Chapter 3
Love
Inis akong nagmartsa papunta sa office ni Thiago. I'm damn pissed! Ngayon lang ako napahiya ng ganoon at ang mas malala ay isang probinsyano ang gumanon sakin!
Bumungad sakin ang isang three storey building. May guard doon sa harapan but he's busy. Dumiretso ako sa front desk na nasa harapan ng entrance.
"Where's Thiago's Office?" Hindi ko na maitago ang galit sa tono ko.
Nangunot ang noo ng babae. "Sino po ba kayo Ma'am?"
Mas lalong uminit ang ulo ko, hindi ba pwedeng papasukin na kaagad ako?
"I'm Clioiodhna, alam na niya na pupunta ako. Kaya pwedeng pakisabi kung nasaan ang office niya?" I scoffed.
Kumunot ang noo ng babae sakin. "May schedule po ba?"
Omygod!
Napapikit ako at tinimpi ang sarili ko. Ramdam na ramdam ko na ang kuko kong bumabaon sa kamay ko. "I'm his Girlfriend." I lied.
Nanlaki ang mata niya at agad na itinuro ang office ni Thiago. Inis akong pumunta doon. Magpapaliwanag nalang ako mamaya kay Thiago.
Hindi na ako kumatok at dumiretso sa kwarto na sinabi sakin noong babae. Padabog kong binuksan 'yon na ikina talon ni Thiago.
"Nakakainis!" I yelled.
Pabalang kong sinirado ang pinto ni Thiago. Ramdam ko ang galit na dumadaloy sa katawan ko. Lintik na Lucien na 'yon, Wala pang lalaking nakaka ganon sakin!
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Thiago at napatayo galing sa swivel chair niya.
"I can't take him! Anong karapatan niya para pagsalitaan ako ng ganoon!" I yelled.
Napatalon si Thiago dahil sa sigaw ko. Wala akong pakielam. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nailalabas ang galit ko sa pesteng probinsyanong 'yon!
Inis kong binato ang shades ko at napahilamos ng mukha. He's driving me crazy! Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya!
"You know what?" Galit kong tanong kay Thiago. Nanlaki ang mata niya at napaupo sa swivel chair. "Mabuti at hindi mo pinromote ang hinayupak na 'yon!"
"Bakit ka sumisigaw?" Thiago asked.
"Kasi naiinis ako!" I yelled, again. Kumuyom ang kamao ko at parang gusto gusto ko siyang sakalin. Nilingon ko si Thiago at tinuro ang labas ng opisina niya.
"Yung trabahador mo! Pinahiya ako! Harap harapan!"
Napangiwi si Thiago dahil sa lakas ng sigaw ko. I don't care kung may makarinig samin, wala akong pakielam sa opinyon nila!
"He said that I'm a fucking kid? Mukha ba akong bata!" Tanong ko kay Thiago at tinuro ang sarili ko.
"Tapos ano? Bulag raw ako kasi hindi ko makita na hindi niya ako gusto? Nakakainis siya!" I yelled at the top of my lungs.
Nakatangang naka harap sakin si Thiago.
"Sa ganda kong 'to? Dapat nga ay swerte na siya sakin. Kayang kaya kong bumili ng galon ng tubig na hindi niya magawa!" Inis akong napahilamos ng mukha.
Lumapit ako sa sofa at pinag hahagis ang mga unan niya. Sa unan ko binuhos ang lahat ng galit ko. "Bilhin ko pa ang buong anggat dam para sakanya. Lintik siya!"
Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Thiago dahil sa sinabi ko. May nakakatawa ba? Totoo naman, kung ibang probinsyano ata ay baka sila pa ang magkandarapa sakin!

BINABASA MO ANG
Until When
RomanceLAVEZARES SERIES ONE (ON GOING) The fierce and spoiled Chliodhna Feyra ran away from her father's wrath. She believe that everything will be okay when she's gone. Kaya ang masayang buhay niya sa manila ay nawala ng isang iglap. She can't even cook a...