Nagising ako sa pagtunog ng phone ko, nag alarm ako ng 6 PM. Pinauwi ko muna si Cedie, gusto ko muna kasing makatulog kahit tatlong oras lang. Naintindihan rin naman niya.
"Ma, may pupuntahan lang ako, ah," sigaw ko habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin.
"Sino kasama mo?" sigaw rin niya galing kusina, nagluluto ata.
"Si Eunice p-po"
Bad. Bad, Adrielle!!!
"Oh, sige. Mag ingat ka"
Ilang saglit rin ay nakatanggap ako ng text galing kay Cedie. Umalis na agad ako para hindi na siya magpunta rito, baka makita pa siya ni Mama baka kung ano pa isipin.
"Adrielle"
Napatigil ako sa pagtawag niya sa 'kin, my first name. Tumingin ako sa kotse niyang huminto sa tapat ng convenience store, dito ako nagpasundo imbis na sa bahay.
"Paano mo nalaman ang first name ko?" tanong ko nang makapasok sa kotse.
"Seatbelt, first" paalala nito. Sinuot ko naman ang seatbelt. "About your question, I asked ate Iyah"
"Ahh,"
"Why? Ayaw mo bang tinatawag ka sa first name?" tanong niya, nag aalala.
"Hindi lang sanay" amin ko. "Lahat kasi ng kakilala ko, tawag sa 'kin, Ayel kahit sa school"
"Okay, Ayel na lang para sanay ka"
"Ikaw? Anong buo mong name?" tanong ko kahit alam ko naman. I google it last time because I'm bored.
"Clark Anton Buenaflor"
Tiningnan ko siya, nakataas ang kilay. Clark Anton, huh? Nice lie. Maniniwala siguro ako kung hindi ko alam ang totoo.
"Ahh, talaga?" umarte akong kunwari hindi alam.
Kumain kami sa isang karinderya bilang hapunan. Nagulat pa ako na kumakain rin pala siya sa ganitong lugar. Hindi kasi halata.
"Okay lang ba talaga sa 'yo ang kumain dito?" tanong ko matapos ihain ni ate ang aming order.
"Yeah," sagot niya saka sinimulan kumain. "Why?" tanong niya nang maramdaman ang tingin ko sa kanya.
"Mainit dito, walang aircon. Maingay pa" bulong ko. Tinawanan niya lang ako.
"Gusto ko dito kahit mainit at maingay. Okay?"
Tumango na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa kung gusto niya dito o hindi, kumakain na kami eh. Sinimulan ko na rin kumain.
"Wait!" pagpapahinto ko sa kanya nang iinom na sa baso.
"Why?" taka niyang tanong, binaba ang baso.
"Hindi kaba LC?" tanong ko.
"LC? What's that?" naguguluhan niyang tanong. "Letter of credit?"
"Ano?" natatawa kong saad habang umiiling. "Hindi. LC, laway conscious" paliwanag ko. "Kung LC ka, pwede naman tayong bumi--"
"No, I'm not laway conscious" putol nito sa 'kin bago ininom ang tubig sa baso.
Wala naman na akong nagawa, nainom niya na eh. Nang matapos na kami kumain ay nagbayad siya. Siya raw ang magbabayad ng lahat dahil siya nag aya ng date. Friendly date.
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.