Kabanata 13

20 1 2
                                    



Chapter 13

Allergy


Nanatili ako sa kwarto ko at doon nagmukmok. Wala akong ginawa kundi ang mag ayos ng sarili. Simula sa mukha hanggang sa buhok. Maayos na maayos.

Bigla naman akong nairita sa itsura ng babaeng kausap ni Lucien. Halos lumuwa na ang dibdib niya sa harapan ni Lucien, at ang gagong Lucien ay tuwang tuwa pa.

Bilang ganti ng isang api, nagsuot ako ng black tube bodycon mini dress. Dahil sa tangkad ko kaya mas nagig maiksi ang dress. Kita din ang kaonting cleavage ko at maliit na baywang ko. I grinned.

But who cares? Hindi ba ay gusto ni Lucien ang mga lumuluwa ang dibdib?

That old man!

Nagdadahilan pa siya ng ayaw niya sa bata, pero mukhang gusto ata ng batang pechay!

Argh! Damn it! Mas lalo atang umiinit ang ulo ko!

Lumabas lang ako ng kinatok na ako ni peter upang magtanghalian. Nakatali ang mahaba kong buhok at kitang kita ang makinis at maputi kong balikat.

Napangisi ako. Tignan natin, Lucien.

Sinadya kong magpahuli dahil ayokong mauna una doon. Narinig ko ang tawanan nila sa ibaba. Agad akong bumaba at halos tumaas hanggang langit ang kilay ko ng makitang katabi ni Lucien ang babaeng 'yon.

"Wow! Ganda mo ma'am!" Sigaw ni Peter na siyang unang naka pansin sakin.

Nanatili akong naka simangot. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Lucien habang naka tingin saakin. No, sa damit ko.

Dahil nga ay may katabi ng hipon si Lucien napatingin ako sa tabi ni Thiago at ang lintik may katabi na din!

"Saan ako uupo kung may naka upo na sa pwesto ko?" Hindi ko mapigilan ang bunganga ko.

Natahimik sila at nagkatinginan. Narinig ko ang pagtikhim ni Peter at tinuro ang katabi niyang upan sa pinaka dulo.

"Dito ka nalang,"

"No, hindi diyan ang pwesto ko bakit ako uupo diyan?" Madiin kong tanong at pinaglilipat lipat ang tingin ko sa dalawang babae.

"Saan ba ang upuan niya?" Narinig kong tanong ng katabi ni Lucien.

"Diyan sa kina uupuan mo, at sa kina uupuan ng kasama mo."

"Cliodhna! Stop it!" Saway ni Lucien pero nanatili akong nakatingin sa dalawa.

Hindi ko talaga gusto ang inaagaw ang kung anong mayroon ako. At hindi ako nagpapahiram ng kung anong pag aari ko.

"Uhm, dito ka na." Sambit ng babaeng katabi ni Thiago at lumipat dala dala ang pinggan niya sa tabi ni Peter.

"Thanks, mabuti ka pa at nakakaramdam ka." I said and sat down beside Thiago.

"Teka, Ma'am, kuha kita pinggan." Peter insisted and stood up.

Nanatili akong naka halukipkip at madilim na naka tingin sa pagkain na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mangigil habang nasa harapan ko ang makapal na hipon na 'to.

"Kain ka na, Ma'am." Peter handed the plate. Agad niyang nilagay 'yon sa harapan ko.

"Anong gusto mo?" Thiago suddenly asked.

"Kahit ano,"

Si Thiago na mismo ang naglagay ng pagkain sa harapan ko. Hindi ko tinantanan ng masamang titig si Lucien. And shit! Hindi niya manlang ako magawang tignan!

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon