11

225 11 1
                                    

"Let's start the meeting, Mr. Buenaflor" sambit ko.



"Kasama ako?"



Nagpapapansin ba siya? Kairita.



"Mr. Jed Buenaflor" diin ko, nakatingin sa papel na hawak hawak kong madiin. Feeling ko onting diin na lang ay mapupunit na kaya inilapag kona sa harap ni Jed.



"Pirma na lang naman diba?" tanong ni Jed, nahihiya.



"Yes" pormal kong sagot. "Na discuss naman na 'yan and if you want me to discuss it again--"



Agad niya naman itong pinirmahan ng walang pag aalinlangan saka binalik sa 'kin.



"Don't need to discuss it again. Thank you, Ms. Cabatuan" naglahad siya ng kamay na dapat ay tatanggapin ko sana pero si Cedie ang nakipag kamay sa kanya.



"I'll go first" dali dali akong tumayo pagkatapos kong ilagay ang papel sa bag.



Mabilis akong naglakad hanggang sa makapasok na ako sa loob ng aking kotse. Napahawak ako sa 'king dibdib, ang bilis na naman. Ilang taon ko rin 'to noong huli kong naramdaman sa kanya at ngayon, siya na naman ang dahilan.



After four years, ngayon kona lang siya muling nakita sa personal. Nakikita ko pa rin siya noon kahit nasa America ako, siya minsan ang laman ng newsfeed ko. Pero iba pa rin pala talaga makita siya sa personal. Iba pa rin ang pakiramdam na parehas kayo ng hangin na nilalanghap. Iba pa rin.



I checked my wrist watch, 9:30 PM. Hindi pa rin ako nakakakain. I was lying now on my bed. Pagod na ako. Hindi naman na ako gutom. Kaya sinara kona ang aking dalawang mata at agad rin dinalaw ng antok.



"Gagawin ko 'to lahat?!" napatingin ako sa tambak na papers sa 'king table. Ang dami!



"Yes, ma'am" sagot nito, nakayuko.



Hindi na naman ako kumain ng lunch dahil sa mga papel na nakatambak. Saglit akong huminto at tiningnan ang mga natapos ko. Nakalahati ko naman na. Sakto ang pagpasok ni Kath, aking sekretarya may dalang pagkain.



"Ma'm, hindi na naman po kayo kumain ng lunch, makakasama na po 'yan sa kalusugan n'yo"



"Ilapag mona lang dyan. Kakainin ko 'yan mamaya" utos ko. Ginawa rin naman niya.



Ilang saglit ay tumayo na ako para kumain. Habang kumakain ako ay ang pagtawag ni Eunice, nag face time kami.



"Tumawag ka?" tanong ko saka pinatong patayo ang cellphone.



"Ngayon ka palang kakain ng lunch? Hapon na girl! Ano, hindi ka pa rin makapag adjust sa oras sa Pilipinas?"



"Ang dami ko kayang tambak na papel!" kinuha ko ang phone at tinutok ang camera sa mga papel sa desk ko. "Oh, ano?! Dami diba!"



"Girl! Uso rin magpahinga"



Ilang minuto rin kaming nag usap hanggang sa matapos akong kumain. Bumalik na rin siya sa kanyang pagpipinta. Nagsipilyo muna ako bago pinagpatuloy ang iba pang mga gawain. Hindi ko pa natapos ang lahat pero onti na lang naman.



I decided to go in Bisig at para rin makabisita ako kila Mama. Since I go home here in Philippines I buy a condo that is near at my work place. Bihira na rin ako makabisita sa Bisig and I also become one of the sponsors of the children there.



"Oh my gosh!" agad kong inapakan ang preno ng aking kotse. Nakabunggo ako!



Agad akong lumabas ng kotse at tiningnan ang sira sa likod ng kotse ng nabunggo ko. Buti na lang ay hindi kami nakasanhi ng traffic. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse, lumabas na yung driver kaya tumingin ako at halos magkarerahan na naman ang pagtibok ng puso ko nang mapagtanto kung sino ito.



Slowly FallingWhere stories live. Discover now