"Pag iisipan ko pa ulit" sagot ko kila Mama at Papa.
Ilang araw kona rin pinag iisipan ang offer ni Tita sa 'kin, ang pagpapatuloy ng pag aaral sa America. Okay lang naman kila Mama dahil para rin naman daw iyon sa ikabubuti at ikauunlad ko. Hindi ko alam kung ano ang nagpapatigil sa 'kin para tanggapin ulit ang alok ni Tita.
"Huy!" nabalik naman ako sa katinuan ng kalabitin ako ni Eunice. "Tulala ka dyan?"
"Iniisip ko lang yung offer ni Tita" amin ko.
"Ang gulo mo rin minsan, noh" komento niya. "Last year pa 'yan na-offer sa'yo. Payag na sina Tita at Tito at payag kana rin. Tapos kung kailan malapit na.. saka ka nagdadalawang isip"
"Naguguluhan ako. Siguro napapayag lang ako noon kasi hindi pa malapit" saad ko. "Ngayong malapit na.. fifty fifty na"
"Bakit? May jowa kabang maiiwan, ha?!" biro nito.
Cedie. Teka, bakit naiisip ko siya?
"Syempre wala!" sagot ko kaagad.
"Ay, ba't parang defensive?"
"Alam mo naman wala pa 'yan sa plano ko" dahilan ko.
Sabado. Nandito na naman si Cedie sa Bisig. Nakangiti na parang walang nangyari nung nakaraan. Okay na siguro siya. Buti naman. Naalala ko na naman tuloy ang last message niya sa 'kin. Hindi pa rin ako nakapag reply.
"Hey,"
"Hey! Hindi ka busy?" tanong ko. "Nakita ko yung ig post mo kahapon, may shoot ka for new endorsement?"
"Stalker"
"Huy! Hindi, ah!" tanggi ko agad. "Ano lang.. n-nag appear sa f-feed ko" utal utal kong sabi. Argh! Bad liar.
"Ahh" tanging nasabi niya, pagpapalagpas sa pagsisinungaling ko.
"Hindi ka ba busy? Lagi ka nang pumupunta rito, ah?" pagbabago ko ng topic.
"Mamaya pa naman" sagot nito. "Gusto mo sumama?"
Hindi na naman ako tumanggi. Hindi ko malaman bakit sa tuwing nagyayaya siya lagi akong napapapayag.
"Woah! Ganito pala mag shoot for commercials? Ang astig!" bulong ko pero parang narinig rin ni Cedie kasi mahina siyang tumawa.
Maraming mga tao, mga staffs pero hindi crowded. Malawak yung studio. Naiilang lang ako dahil sa mga tingin ng iba. Pinakilala pa ako ni Cedie sa manager niya. Nakakahiya.
"Upo ka muna dyan, ah" tumango naman ako. "Mag make up lang ako" paalam nito.
Hindi naman ako nainip dahil ilang saglit rin ay lumabas na siya sa isang kwarto. Make up room ba 'yun?
"Start na tayo" sabi ng isang lalaki.
Nakatingin lang ako kay Cedie, namamangha. Sa ganitong mura niyang edad nakakapag ipon na siya para sa future samantalang ako umaasa pa rin sa magulang. Siguro pagdating sa hinaharap, successful na talaga siya. Nakakatuwa.
"Galing, ah" puri ko sa kanya nang matapos na ang pag shoot nila.
"Nakailang take nga, eh. Nakakailang kasi 'yang mga tingin mo" sabi nito pero hindi kona narinig yung huling sinabi niya, pabulong na.
"Atleast nagawa mo pa rin"
Niyaya niya pa 'kong kumain sa isang disenteng restautant, ayaw ko pa nung una pero nagpumilit siya kaya pumayag na rin. Wala pa naman akong perang dala.
"Anong gusto mo?" tanong ni Cedie nang makaalis na yung waiter na nagbigay ng menu.
"Tubig" sagot ko. Siguro naman mura lang yung tubig dito.
"What?" naguguluhan niyang tanong, hindi makapaniwala.
"Tubig" sabi ko ulit. "Tubig as in water" klaro ko nang mapansing hindi niya pa rin gets.
Tumawa naman siya. "Are you serious?" 'di pa rin makapaniwalang saad nito. "Tubig lang yung order mo? Eh ba't pa tayo nandi--"
"Ikaw nagpumili--"
Natigilan rin ako sa pagsasalita ng may lumapit na kababaihan sa 'min, high school students.
"Hi po," bati ng isa, kinikilig. "Pwede po kaming magpa-picture sa inyo k-kuya Cedie?"
Tumingin pa si Cedie sa 'kin bago tumango sa kanila. Nag offer pa 'ko sa kanila na kuhaan sila ng magkakasama.
"Thank you po, ate" ngumiti ako saka muling umupo. "Tara na, alis na tayo. Late na"
Napailing na lang ako nang umalis sila, tumatakbo. Willing magpa-late makapag pa-picture lang. Wow.
Sinimulan na rin namin kumain. Sabi niya siya naman daw ang magbabayad kaya nag order na 'ko tulad lang rin ng kung ano sa kanya. Kumakain naman ako ng kahit ano, basta pagkain.
"Bayaran na lang kita next time" sambit ko nang makasakay na ulit kami sa kanyang kotse.
"No need" sagot nito habang nagsusuot ng seatbelt. "Hindi ko tatanggapin"
"Edi 'wag!" galit kong sabi. "Porket mapera na ayaw nang tumanggap ng pera"
"Mapera na nga kasi" pang gagaya niya. "Oh sige 'wag na lang pera"
"Ano?" tanong ko.
"Date" simpleng sagot niya.
"Ano!!!" gulat kong sabi. Teka yung puso ko. Ang bilis na naman. "A-ayoko nga! Hindi naman tayo mag jowa para mag date date keme" saad ko, pinipilit na maayos makapag salita.
"Hindi lang naman mag jowa ang nag da-date" sambit nito, sinimulan na ang pag andar ng kotse.
"Para sa 'yo!" sagot ko.
"Friendly date"
Ilang araw na rin ang lumipas matapos niya kong yayain mag date. 'Friendly date!' pero hanggang ngayon wala pa rin paramdam. Hindi naman sa umaasa ako pero kasi.. Ah basta! Kung hindi matuloy, edi okay. Kung hindi, edi bahala siya sa buhay niya. Hindi ko naman 'yun gusto, eh.
"Grabe! Ang hirap ng exam parang wala akong nabasa na ganoon sa mga notes ko"
"Babagsak na 'ko nito. Promise"
"Basta ang mahalaga, makakatulog na rin ako ng mapayapa mamaya. Ilang araw rin akong puyat!"
Kakatapos lang namin mag take ng exam. Nakakasabog nga ng utak kasi may mga iba talagang mga tanong na hindi naman namin natalakay o baka hindi lang namin nabasa. Ewan! Basta matutulog ako mamaya buong magdamag. Feeling ko ano mang oras babagsak na yung mata ko.
Binabasa ko yung message ni Eunice sa'kin, nagyayaya lumabas pero tumanggi ako dahil magpapahinga muna ako ngayong araw na 'to. Inaantok ako. Ilang araw rin akong puyat!
Napahinto ako sa paglalakad ng may makitang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay.
Anong ginagawa niya rito?
Kinatok ko ang bintana niya para makita niya ako. Binuksan niya naman ito, nakangiti. Tinaasan ko siya ng kilay. May gana pa siyang ngumiti matapos hindi magparamdam ng ilang araw, ha?!
Tss.
"Date na tayo" agad na salita nito.
♡
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.