Prologue

614 14 0
                                    

"Naayos naba ang papers kila Mr. Buenaflor?"


"Yes po ma'm" sagot ng aking sekretarya. "Mamaya na rin po ang schedule n'yo for him"


Tumango ako bilang pagtugon saka tumingin sa'king relo. Tanghali na. Nakalimutan ko na naman ang kumain.


"Ay, ma'm may gusto po ba kayong kainin? Hindi pa po kayo nag tatanghalian"


Tumingin ako sa mga papel na nasa ibabaw ng aking mesa bago tumingin sa kanya, umiling. Kailangan ko muna 'tong tapusin.


Pagkalabas ni Kath, aking sekretarya ay saktong pagtunog ng aking tiyan. Gutom na ako. Tiningnan ko ang loob ng aking bag kung may biskwit ba akong natabi pero sinara ko na lang nang mapagtanto na wala.


"Cedie Buenaflor, Natalia Lim spotted dating..."


Napatigil ako sa paghigop ng kape at tumingin sa telebisyon, nakikinig sa sinasabi ng tagapag balita. Kakarating ko lang sa restaurant.


Natalia Lim naman ngayon, huh? Daming babae.


Napatingin na ako sa harap nang dumating na si Mr. Buenaflor. Tumayo ako bilang pag galang at ngumiti.


"Good evening Mr. Buenaflor" bati ko sa kanya saka muling umupo.


"Masyado namang pormal" tawa nito. "Magkasing age lang naman tayo. Jed na lang"


"Business" wika ko.


"By the way--"


Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng may tumabi sa kanya na naka black shirt, black pants, black cap at shades.


"What the!" rinig kong wika ni Jed sa lalaki.


Nakatingin lang ako sa kanila nang tumingin ang lalaki sa'kin at nakita ko ang pag awang ng kanyang labi.


"Hi Miss Adrielle!" bati nito.


Napataas ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Adrielle, that's my first name.


"Do I know you?"


Tumingin muna siya sa kanan at kaliwa bago niya tinanggal ang kanyang cap saka lumapit bahagya sa'kin at ibinaba ang kanyang shades sa tungki ng ilong niya.


"Cedie Buenaflor" pagpapakilala nito sa sarili saka inilagay ang cap sa kanyang ulo at  inayos ang pagkakalagay ng shades. "Know me?"


Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko, tinatago ang pagkagulat.


Why did I forgot?! Pinsan nga pala siya ni Jed. Argh!


"Ohw," kunwaring pagka mangha ko saka ngumiti. "Of course, I know you"


Cedrick Andie Buenaflor. How could I forget you?


Slowly FallingWhere stories live. Discover now