Busy weeks passed. We still seeing each other once a week. There is time that he went here in house because he didn't come in Bisig, gladly my parents aren't in our house. There is also a time he help me in my studies. And I find joy everytime I'm with him.
"Anong label n'yo? Kayo na ba?"
Napatigil ako sa tanong ni Eunice. May mga gabing iniisip ko rin kung ano ba kami? Friends? Special friend? I don't know.
"Teka, 'wag mong sabihing walang kayo. Pagkatapos ng mga paggagamit mo sa 'kin sa mga lakad niyo ni Cedie!"
"Wala pa nga 'yan sa plano ko, diba!" saad ko habang nagsusulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook.
"Susumbong kita kay Tita!" banta nito nang marinig ang pagbukas ng pinto. Hinabol ko naman siya, para kaming bata.
"Hi, Tita!" masiglang bati nito habang nakangiting malapad sa 'kin, nananakot.
"Oh, andyaan kana pala Eunice. Sandali lang wala pa akong naluluto" nakasunod lang kami kay Mama hanggang sa kusina.
Umaakto pa si Eunice na isusumbong ako habang ginagalaw ang hintuturo.
"Tita, alam mo ba.."
"Ano 'yun?" tanong ni Mama, nakatalikod.
Hinampas ko nang mahina si Eunice pero parang ang lakas noon para sa kanya.
"Tita si Ayel, oh, nanghahampas"
"Ay sorry" kinuha ko naman ang braso niya kung saan ko siya hinamapas saka hinila siya papuntang sala. "Gamutin natin 'yan, baka maimpeksyon" parinig ko.
Binitawan ko na siya ng nasa sala na kami. Tumawa naman siya, nang aasar.
"Hindi ako nanglalaglag, don't worry, mare!"
Doing my school works. Ayoko nang natatambakan pero ang dami talaga. Kaya binitawan ko muna ang hawak kong ballpen at kinuha ang cellphone. I took a picture of my papers and type a caption.
kaya mo 'yan! malapit na rin matapos ang fall sem.
May mga naglike and comment na. I replied, then started scrolling in my feeds. I stop when I saw an article of Cedie dating Faye Ty, an actress. Because of my curiosity I click the article and saw their sweet pictures together. After that, i read the comments.
Omg! Bagay kayo!
Ship ko pa rin kayo ni Meena.
Akala ko ba kay Krisly ka lang, hmp!
Hininto kona ang pagbabasa nang makaramdam ng inis. Hindi ko alam kung naiinis ba ako sa article o sa mga comments. Pinagpatuloy kona lang ang mga school work ko. Sayang lang oras.
Nagising ako at tiningnan ang oras sa cellphone. 8 PM na. Tiningnan ko kung natapos koba ang mga ginagawa ko pero hindi!!! Nakatulog ako! Taranta kong hinanap ang ballpen ko. Tatapusin kona 'to nang mabilisan pero lintik ayaw sumulat! Wala ng tinta! Argh!
"Ma! May ballpen kaba dyan?" tanong ko kaagad pagkapasok sa kwarto nila.
Maraming ballpen na binigay si Mama pero ni isa walang matino. Sumusulat pero ilang saglit lang nawawala na agad. Napasabunot na lang ako sa pagka-irita. Kailangan ko pa atang lumabas para bumili.
"Hoo! Natapos rin"
Niligpit kona ang mga gamit ko sa bag. Hindi na ako nagpalit ng damit, inaantok na 'ko. Dumiretso na 'ko sa kama at humilata. Ilang minuto na 'kong nakapikit pero hindi pa rin ako tulog. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. 12 AM na! Ilalagay kona sana ang cellphone ko sa mesa nang magnotif ang instagram.
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.