flow ng story haha. Last December pa pala ang last kong update hehe sorry!! Wala na talaga akong balak tapusin pero I saw this chapter a while ago. (I thought that walang ending 'to pero I was shocked na meron pala!) I wrote this last chapter on January 11, 2021. Then I posted this now, June 24, 2021. Sorry if I make you wait.
Thank you for reading. Thank you for waiting. I hope you guys are doing well. All will be well. 💖
♡
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.