08

205 14 0
                                    

Month of October. I'm more focus now on my studies, fall final exam is coming soon. Mas marami ng school works ang binibigay ng aming mga prof.



"Pagod na 'ko" reklamo ko, nakapatong ang ulo sa mesa.



Nasa bahay ako nila Eunice, nagtutulungan sa mga school works namin, kahit iba kami ng school na pinapasukan.



"Pupunta raw si Sean" saad nito, nakatingin sa cellphone.



"Dala siya ng pagkain kamo"



Nagpahinga muna kami habang hinihintay si Sean. Nagkwe-kwentuhan lang kami habang nag pho-phone. Nang marinig namin ang boses ni Sean habang kumakatok.



"Papasok na 'ko, ah" paalam nito bago buksan ang pinto. Tumingin siya sa mga nagkalat na papers sa mesa at sahig bago tumingin sa 'min. "Babae ba kayo?"



"Hmm" sagot namin, nag pho-phone pa rin.



"Ba't ang kalat?! Daig niyo pa mga lalaki, ah!" reklamo nito habang naglalakad ng marahan, iniingatan maapakan ang mga papel at folders.



"May pagkain kang dala?" tanong ni Eunice, nakatingin pa rin sa phone, may nilalaro.



"Oo, nakakahiya naman sa inyo, eh!"



Parehas naming tinigil ang pag ce-cellphone at binuksan ang paper bag na dala niya. Fries and Burgers.



"Walang drinks?" tanong ko habang ngumunguya.



"Meron" tinuro niya ang cr. Tumingin naman ako doon. "Sa bowl, may tubig doon"



"Yuck! Kadiri ka!"



Habang kumakain ay ginagawa na namin ang mga ibang school work. Nakahiga lang si Sean sa kama ni Eunice, nag pho-phone. Tumutulong rin naman siya kapag may ipapaabot kami or ipapabili. Umaangal pa siya pero wala rin namang magawa. Nandito siya, eh. Tambay pa.



"Loko ka! Oo nga!" saad ni Sean, may kausap sa cellphone. 



Lumabas muna si Eunice para kumuha ng juice. Ako naman ay nanonood sa youtube, kumukuha ng idea sa design na gagawin ko.



"Tok! tok! Pabukas" sigaw ni Eunice. Tumayo ako para buksan ang pinto.



"Ako na" kinuha ko naman ang tray at nilapag sa mesa.



"Sino ba 'yang kausap mo? Jowa mo? Ilang oras na kayo nag uusap, ha? 'Di kayo nagsasawa?" sigaw ni Eunice kay Sean.



"Si Cedie 'to, baliw!" sigaw rin ni Sean.



"Ay, weh?" lumapit naman siya kay Sean saka hinugot ang earphone para marinig niya. "Hi, Cedie!"



"Hi! Anong ginagawa n'yo diyan?" rinig kong sabi niya.



"Eto ginagawa yung mga school work" kinuha niya ang phone ni Sean at pinakita ang mga nagkalat na mga papel. "Andito rin si Ayel"



Hinarap ni Eunice ang screen sa mukha ko. Nakita ko siya, nakaupo habang nakatingin lang sa 'kin o sa screen? Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung galit ba siya kasi noong last na kita namin, parang galit siya kahit 'di ko naman alam kung ano ang ginawa ko.



"Bye na muna, mag make up na 'ko"



Pagkasbi niya noon ay agad niya rin itong in-end. Hindi man lang ako pinagsalita. Galit ba siya sa 'kin? Binalik na ni Eunice ang phone kay Sean. Sabay non ay ang pagtunog ng phone ko.



Slowly FallingWhere stories live. Discover now