"Thank you Miss" inabot kona ang aking bayad sa babae. Pinalabhan ko kasi yung polo ni David na natapunan ko ng kape. Nakakahiya talaga.
Naglalakad lakad ako rito sa loob ng mall. Nagpabili kasi si Eunice ng mga pang paint. Masyado na siyang busy these days kaya pati bumili ng mga gamit niya di niya na rin magawa. Hindi pa naman hectic ang sched ko kaya ako na lang ang bibili.
"Thank you ma'am" pagkabigay sa 'kin ng cashier sa mga pinamili ko ay naglakad na ko palabas ng store nila.
Nang nakalabas na ko ay nakita ko ang isang matandang lalaki na nagpupulot ng mga rosas sa sahig, nahulog ata. Pumunta ako roon at tinulungan siyang damputin ang mga ito. Napatigil pa siya kaya yung mga natirang rosas na nasa sahig pa ay dali dali kong kinuha at inabot ito sa kanya.
"Thank you"
"Walang anuman po" nakangiti kong wika saka tumingin sa mga magagandang rosas.
"For my wife" sambit nito ng makitang nakatingin ako rito.
"Wow! For sure magugustuhan po iyan ng wife niyo. Ang ganda ganda po saka ang sariwa"
"I know. This is her favorite" wika nito. Nakita ko ang namuong luha sa kanyang mata na agad niya rin pinunasan. "I'm sorry"
"Ay, okay lang po. Pwede po kayong umiyak"
"Salamat. Pero hindi ako umiiyak sa harap ng tao" saad nito na nagpa alala sa 'kin sa isang taong nagsabi rin sa 'kin.
"Hindi ako umiiyak sa harap ng tao" pag alala ko sa sinabi ni Cedie sa 'kin noong nag away sila ng Daddy niya. Tumingin ulit ako sa itsura ng kaharap ko. Kamukha niya nga.
"Normal lang po umiyak" huli kong sinabi sa Daddy ni Cedie bago kami nagpaalaman sa isa.
Hinihintay ko si Eunice sa labas ng building na pinag ta-trabahuhan niya. Buti ay agad rin siyang lumabas.
"Thank you, ah" kinuha niya na ang mga pinamili niya sa 'king mga gamit saka nag abot ng pera.
"Huwag na, libre mo na lang ako ice cream next time" tanggi ko.
"Ngayon na. Tara, meron sa cafeteria" pagyaya nito. Umiling ako.
"May meeting pa 'ko. Aalis na rin ako pagtapos ko 'yan maibigay" turo ko sa pinamili ko.
Hindi naman na siya nagpumilit pa, naiintindihan niya. Sumakay na ko sa kotse ko at dumiretso na sa kompanya. Nandoroon na rin si Mr. Buenaflor, si Jed, pinsan ni Cedie. Tiningnan ko tuloy ang wrist watch ko, maaga siya ng five minutes. So, I'm not late though.
"Good afternoon, Mr. Buenaflor" bati ko sa kanya bago umupo.
"Good afternoon, si Cedie pala ang endorser ng isa niyong product, ha"
Tumango ako. "Yeah. So, discuss now the meeting we will tuckle about"
Mabilis lang siyang nag discuss about the payment we need to fill. Akala ko ay aalis na siya pero kinuha niya ang remote at binuksan ang TV. Wow, ha! Kung yung isang pinsan niya, magpapa alam pa pero gagawin naman na. Siya naman, walang paalam.
"Dito muna ako, saglit lang" wika nito.
Tumango na lang ako. Wala rin naman akong gagawin. Nanood na lang rin ako sa TV. Napataas ang isa kong kilay ng makita ang pinapanood niya. Playhouse, teleserye. Sinusubaybayan talaga niya, ah.
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.