04

237 13 0
                                    

Parehas kaming natigilan ni Cedie sa sinabi ng bata. Tinutukso na rin kami ng mga bata. 


Ba't parang ang init?


"Hindi kami bagay," pagsasalita ni Cedie. "Kasi tao kami"


Tumawa naman sila pagkatapos ng sinabi ni Cedie. Hindi na rin ako makatingin sa kanya.


"Bye teacher Ayel! Bye kuya Cedie!" paalam ng mga bata.


Pauwi na rin ako. Nakapag paalam na rin ako kila ate Iyah. Nang tawagin ako ni Cedie, uuwi na rin ata.


"May gagawin ka ngayon?" tanong niya. Napahinto siya ng may magpa-picture sa kanya. Hindi ko alam kung naiirita na siya, simula kanina ang dami ng nagpapa-picture sa kanya pero panay ngiti pa rin siya. Sanay na ata.


"Wala naman" sagot ko nang nakalapit na siya sa'kin.


"Street food tour tayo" aya niya.


Sa hindi malamang dahilan, napapayag ako. Gusto ko rin nun. Sumakay ako sa kotse niya, sa shotgun seat. Nakakahiya naman kung sa back seat parang driver ko naman siya nun.


"Seatbelt" wika nito bago pinadaandar ang kotse.


Tahimik lang kami sa byahe, tanging mga musika sa playlist niya lang ang nagsisilbing ingay sa loob ng kotse. I can say, He have a good taste in music. Chill.


"Woah! May lugar palang puro street foods lang? Astig!" mangha kong sabi habang nakatingin sa labas.


Narinig ko ang mahina niyang tawa bago ko siya tiningnan. Nag suot siya ng cap at shades. Nag alala tuloy ako baka pagkaguluhan siya ng tao kapag nakilala. Hindi naman siya artista pero model at endorser siya, nakikita sa TV commercials.


"Hindi kaba makikilala sa ganyan?" tanong ko. 


"Tingnan natin" nagpakawala siya ng tawa.


"Paano kapag nakilala ka? Baka pagkaguluhan ka" nag aalala kong sabi. Napangiti naman siya.


"Mabilis ka namang tumakbo, diba?"


Sabay kaming lumabas ng kotse niya. May mga tumitingin lang sa kanya na iilan, na we-weirdohan kasi hindi naman tirik ang araw pero naka shades. Pero parang wala lang naman kay Cedie yun kaya hindi kona lang rin pinansin. Masyadong marami na rin tao, may mga mag jowa, mag nanay, at magkakaibigan. Naramdaman ko naman ang kamay ni Cedie sa balikat ko ng muntik na kong mabangga.


"Careful"


May kung anong kumiliti sa loob ng tiyan ko. Ano 'yun?


"Ano una nating kakainin?" tanong niya, nililibot ang mata sa paligid. Hile-hilera ang mga nagtitinda ng mga street food.


"Hmm.. 'Yun, oh," turo ko sa mga fishball na pini-prito. "Fishball" parang bata kong sabi.


"Fishball nga po, twenty pesos" sabi ni Cedie sa tindero. Siniko ko naman siya.


"Ay, ten pesos lang po kuya" pagbabago ko. Tumingin naman si Cedie sa'kin na nagtataka. Sinenyasan ko naman siyang may ibubulong kaya yumuko siya onti. Tangkad kasi. "Kakain pa tayo ng marami" turo ko sa mga iba pang street food. "Baka mabusog na agad tayo dyan sa fishball"


Tumango naman siya. Siya agad ang nagbayad, mamaya na lang ako. Sa isang baso lang kami naghati pero may sariling stick.


"Ahh!" daing ko, napaso. "Ang init pa pala" natatawa akong tumingin kay Cedie.


Slowly FallingWhere stories live. Discover now