"She doesn't drink" pang gagaya ni Eunice sa sinabi ni Cedie kanina.
Inirapan kona lang si Eunice sa pang aasar niya. Kanina pa, eh! Ayaw tumigil. Nakikinig ang lahat ngayon sa speech na pasasalamat ni Sean dahil naging successfull ang kanyang movie. He's on stage, smiling. I'm so proud of him. Napatingin naman ako sa lalaking lumapit sa 'ming gawi. He's smiling. I don't know him but for sure, he's a friend of Sean.
"Hi Miss!" wika nito sabay tabi sa 'kin kaya dumistansya ako at kinalabit si Eunice na agad rin naman tumingin sa lalaki na katabi ko.
"Sorry, sir. She doesn't drink" saad ni Eunice na pinipigilan ang tawa dahil sa panggagaya nito sa sinabi ni Cedie.
"Ohw. I'm Kyle, by the way" pagpapakilala nito.
"She's not interested, sir" saad ni Eunice.
Eunice is always my spokesperson when it comes to this.
"Uy, si Cedie at Natalia Lim, oh!" turo ni Eunice. Kaya tumingin rin ako roon at nakita sila, nagtatawanan. Saya, ah?
"Ano naman?" masungit kong tanong pero nakatingin pa rin sa kanila.
"Selos siya, oh" asar nito.
Tiningnan ko siya ng masama saglit saka tumingin sa dalawa. Nakatayo silang dalawa kasama ang mga ibang artista, nagkukuhaan ng mga litrato. Panay ngiti si Cedie, halatang nasisiyahan kasi nandyan si Natalia sa tabi niya. Napairap na lang ako.
"Ohy, bakit ka umiinom?" gulat na tanong ni Eunice nang makita akong tumungga ng alak na inalok sa 'kin nung lalaki kanina.
"Bakit?! May batas ba na bawal ako uminom ha?! Sila nga umiinom" turo ko sa mga tao na umiinom. "Ikaw nga rin umiinom!" duro ko sa baso niya.
"Malamang wala namang nagbabawal" sagot nito. "Sa 'yo meron" tinuro niya ang gawi nila Cedie kasama yung babae na panay dikit sa kanya.
"Wala siyang karapatan!" sagot ko, nanlilisik ang matang nakatingin kay Cedie na tumingin rin sa 'kin kaya agad kong ininom yung alak sa mesa. Nakita ko ang pagbabago ng ekpresyon ng mukha niya. Umirap ako sa kanya saka tumingin sa alak. Ang pangit ng lasa!
"Girl, huwag gaano marami. Baka magsuka ka rito. Nakakahiya!" bilin ni Eunice pero hindi ko siya sinunod ng makita na papunta si Cedie sa gawi namin.
"You're drinking too much" saad nito saka inagaw ang baso na hawak hawak ko.
"Anong paki mo!" pilit kong inaagaw yung baso sa kanya pero hindi ko makuha.
"Hehe, lasing na yan. Pasensya na" rinig kong sambit ni Eunice kaya umiling ako.
"Hindi, ah! Kaya ko pa ngang maglakad!" pinilit ko maglakad deretso pero umiikot ang paligid ko kaya nakasanggi ako buti na lang nahawakan niya ako sa braso kaya hindi ako nasalansan sa sahig.
"Are you okay?" tanong nito. Tumingin ako sa nabunggo ko. Si David.
Ngumiti ako sa kanya at tumango na parang bata pero napawi rin ng may marinig na boses na nakakairita.
"You're drunk"
Tumayo ako ng maayos at tiningnan siya, nakakunot ang noo. "Paki mo ba? Ha?!"
"Omg girl! Lasing kana!" wika ni Eunice na agad akong hinila sa upuan. Buti na lang wala gaanong tao ang nasa pwesto namin. Mga busy rin ang iba na nakikipag inuman kaya hindi kami pansin saka madilim rin.
YOU ARE READING
Slowly Falling
Romance[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.