10

206 12 0
                                    

"Makakasira ka sa image ni Cedie"



That was the last sentence his manager said to me.



"Cedie Buenaflor has a non-showbiz girlfriend now?" I read the headline of an article. Nakita ko ang mga iba pang larawan na kasama ako ni Cedie pero siya lang ang kita. I also saw that Cedie is trending online. For some reasons, I read some of the comments and tweets of netizens.



unknownme: girl sana aware kang bawal muna magjowa si cedie. amin lang siya.

hatemethen: sinisira mo lang image ni cedie.

ilikewar: nilalandi kasi sikat at mayaman. back off girl.



I stopped reading when my tears started to fall. It's not good in my mental health. Hindi ko maintindihan sa mga ibang tao, bakit ang dali nilang manghusga at maniwala sa isang article na wala namang sapat na ebidensiya? Bakit?



[Ayel..] tawag ni Eunice.



"Okay lang ako. Huwag kang mag alala"



[Your pictures together with Cedie is in the news..]



I ended the call after what she said as I quickly open our TV and saw the news.



"Cedie Buenaflor, trending online dahil sa mga kumakalat na larawan kasama daw ang kanyang non-showbiz girlfriend"



Pinatay ko rin agad ng makita si Mama na papalapit sa sala. Inayos ko ang aking sarili. Ito na ang pangatlong araw na hinihingi ko sa kaniya. Ngayon na ako mag dedesisyon kung sasama ako kay Tita sa ibang bansa o mananatili ako dito sa Pilipinas.



"Nak,"



"Ma, pwede bang mapaaga na yung flight? Kung pwede bukas na agad ang lipad ko" wika ko kaagad.



Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng umalis dito.



Kakatapos ko lang tawagan sila Eunice at Sean, nakapag paalam na ako ng maayos sa pamamagitan ng video call.  Gusto pa nilang pumunta dito pero hindi na ako pumayag.



Natulog ako saglit pagkatapos kong mag impake ng mga gamit tinulungan ako nila Mama at Papa. Binilinan rin nila ako. Bukas na agad ang lipad ko, buti na lang nakahanap sila ng flight agad. Feeling ko hindi kona kayang magtagal dito.



"Doon mo na ipagpapatuloy ang second sem mo, hindi ka ba mahihirapan mag adjust anak?" tanong ni Papa habang kumakain kami sa hapag.



"Kaya ko naman po mag adjust" Kaya ko naman diba?



"Uwi ka rin agad, ha pagkatapos ng apat na taon" naiiyak na saad ni Mama.



"Opo, syempre. Lagi naman tayong mag vi-video call kaya parang nandito pa rin ako"



Napatigil ako sa pagkain nang tumunog ang aking phone at mag pop up ang message notification galing kay Cedie. Agad ko itong kinuha at ibinababa sa aking hita.



From: Cedie Buenaflor

I'm sorry.



I know what he means.



To: Cedie Buenaflor

Can we meet?



I stood up. Nagpaalam ako kila mama na may kikitain lang saglit. Buti na lang at hindi na sila nagtanong kung sino dahil baka makapag sinungaling na naman ako.



Nasa park ako nakatayo lang habang hinihintay siya. Ilang saglit lang ay may kotseng bumusina sa 'kin, tumingin ako kung sino 'yun. Si Cedie. Sinenyasan niya akong pumasok sa kotse. Siguro ay nag iingat na rin siya at baka may makakuha ulit ng larawan na magkasama kami.



Tahimik. Walang nagsasalita. Nagmamaneho lamang siya, nakatingin lang siya sa daan habang ako ay nakatingin sa kawalan. At huminto ang kotse sa tapat ng dagat. Hindi ko alam kung saang lugar ito pero wala na gaanong mga tao.



"I'm sorry, Ayel" sa wakas may nagsalita na rin sa 'min.



"Bakit hindi kana lang magsalita na wala naman talagang tayo?" tanong ko pero nakatingin lang sa harap, sa dagat.



"Wala bang tayo?"



Napatigil ako. Nararamdaman ko ang tingin niya sa 'kin pero pinipilit kong tumingin lang deretso. Ayokong makita ang mga mata niya.



"Wala" matigas kong sagot. "Walang tayo, Cedie"



"Ayel, gusto kita"



"H'wag mo na 'kong gustuhin" huminga akong malalim bago magpatuloy. "Aalis na 'ko" tumingin na ako sa kanya.



"Ha? Saan?" naguguluhan niyang tanong.



"Sa America na 'ko magpapatuloy mag aral" saad ko.



"Apat na taon" tumingin siya sa 'kin. "Hindi kita masusundan"



"H'wag mo 'kong hanapin"



"Pwede ba kitang hintayin?" tanong niya.



Babalik naman ako.



"Pwede pa rin ba kitang gustuhin?" tanong niya ng hindi ko sagutin ang una niyang tanong.



"Imposible" tumawa ako ng peke. "Magkakagusto ka na sa iba sa loob ng apat na taon"



"Tingnan natin" huling salita niya.



Slowly FallingWhere stories live. Discover now