"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni Sean.
Sean is my childhood friend. Kapit bahay namin siya noon pero dahil nga artista na siya ngayon ay lumipat na sila ng tirahan. Hindi siya ganoon ka sikat tulad ng ibang artista pero matunog ang pangalan niya sa mga babaeng kabataan. Gwapo kasi.
"Siguro" sagot ko, tinitingnan si Cedie kung sasagot. Nakita niya ko sa salamin kaya agad akong nag iwas ng tingin.
"Ata" sagot naman niya, nakatingin sa'kin.
"Gulo n'yo" komento ni Sean bago pinaandar ang kotse.
Tahimik lang akong nakaupo sa backseat nakikinig sa usapan nilang dalawa pero hindi ko rin naman alam kung ano 'yun.
"Bayaran n'yo yang iniinom n'yo" salita ko. Tumigil naman sila sa pag uusap, hindi naintindihan ang sinabi ko. "Hindi 'yan libre" turo ko sa iniinom nila. Sila kasi ang uminom sa order ko para sana kay Eunice.
"Bayaran mo rin yung gas" sambit ni Cedie. Napairap naman ako. Ang yaman yaman, nagpapabayad.
Huminto naman na ang kotse sa tapat ng bahay. Lumabas rin sila, wala naman ng mga tao sa labas. Gabi na rin kasi.
"Oh," bayad ni Sean.
"Ikaw?" tingin ko kay Cedie. Kinuha naman niya ang wallet sa bulsa. Akala ko ay magbabayad na pero naglahad rin siya ng kamay. Tinaasan ko 'yun ng kilay.
"Gas" wika nito. "Nauna kang sumakay sa kotse ko bago ko ininom 'yang order mo"
Ngumiti ako ng peke at inabot ang bayad sa'kin ni Sean, natawa pa siya nong ginawa ko yun. Anong nakakatawa?
"Here" inabot niya rin ang kanyang bayad.
Para lang kaming nag negotiate sa tapat ng bahay.
Maaga akong nagising para pumasok sa school. Tinanong pa 'ko ni Xyriel pagkakita niya sa'kin tungkol sa nangyari kahapon. Sinabi ko na lang na nagmabuting loob siya kaya niya ko tinulungan. Kinikilig pa siya. Anong nakakakilig doon?
"Ms. Signe, hindi ko po pala nabalik yung id n'yo kahapon" Ibabalik ko naman talaga sana pero nawala sa isip ko dahil nga sa pagkatisod ko.
"Nasa'yo pala. Akala ko nawala" natatawang wika nito saka kinuha ang id.
"Pasensiya na po"
Mabilis lang natapos ang klase. Nag text ako kila Mama na ma-late akong umuwi dahil nagyaya si Eunice samahan ko raw siyang mag mall. Ayaw na niya kong umuwi, deretso na raw kami sa mall kaya wala akong nagawa.
"Seryoso kaba?" natatawang wika nito. Nakwento ko sa kanya na pinagbayad ko sila.
"Oo. Sa mundong 'to wala ng libre libre. May bayad na ang lahat" sagot ko.
"Si Cedie Buenaflor, oh," turo niya sa litrato ni Cedie sa isang produkto. "Siya pala endorser niyan"
"Hindi naman maganda 'yan," komento ko. "Ito ang maganda" kinuha ko ang isang katabing produkto.
"Baliw! Magkalaban 'yan" natatawang sabi ni Eunice.
Ilang saglit rin ay lumabas na kami sa mall. Bumili lang siya ng mga materyales niya sa pag guhit. Nilibre niya pa ako ng ice cream.
"Thank you" wika ko.
"Ako nga dapat mag thank you"
Hinatid niya pa ko sa sakayan bago siya umalis. Tulad ni Sean, childhood friend ko rin siya. Lumipat lang sila ng bahay ng namatay ang Papa niya. Magkakaibigan kaming tatlo.
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.