Kabanata 6

14 1 0
                                    



Chapter 6
Art



Nahirapan akong matulong nung gabing yon. Kaya kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Kinailangan pa akong gisingin ng mga kasambahay upang hindi malipasan ng gutom.

Tamad na tamad akong mag ayos ng sarili ngayon. As much as I want to go down with my morning face, I fucking can't.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng isang satin silk top and maong highwaist short. I paired it with my sandal and messy bun.

As much as I want to wear a fucking gown today, I can't.

Tinatamad ako.

Dala dala ko ang maleta ko habang bumababa sa kahoy na hagdan ng mansyon. Uuwi na din ako pagkatapos kong kumain. Ayoko ng magtagal dito.

Iniwan ko sa sala ang maleta ko at dumiretso sa kusina. Nasa long table na si Mayor, Thiago, Amelia at apat na lalaking hindi ko kilala.

And to my surprise, Lucien was there.

Kumakain na sila at mukhang patapos na. Agad akong nginisian ni Mayor at tinuro ang katabi niya upuan. Nilingo naman ako ng mga taong naroon.

"Aga mo gumising, ah." Thiago said.

"Shut up,"

Humalakhak siya at umupo ako sa tabi niila ni Mayor. Napatingin ako kay Lucien na nasaharapan ko at naka tingin sakin. Inirapan ko siya at inismiran.

"Kumain ka na, Cliodhna. Masama pa ba pakiramdam mo?" Mayor asked.

"What?"

"Ang sabi ng kasambahay ay naabutan ka daw niya sa hamba ng hagdan at mukhang masama ang pakiramdam kagabi. Okay ka na ba?"

That maid!

"I'm okay," I said and started to eat.

Tumikhim si Mayor kaya ako napa angat ng tingin sakanya. Seryoso na ang mukha niya na ikinataas ko ng kilay.

"Tumawag sakin si Asteria, dis oras ng gabi kagabi." He said. "Hindi ka daw matawagan."

Tamad kong nginuya ang pagkain sa bibig ko. Ang apat na lalaki sa dulo ay may sariling usapan habang ang banda namin ay ako ang topic.

"Nasira ko ang phone niya, Tito." Si Thiago na nasa gilid ko ang sumagot.

"Ganun ba?"

"No," I said. Taas noo kong nilingon si Mayor at seryosong tinignan "Her cousin caught me, I destroyed my simcard that's why she can't call me."

Nanlaki ang mata ni Mayor at napasinghap. "H-how about your?" He trailed off.

"He still don't know,"

Sa reaksyon niya ay nakumpirma ko ngang alam ni Mayor ang nangyayari sakin. Asteria probably tell him my story before I arrived here.

I'm not naive, alam kong sasabihin ni Asteria iyon sa Tito niya. Besides, grabe naman ang pag aasikaso nila sakin kung maniniwala sila sa pakilala kong family friend lang ni Asteria.

"Nagtatago si Cliohna?" Bulong ni Amelia kay Lucien na dinig ko naman.

"Why are you asking? Hindi ko alam na chismosa ka pala." I scoffed and rolled my eyes. Umagang umaga naiirita ako sakaniya!

"Cliodhna!" Sita sakin ni Thiago.

Kumunot ang noo ni Amelia at bumalatay ang pagkaininis sa mukha niya. "Excuse me?"

Hinawi ko ang ilang ulam na nasa harapan nila ni Thiago. "Makakadaan ka na, ingat ka baka bumigay yung lamesa sa'yo," nakangisi kong saad.

Narinig ko ang paghagikhik ni Thiago na agad niyang dinaan sa pg ubo. Napatingin ako kay Lucien na seryoso lang na nakatingin sakin.

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon