02

263 13 0
                                    

"Andito siya?! OMG! Tara na!"


Karamihan ng mga nakakasalubong ko ay nagmamadali dahil sa Cedie Buenaflor na 'yon. May endorsement silang ginagawa at isa yung school na napili para mag endorse ng product nila. Weeks na rin simula nung huling kita namin sa isa't isa.


"Outch"


"Sorry miss, nagmamadali lang" hingi ng paumanhin ng babae, tumatakbo.


Pinulot ko ang folder na nahulog. Iilan na lang ang mga estudyanteng nasasalubong ko sa hallway. Yung iba umuwi na at yung iba naman nasa gym, nanonood.


"Miss Cabatuan" rinig kong tawag sa'king apilyido kaya lumingon ako kung sino 'yun. "Hi Ma'm,"


"Pasuyo naman, oh," wika nito. Ngumiti naman ako at tumango. "Punta ka sa gym, bigay mo 'tong folder kay Mr. Mahinay"


"Ah, sige po" pagpayag ko. Gustuhin ko man o hindi, wala akong magagawa kundi sumunod. Nakakahiya naman.


Naglalakad ako papuntang gym dala ang folder at id ng guro para makapasok sa harang. Maraming mga estudyante ang tumpok tumpok, kala mo nasa palengke. Hindi naman ako nahirapan pumasok dahil pinakita ko ang id na binigay sa'kin.


"Uy, Xyriel" tawag ko sa kaklase ko, isa siya sa magpeperform mamaya.


"Buti nakapasok ka" sabi nito saka tumingin sa mga estudyante sa labas ng gym. May mga hinarang na dahil masyado ng marami ang tao sa loob.


"Oo nga eh. Nasaan pala si Mr. Mahinay?" tanong ko.


"Doon oh," tinuro niya kung nasaan. "Kausap si Cedie! Omg! Ang gwapo niya pala talaga in person" kinikilig na sambit nito.


Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Lumapit ako sa kaniya matapos niyang kausapin si Cedie. Hindi naman sa ayaw kong makita siya, ayoko lang maka storbo sa pag uusap nila.


"Mr. Mahinay," tawag ko. "Pinabibigay po ni Ms. Signe" kinuha naman niya ang folder.


"Salamat, iha,"


Naglakad na ako paalis nang mabigay kona ang folder. Nakita ko pa si Xyriel at ang blockmates niya na nagkukuha ng litrato kasama si Cedie. Panay ngiti si Cedie sa kanila, halata namang peke pero kilig na kilig sila. Hindi kona lang sila pinansin at mabilis na naglakad na ikinatisod ko.


"Shems!" mariin akong napapikit hindi dahil sa sakit kundi sa hiya. Nakakahiya! Shemay! Gusto ko ng magpalamon sa floor! Your so stupid!


"Are you okay?"


Napaangat ang aking tingin na agad ko rin pinagsisihan. Tumingin ako sa paligid ko at karamihan ay nakatingin sa'min! Grgh! Nakakahiya talaga. Sa hindi malamang rason ay tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Saka ngumiti ng peke sa kanya.


"Salamat" saad ko at agad rin bumitaw saka pinagpag ang alikabok na nakuha ko.


"Are you okay?" tanong niya ulit.


"Try natin sa'yo" sarkastiko kong sabi pero mahina lang. Nakita ko ang pag ngisi niya na siyang mas lalong kinainis ko.


"Dito ka pala nag aaral"


"Hindi ba obvious?" sarkastiko ko ulit na sabi, nakangiti pa rin.


"Uuwi kana?" tanong niya ulit, hindi pa rin pumapatol sa pambabara ko. Good temper, huh.


"Ba't ba ang dami mong tanong?" tanong ko, tinatago ang irita.


"Ba't 'di ka marunong sumagot ng maayos?" balik niyang tanong.


Hindi na ko sumagot bagkos umalis na sa harapan niya. Tinawag pa 'ko ni Xyriel pero hindi na ko lumingon.


Inuumpog ko ng mahina ang ulo ko sa mesa, inaalala ang mga sinabi't ginawa ko.


"Hindi ikaw 'yan, Ayel! Ang sama sama mo kanina! Akala mo kung sino ka!" patuloy ko pa rin inuumpog ang ulo ko nang dumating si Mama sa kusina.


"Hoy, Ayel! Anong ginagawa mo, ha! Bakit mo inuumpog sarili mo jan sa mesa?"


Umayos na ko ng upo at kumain, hindi sinagot ang tanong ni Mama. Dumating rin kasunod si Papa, may dalang pasalubong. Nagmano ako.


"Tapos kana kumain?"


"Opo" sagot ko kay Papa. "Gagawin ko na po yung mga activities na 'di ko natapos kanina" paalam ko.


Nagising ako dahil sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko. Napagtanto ko rin na sa study table pala ako nakatulog. Niligpit ko muna ang mga gamit sa mesa bago tiningnan ang cellphone.


"Imu-mute kona talaga 'to sa susunod, storbo, eh" kinusot kusot ko pa ang aking mata dahil may kaunting muta na rin. Matagal na rin pala ako nakatulog.


From: Eunice

Hoy babaita! Nandito na ako star frappe! By one take one, gurl!!! Naglalaway na 'ko.



"OMG!" napatalon ako sa tuwa, hindi kona binasa ang iba pang message ni Eunice, my bestfriend.


Tiningnan ko ang suot ko, okay naman na. Nagsuklay lang ako at pinusod ang buhok, kumuha na rin ako ng jacket dahil gabi na at malamig. Nagpaalam ako kila Papa buti na lang ay pumayag sila. Inalok ko pa sila kung gusto nila pero tumanggi rin, hindi na raw sila mahilig sa matamis.


Pagkarating ko sa Star Frappe ay agad akong pumila, buti na lang ganitong oras kami pupunta, sigurado kanina ay masikip dito at siksikan.


Pagkatapos kong mag order ay umupo muna na ako sa nakita kong bakanteng upuan na dalawa. Nilibot ko ang dalawa kong mata para hanapin si Eunice pero wala pa. Inorder kona rin siya. Bayaran niya na lang ako mamaya.


"Saan na kaya 'yun?" tanong ko sa sarili. Naisip ko naman imessage siya para sabihing nandito na ako. Lumaki ang mata ko nang mabasa ang iba pang mga message niya sa'kin. Agad ko naman siyang tinawagan, buti na lang may load pa ako.


"Andito ako ngayon!" sigaw ko sa kanya sa kabilang linya. Natahimik naman ako ng maramdaman ang tingin ng iba, napalakas ata pagkakasabi ko.


[Oh? Sinong gaga? Bakit hindi mo kasi tinapos basahin yung message ko!] narinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya.


"Inorder na kita! Huhu, wala na akong pamasahe pauwi" naiiyak kong sabi. Tiningnan ko ang laman ng wallet ko, isang bente singko na lang ang natira. Sakto lang talaga ang dinadala kong pera. Ayoko kasing napapagastos ng di oras.


[Ba't kasi hindi mo binasa?!]


"Na excite ako" sagot ko habang iniikot ang number plate sa mesa.


[Paano 'yan? Wala ng bus na daan diyan. Kapag taxi naman, hindi kasya pera ko. Text mo na lang si Tito na sunduin ka] narinig ko pa ang boses ng Mama niya na nag uutos.


"Okay.. Okay, sige na bye na baka maubos load ko nito"


Napahinga na lang ako ng malalim. Sakto ay ang pag serve ng dalawang buy one take one na inorder ko. Bali apat dapat ang ubusin ko.


"Hi!"


Napaangat ang tingin ko sa nagsalita.


"Uy, Sean!" tanging nasabi ko. Umupo siya, hindi tinatanggal ang cap na suot.


"Pinapunta ako ni Eunice" sambit nito at kinuha ang isang frappe. "May kasama ako"


"Sino?" tanong ko, nagmasid sa paligid kung may kakilala.


"Si Ced," kaswal na sagot niya.


"Ced," tumango na lang ako, hindi ko naman kilala.


"Cedie Buenaflor" pagkumpleto niya.


Slowly FallingWhere stories live. Discover now