Kabanata 8

20 1 0
                                    



Chapter8
Lunch


Kumalabog ang puso ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. I'm not yet ready to face him. Pagkatapos niya akong gawing tanga, uutusan nya akong sumakay sakanya?

"No."

Umirap ako at tinalikuran ang Lintik na Lucen na 'yon. Pagkatapos ng giinawa niyang pagtapak sa Ego ko magpapakita siya sakin ng parang walang nangyari?

Ulol ba siya?

Did he think that i'm too naive that I will fucking ran to him again?

I'm not like that!

"Sakay, Cliodhna." Sigaw niya mula sa loob ng sasakyan.

Nahinto ako sa paglalakad at humalukipkip. I turned to him and I saw him. He looked mad but damn, he's hot.

"Ayoko,"

"Isa!"

"I don't want nga! ayokong sumakay sa.." Hinagod ko ng tingin ang mustang. Nangingintab 'yon at parang walang kahit isang dumi. Great!  "Hiram na sasakyan."

Talaga ba, Cliodhna?

Of course, I'm not Naive! Siya ang may ari ng plantation hindi ba? And he's a fucking Vice Mayor!

"Pwede bang pumasok ka na lang? Sinasayang mo ang oras ko.." Kunot noo niyang saad.

Tumaas ang kilay ko. Tignan mo 'to, anong akala niya sakin? Porket vice mayor siya madadaan na niya ako sa ganito?

Excuse me?

"Hoy!" I yelled. "Hindi ko sinabing isakay mo 'ko, ayoko din naman sumakay sa lintik mong sasakyan. Kaya kung nasasayangan ka sa oras mo, Umalis ka na, Vice Mayor!"

His face darkened in irritation. Kulang nalang ay mag collab ang mga kilay niya sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Akala ko ay may sasabihin pa siya, but to my suprise.

He fucking closed the window before he left me!

Hindi ako makapaniwala! Laglag panga kong tinignan ang sasakyan niyang papalayo. Napatili ako sa sobrang pagka irita. Ang tarantadong 'yon! Walang puso!

Nagtricycle ako pauwi. Hindi ko na kinaya ang paglalakad kaya sumakay na ako. Agad naman akong bumili ng simcard kila aling Nita para matawagan ko si Asteria.

"Hello, Who's this?" she scoffed.

Sumandal ako sa sofa and pinagkrus ang hita. "Guess who?"

"Cliodhna?"

"Dumb! Sino pa ba!" Maktol ko.

"omygod! Omygod! Cliodhna! Hindi ko alam kung papaano-" sigaw siya ng sigaw!

"Stop! You're hurting my ears!" Sigaw ko sakanya. She's hysterical on the other line. Para siyang kinakatay!

"I'm sorry, shit. I swear hindi ko alam paano niya nalaman number mo. Unknown number ka sa phone ko!" paliwanag niya na may mataas pa din na tono.

Inis kong niloud speaker ang cellphone. Kahit sabihin kong hindi siya sumigaw ay nauuwi pa din siya sa pag sigaw. Ako na ang nag adjust sa boses niya!

"Did you tell him where I am?"

"of cuourse not! Nagulat ako ng binigay niya sakin yung phone ko and he said 'I already knew where she is, Asteria" he mimicked Lorcan's voice.

"and I swear to God! Para akong mahihimatay noong araw na 'yon! Maya't maya kong tinawagan ang number mo pero error na. Kung wala lang si Thalita ay baka nariyan na ako!"

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon