Kabanata 2

15 1 0
                                    

Chapter 2
Fruit Picker.


Since I moved here in Lavezares, maaga na akong nagigising. Malayong malayo sa kinaugalian ko sa Manila. Hindi na din ako ganoong nagpupuyat kaya naman maaga akong nagigising kinabukasan.

I woke up very early today. Isang racer back and bicycle shorts ang suot ko. It exposed some of my skin but I don't mind though.

It's been a week since I moved here in Lavezares. Kain, tulog at nood ng Tv. 'Yan ang ginawa ko sa isang linggong nandito ako. Hindi na din nagpapakita si Thiago simula noong nag groceries kami. Kahit si Asteria ay hindi manlang ako tinawagan.

That's why I'm bored to death. Kailangan ko ng mapapag libangan.

Madilim pa nang lumabas ako ng bahay. Naabutan ko si Nita na nag aayos ng tindahan niya. I wonder kung anong oras sila natutulog at parang mas nauuna pa silang magising kaysa sa mga manok nilang alaga.

I started to run. Sabi sakin ni Nita ay dire diretso lang naman daw ang daan dito sa kalye namin. Hindi din ganoon kadami ang bahay kaya madaling tandaan.

While running, I wonder kung alam na ba ni papa na umalis ako ng condo ko? O kahit si Lorcan ba ay alam na? For sure ay alam na ni Lorcan na umalis ako, he's always with me.

Are they looking for me?

I should not expect. Hindi nila gawain na hanapin ako. Even my mom, baka nga ay nag p-party pa sila sa bahay. And that's okay.

Hindi naman ako nag eexpect na hanapin nila ako. I'm okay with this. Hindi man eto yung nakalakihan ko but I'm starting to like my new fucking life.

But heck, I won't even dare to call myself a 'probinsyana'

I think I'm gonna puke.

Nag aagaw na ang kulay ng langit ng huminto ako sa isang tulay. My eyes fixed on the big pantation in front of me. Dahil nga nasa tuktok ako ay kitang kita ko ang lawak nito.

Malaki at puro puno ang nakikita ko sa ibaba. Hile hilera ang mga puno at tingin ko ay mas malawak pa 'yon lalo na kung nasa ibaba ako.

Dala ng kuryosidad ay tinakbo ko pababa ang tulay. May dalawang daan doon, ang isa ay papunta sa plantation habang ang isa ay paakyat na ng bundok.

Una kong naabutan ang bukas na gate ng plantation. Walang taong naka bantay manlang roon. Pero may tarpaulin doon kung saan nakalagay ang visiting hours.

And today is sarado.

But I don't care anyway. Tinulak ko ang Iron gate nila na gumawa ng kaonting inggay. Napapikit pa ako dahil akala ko ay mahuhuli ako.

Pakiramdam ko ay isa akong presong tumatakas sa kulungan.

Agad akong tumakbo pagka pasok ko ng loob. Mahirap na at baka mahuli pa ako. Tumakbo ako palayo ng entrance at huminto ng maka dating sa gitna. Hindi ko maiwasan hindi mamangha habang naka tingin sa harapan ko.

Maayos na naka hilera ang bawat puno ng mangga. May espasyo sa gitna na naghahati sa bawat puno. Mukhang dinaraanan 'yon ng mga truck.

Dahil hindi nga ako nature lover ay hindi pa ako nakakapunta sa mga ganito. Hindo ko maappreciate ang mga puno noon.

May iilang nalaglag na dahon at mangga ang nakita ko habang tinatahak ang plantation. Sa sobrang laki ng plantation, nanliliit ako sa ilalim ng mga puno.

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon