O C E A N

167 11 0
                                    

CHAPTER 33

“Sorry po talaga, Ms. Gauge. Sorry po…” panghihingi ng tawad ni Yosh kay Lavion habang nakayuko ito at nakaupo pa sa sahig.

Lavion, who’s aware of everything, stood up from the seat where she’s sitting in Yosh’s room and sighed.

“Get up” utos niya rito at nakayuko namang tumayo ito.

Lumampit siya rito at hinimas ang kaniyang ulo.

“Do you want me to bring you back?” pagtatanong niya.

Napatingin naman ito sakaniya at tumango. Ngumisi siya habang ang kaniyang mga mata ay blanko.

“No, you won’t comeback.”

Namilog naman ang mga mata nito at nakaramdam ng kaba sa sinabi nito.

Ngunit tumawa si Lavion, “I’m just kidding.”

Nakaginhawa naman ito ng maluwag. “Salamat po.”

Natawa siya. Yosh is too naive to understand sometimes. What is he thanking for?

“Do you want me to tour you in the house?”

Agad itong tumango na parang bata. “Opo. Opo.”

“Come with me,” pag-iimbita niya at lumabas na nang kwarto at sinundan naman siya nito.

“Okay lang po ba talaga ‘to? Hindi ba nagalit sa’kin ang kuya mo?”

“It’s fine. He knows how you vomited like no tomorrow.”

Napakamot naman ito.

“I have a question for you” tumigil sa paglalakad si Lavion at tiningnan siya sa mga mata.

“Do you have something you really want to do in life?”

Natigilan naman si Yosh sa biglang pagtatanong nito.

“B-Bakit niyo po natanong?”

Lavion shrugged, “I don’t know, it just came out in my mind, sudden,” sagot niya, nagpatuloy na sa paglalakad at sumunod naman sakaniya si Yosh.

May namagitang katahimikan sa loob nang ilang segundo bago narinig ni Lavion ang sagot nito.

“Gusto ko pong matuklasan ang hindi ko pa nakikita sa mundo. Gusto ko pong makapunta sa ibang bansa. Gusto ko pong makahawak ng ibon. Gusto ko pong maranasang lumangoy sa dagat… Gusto kong… makaramdam ng tunay na pagmamahal sa isang tao…”

Hindi nakapagsalita si Lavion at nagpatuloy lang sa paglalakad. Gustong makita ni Yosh ang ekpresyon nito ngunit nangunguna ito kaysa sakaniya kaya ang nakikita lang nito ay ang kaniyang buhok at likod.

“P-Pasensya na po kung bigla ko nalang sinabi ang mga iyon” he made an awkward laugh. “It’s kind of… childish po-“

“That’s good to hear,” tumigil sa paglalakad si Lavion at nilingunan siya.

Ngumiti ito, “Thank you for telling me your dreams.”

“opo…” he blushed, watching how she smiled genuinely at him and continued to walk.

He was expecting her to say something again but she is silent than usual now. And he has a feeling that there might be something going on.

“Okay lang po ba kayo, Ms. Gauge?”

“Yes,”

He badly wanted to see her expression but he can’t. Tumigil sila sa isang malaking balcony sa likod ng mansion kung saan makikita ang pananaw nang gubat, nang mga bundok, nang kalangitang may mga bituin at ang buwan, at ang pool sa ibabang palapag na kung saan nililinis ng mga katulong.

H, The Abductor [Zendguge Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon