Simula

31 1 0
                                    


TW: This chapter contain abuse, violence, self harm, which may be harmful to readers. Reader discretion is advised. read at your own risk. 


Simula



I woke up with a damn hungover. I can't even move from lying down on the bed. I groaned. Dahan dahan akong umupo sa kama at nasapo ang ang ulo sa sobrang sakit.

I almost lose myself last night, the party was so lit that I freaking got a hungover. Mataas ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako madaling malasing. But I guess, last night was different.

Mas lalong sumakit ang ulo ko ng bumungad ang ayos ng kwarto ko. Naka kalat ang mga damit ko at mga make up ko sa sofa. May mga balat ng chips sa gilid at ilang can beer na ginamit ko noong isang araw pa.

Ang mga pumps, towel and used clothes ay nakakalat lang sa lapag na kahit ang tiles ay nahiya ng magpakita.

In short, Parang binagyo ang buong kwarto ko.

Napapikit nalang ako ng tumunog ang tiyan ko. I'm hungry! I quickly get up from bed and went to the kitchen. Mas lalo ata akong nanghina ng makita ko ang hugasin.

Parang kulang nalang ay mga langaw at perfect na ang madumi kong kusina.

This is my everyday life. Party roon, hangover rito. For my 24 years of my existence, masasabi kong nagawa ko na lahat ng gusto kong gawin.

I can finally say that I am ready to die anytime.

I rolled my eyes when someone rang the doorbell. Masyado pang maaga para mang gulo! I don't have any plans to open the door pero naiirita ako sa sunod sunod na pagdoorbell!

Inis kong nilakad ang daan papuntang front door. This should be good dahil kung hindi ay baka kung ano ang magawa ko sakanila.

I hate being disturb.

"Hi!" Asteria Beamed when I opened the door. I saw how she roamed my body using her eyes. Napangiwi siya.

"You looked like a mess." Lorcan noticed.

Umirap ako at bumalik sa loob. Naramdaman ko ang pag sunod nila. I lazily went to the couch and lay there.

"Oh,  it this a dumpsite?" Maarteng saad ni Asteria ng makita ang sala.

Pinanood kong lumapit si Lorcan sa isang damit na naka patong sa sofa at itinaas 'yon. He chuckled. "Damn, ito yung suot mo last week right?"

Napangiwi ako ng maramdaman ang pagsakit ng ulo at tiyan.. Hindi na talaga ako mag iinom.

Never again.

"Can you please call a house keeping?" I said while looking at Asteria. Naka upo na siya sa sofa kung saan walang kalat. Habang si Lorcan naman ay nawala ng parang bula.

"I really should!" Aniya na para bang papatayin siya kung hindi niya 'yon magawa.

Tumayo siya at dumiretso sa hallway kung nasaan ang daan papuntang kwarto ko. Hinigpitan ko ang yakap sa unan. I heard her screamed kasabay ng pag lagabog ng pinto ng kwarto ko.

"What the fuck! Naaatim mong matulog ng ganoon kadumi ang kwarto mo?!" Nandidiri niyang sigaw.

Narinig ko ang halakhak ni Lorcan sa kusina. Napairap ako dahil sa sinabi niya. I get it. Ilang araw na akong hindi nagpapalinis ng bahay and what should I expect? Kusang malilinis ang unit ko?

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon