"Uhm..hi" bati ko sa kapatid ni Cedie. Na weirdohan ba s'ya sa 'kin? Kanina pa kasi siya tingin ng tingin.
"Do I know you?" tanong nito, nagtataka. "I think I saw you na"
Naaalala niya pa ako? Eh, ang bata niya pa noong una't huli naming kita. Napatigil lang ako sa pag iisip nang may umupo sa tabi niya. Napalunok naman ako.
"Charles," tawag nito sa kapatid saka tumingin sa 'kin pero saglit lang.
"Aha!" sambit ni Charles saka ako tinuro. "I saw your pictures in Kuya's room"
Napalaki ang aking mata kahit na ako'y singkit. Nakita ko ang pagkagulat ni Cedie sa sinabi ng kapatid.
"What are you talking about?" bumalik na sa seryosong mukha si Cedie. "She's not that girl"
Para namang may kumirot sa 'king dibdib ng sabihin niya iyon. Hindi dahil sa nag eexpect ako. Pero is it Natalia?
"Alis na po ako ate Iyah" pagpapa alam ko.
Nagmamaneho na ako papunta sa condo. Nagpaalam na rin ako kila mama at papa na dederetso na ko sa 'king condo. Wala akong pasok ngayon kaya magpapahinga muna ako sa condo hanggang sa lumubog na ang araw. Dumaan muna ako sa grocery store at bumili ng mga pagkain. Malapit na rin kasi maubos ang mga stock kong pagkain.
"Cash or Card po?" magalang na tanong ng cashier. Binigay ko ang aking card.
Mabigat bigat yung mga pinamili ko pero nakaya ko naman madala hanggang sa kotse. Mabilis ang byahe, wala gaanong traffic. Napatingin na lang ako sa mga pinamili ko. Kaya koba 'tong buhatin hanggang sa condo ko?
"Need help?"
Napatingin ako sa nagsalita. Kilala ko ang boses kung sino iyon. Sinara ko ang pinto ng aking kotse saka tumingin ulit sa kanya, umiling.
"Nope. I don't need your help" matapang kong sabi. Nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa saka lumapit sa 'kin kaya napaatras ako. Binuksan niya ang pinto at kinuha ang mga pinamili ko.
"Hey! Wait! I said I don't need your help!" sigaw ko sa kanya. Hindi man lang siya tumigil bagkos naglakad na siya kaya wala na akong nagawa kundi habulin ito.
Huminto kami sa tapat ng pinto ng condo ko. Nakatingin lang siya sa pinto kaya naman tinipa ko na yung passcode at bumukas na ito. Akala ko ibababa niya na 'yung mga pinamili ko pero hindi.
"Pasok na ko, ah" pagpapa alam nito. Hindi pa 'ko nakakasagot ay pumasok na ito. Nagpaalam pa!
"Labas na" saad ko sa kanya nang mailagay niya na yung mga pinamili ko sa kusina.
Isinandal niya ang kanyang likod sa may lababo habang nakacross-arms. Tumingin siya sa mga pinamili ko bago tumingin sa 'kin.
"May utang kapa sa 'kin diba?" saad nito.
"What? When?" naguguluhan kong tanong.
"My car" sagot nito.
"Ohw, I remember. You told me you don't want money. So, what will I pay then?"
"Pagluto mo 'ko" kaswal na sagot nito.
Napalaki ang aking mata sa sinabi nito. Ipagluluto? Eh, hindi nga 'ko magaling magluto!
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.