12

223 12 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Ang lamig. Iba rin ang pakiramdam ko kaya hinipo ko ang aking noo at leeg, ang init. May lagnat pa ata ako. Pero kahit ganoon kailangan ko pa ring pumasok. Marami pa kong tambak na paper works.


"Coffee, ma'am?" masiglang bungad ni Kath na agad rin nagkunot ng noo. "Ma'am, okay lang po ba kayo?"


"Yeah" sagot kona lang para hindi na siya mag alala. I'm used to it naman na. Kapag may lagnat or sakit ako kusa na lang gumagaling. Inom lang ng gamot, ayos na.


"May board meeting po kayo mamaya, ma'am" paalala nito. Tumango na lang ako.


As usual, umupo na ako at bumalandra ang mga gawain. Phone calls, reading and signing papers, arguing to some foolish people, that's my routine every day. Nagpabili na ako ng gamot pero hindi ko pa naiinom. Mamaya na lang.


"No, bawal ako" saad ko kay Sean sa kabilang linya habang may pinipirmahan na papel.


[Fake friend ka talaga] maktol nito.


"Congrats na lang. Panonoorin ko naman yung movie mo, don't worry" he's inviting me on his party to celebrate his successful movie.


[Eunice will come]


"I know"


[Cedie too,] he teased.


"Paki ko?! Bye na nga!" i ended the call as I said that. Need pa ba talagang banggitin yung name niya? Parang ewan. Malamang nandoon talaga, kapwa artista niya 'yon, eh. Napairap na lang ako.


Pumunta na ako sa conference room before ng call time. I hate lates especially when talking about business. Pagkapasok ko rin ay may iilan ng mga head ang nakaupo. They greeted me and I greeted back.


"Let's start" I stood up as I said that. I checked my wrist watch to check the time and started to discuss about something.


"I have a suggestion" Mr. Lim raised his hand. I just gave him a nod. "Kumuha tayo ng endorser na matunog ang pangalan sa karamihan"


Marami ang mga naging pabor sa suggestion na iyon. Maraming endorser silang binanggit pero isang pangalan lang ang natatandaan ko.


"Cedie Buenaflor" I said. And it makes the room quiet. Nataranta naman ako. Nasabi ko ba ng malakas?


"What is it again, Ms. Cabatuan?" tanong ng isang head.


"Nothing" nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto na hindi naman nila narinig. Busy kasi sila sa pagsasalita. "Well, I think mag botohan na lang tayo kung sino ang kukuhanin natin bilang endorser"


Mayroong tatlong endorser na nominado, isa na roon si Cedie. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi naman ako boboto!


"Tie breaker" saad ng isa.


Napatingin ako sa white board at nakitang pantay ang puntos ni Cedie at David. I know both of them. Parehas na sikat at matunog ang pangalan sa mga tao.


"Bumoto ka na lang rin, Ms. Cabatuan at 'yun ang kukuhain natin bilang endorser" sambit ng isa na ikinakaba ko.


"H-ha? No. Ayoko" umiling ako. Ang lamig pero feeling ko pinagpapawisan ako. Hindi ko na maintindihan ang temperatura ko. "Si Kath" saad ko.


"Ma'am? Ako po?" naguguluhan niyang tanong.


"Ikaw ang pumili" saad ko. Tumango na lang siya na parang bata at tumingin sa board.


Slowly FallingWhere stories live. Discover now