13

244 14 4
                                    

"My secretary will contact his agency" sabi ko sa kabilang linya. Naglalakad ako sa hallway papuntang elavator ng may magsalita sa likod. I know who he is.



"Good morning" masiglang bati nito. Katabi ko na siya ngayon habang naglalakad. "Are you feeling well na ba?"



Hihipuin ko sana ang aking noo ng unahan niya na ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Agad kong inalis ang kamay niya. Saka tumingin sa paligid, baka may makakita.



Tumawa siya. "Why? Are you scared na baka makita ng boyfriend mo?"



Tinaasan ko siya ng isang kilay. Pinagsasabi nito? "Baka ikaw" balik ko sa kanya nang makasakay na kami sa elavator. Hindi siya nakasagot dahil may sinagot siyang tawag.



"Cancel it. I already told you I'm not accepting endorsement anymore" napatingin naman ako sa kanya. He's not what? Accepting? "I'm busy with my sched--  What?" napatigil siya at tumingin sa 'kin. Ibinaba niya na ang tawag.



"W-what?" tanong ko sa kanya, nakatingin pa rin siya sa 'kin.



"Tatanggapin ko ba yung kumukuha sa 'kin as an endorser?" he asked, umarte pa siyang nag iisip.



I know what he's talking about. It's our offer! "Kahit huwag na" patay malisya kong sagot. Marami pa namang endorser pwedeng kontakin, noh!



"Okay" patay malisya rin nitong saad. Nakakaasar yung tono niya sa pagsabi niya. Halatang nang-iinis.



Buti na lang bumukas na ang elavator. Mabilis akong naglakad para hindi na kami magkasabay. Baka kung ano pa masabi ko sa sobrang kahanginan niya.



"Argh!" napabuntong hininga na lang ako nang makitang flat ang gulong ko sa harap. Badtrip naman. Nakikisabay.



"Why--" napatigil si Cedie sa kotse ko at tumingin kung saan ako nakatingin. I heard his laugh. Kaasar! "Flat?"



"Obvious ba?" sarkastiko kong saad.



"Paano 'yan? Mag co-commute ka?" tanong nito. Hindi pa ako nakakasagot may sinabi ulit siya. "Sabay kana sa 'kin"



"No need. I'll contact my secretary to pick up me" confidence kong sabi. Nilabas ko ang aking phone para i-dial ang number ni Kath.



Napatingin na lang ako sa bintana sa frustration. Napahiya ako roon, ah! Nakasakay ako sa kotse niya. Wala nga palang kotse si Kath kaya hindi niya rin ako masusundo. Argh! Naririnig ko ang mahina niyang tawa. Tumingin ako sa kanya ng masama.



"Huwag mo ng hinaan, lakasan mo na. Huwag ka mahiya. Kotse mo naman 'to"



Sinunod niya nga. Tumawa siya ng malakas. Kairita. Hindi kona lang siya pinansin. Nilibot kona lang ang tingin ko sa gamit niya sa kanyang kotse.



"Bakit may bag doon?" turo ko sa likod.



"Saan?" tumingin siya sa likod na agad kong hinampas ang braso niya.



"Tumingin ka nga lang sa daanan. Mamaya makabunggo ka o tayo mabunggo" saad ko.



"Mga damit yan" sagot niya sa tanong ko kanina. "Naka red light pa naman." turo nito sa traffic light.



Naalala ko naman yung pagkabunggo ko sa kanya. Hindi pa pala ako nakakapag bayad! Wala pa siyang binibigay na resibo sa 'kin.



"Nga pala, magkano babayaran ko? Ayos na pala kotse mo, paano mo nalabas?"



Slowly FallingWhere stories live. Discover now