Lavezares
Tanghali na ng magising ako. Kung hindi pa ako kinatok ay hindi pa ako magigising. Pagod pa ako sa byahe at talaga namang nakakatamad kumilos.
I lifted my chin while looking at myself in the mirror. My straight black hair flowed down to my waist. It covers the half of my back. I have a small face, almond eyes, pointed nose and cupid's bow lips. I'm wearing a boho maroon lainen backless dress. I paired it with strap sandals.
Asteria and I are both petite. Pinagkaiba lang namin ay siya ay morena at medyo maliit habang ako ay medyo matangkad at maputi.
Tahimik ang buong palapag pagka labas ko ng kwarto. Tahimik kong tinatahak ang grand staircase nila. I noticed, masyadong maganda ang bahay na 'to para sa probinsya.
I shrugged my shoulder, I remember reading an article that most old money families are living peacefully in a province. kaya hindi na ako magtataka kung may makasalubong ako ritong kayang bilhin ang buong pagkatao ko.
Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko doon si Thiago na nakaupo at nag c-cellphone nanaman. May mga pagkain na doon. Umupo ako sa harapan niya at doon niya palang ako napansin.
His eyes fixed on me. Tumikhim siya bago binaba ang phone niya. "Ang tagal mo, kanina pa ako nagugutom.." Nakangiwi niyang saad.
"May sinabi ba 'kong hintayin mo 'ko?"
He frowned. "Ikaw na nga hinintay ikaw pa 'tong galit."
I shrugged and started to eat. Madaming pagkain ang nasa harapan ko. I wonder kung ganito ba kadami ang ulam nila lagi? parang may fiesta.
"Sabi pala ni Tito, ipag drive daw kita kung saan mo gusto." Basag ni Thiago sa katahimikan.
"Sa kabilang buhay, kaya mo ba?" Taas kilay kong tanong.
Lantaran niya akong nginiwian. Rumehistro ang disgusto sa itsura niya."Pwede bang maging mabait ka sakin? Ako na nga lang 'tong nag ta-tyaga sa'yo.."
Nagkibit balikat ako bago uminom ng tubig. "I didn't say na pagtyagaan mo 'ko."
"Napaka sungit mo!" Pang aakusa niya.
"Napaka pangit mo!" I fired back.
Masama niya akong tinignan. Napairap ako. Tignan mo 'to, siya mangunguna siya din naman pala ang pikon.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya pagkatapos namin kumain. We're both sitting on the couch in the living room.
"Hindi ko alam, hindi naman ako taga rito."
Bumuntong hininga siya at para bang gusto na niyang sumuko. "Dapat pala masanay na ko sa ugali mo. Asteria told me na magaspang ang ugali mo.." direkta niyang saad.
I frowned. Ngumisi siya dahil sa reaksyon ko. Ang gagang Asteria na 'yon! Binigyan pa ako ng pangit na imahe!
Natigilan ako ng may mapagtanto at tinignan si Thiago na kumakain ng saging ngayon. "Kaano ano mo si Asteria?"
"Pinsan ko siya. Yung mama ko at daddy niya tapos asawa ni Tito Frederick ay magkakapatid."
Tumango ako at hindi siya pinakinggan. Hindi ko naman gusto malaman yung family tree nila. I stood up na ginaya naman ni Thiago.
Dumiretso ako sa front door. Ngayon ko lang nakita ang labas nila. Malalaking puno ang nasa gilid ng bahay. Naging makulimlik tuloy ang parte ng garden nila. Wala rin silang kalapit na bahay.

BINABASA MO ANG
Until When
RomanceLAVEZARES SERIES ONE (ON GOING) The fierce and spoiled Chliodhna Feyra ran away from her father's wrath. She believe that everything will be okay when she's gone. Kaya ang masayang buhay niya sa manila ay nawala ng isang iglap. She can't even cook a...