CHAPTER 10

7.4K 149 4
                                    

CHAPTER 10

LORAINE

 
        "IS YOUR COUSIN serious about this? Brie's pregnant kaya hindi ko siya pwedeng pasingutin ng gano'n." Angal ko habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ni Jackson pauwi.
 
Dereck called. Gusto niyang dalhin si Brie bukas na bukas sa Ilocos para ikasal na sila. Dereck can't wait kaya may plano. I'm not against it. Maliban na lang sa baby na nasa tyan ni Brie. Kawawa 'yon.
 
"Alam naman ni Cole ang ipapasingot niya kay Brie. Alam kong alam ni Dereck na buntis si Brie."
 
"How about Spiro? I'm not even ready yet! Magiimpake pa'ko." Damn! This is stressing me.
 
"I could help you pack your clothes." Inirapan ko siya. This jerk! "Spiro will stay with his dad, of course. Pagkagising ni Brie, ikakasal na siya."
 
Surprise wedding.
 
"Paano kung mabadtrip si Brie? My sister won't forgive me if something happens to her baby." Ginulo ko ang buhok. "Can we stop in my Tita's boutique shop? Kukunin ko lang ang dress na susuotin ko for my sister's wedding."
 
"Sure."
 
"You have a suit now?"
 
"Of course." He winked at me.
 
Bigla kong narealize na ngayon din kami pupunta ng Ilocos. Seriously? I'm exhausted, but dahil kasal naman ni Brie ay walang problema. That's my sister. I have no problem with it.
 
"You packed your things?"
 
"Not yet. I will pack it once I get home." Ngumisi ito sakin. "Do you want me to pick you up later? I'm sure my cousin can't pay you some attention because he'll be busy."
 
"Sino ang aalalay sa kapatid ko?"
 
"Kaya na ni Cole 'yon." As much as I want to take care of my sister, I have no choice but to agree to Jackson. He's right. Dereck can handle my sister very well.
 
"Okay. Sunduin mo'ko kapag tapos ka na mag-impake." Ngiting ngiti siya buong byahe. Kahit sa pagkuha ng dress ko sa tita ko ay nakangiti siya.
 
"Here." Inabot niya sakin ang panyo na hindi ko na inamoy. I know what this is.
 
"Are you sure this is safe?"
 
"Yes, babe." Inirapan ko siya. "I'll pick you up later."
 
"Yeah, thanks." Bumaba ako ng kotse niya at nagmamadaling pumasok sa bahay. I got a text from Dereck na mag kunwari na I'm obsessed at kung ano ano. I don't want to do this.
 
Papa and Spiro are not here yet. Labag man sa loob ko ay binasag ko ang vase namin. Napatili pa ako nang gawin ko 'yon. My god! This is ridiculous!
 
"Miss Loraine, bakit ho kayo nagbabasag?" Biglang sulpot ng kasambahay namin.
 
"Uhm. Here," Inabutan ko siya ng ilang libo. "Umalis muna kayo dito. I have a surprise for my sister kasi." Mukhang nagustuhan nito ang sinabi ko at nagmamadaling pumasok sa kwarto nila.
 
I received a voicemail from Dereck and iyak ito ni Spiro. He's literally insane! Baka hindi siya siputin ni Brie dahil sa ginawa niya. I connected it to a Bluetooth speaker at nilagay sa kwarto nila Brie.
 
I went to my room at mabilisang nagimpake. This is really stressing me, but I have no choice!
 
Everything went according to the plan. Nag baliw baliwan ako. And take note, Dereck's also here and he's enjoying everything! Crazy bitch!
 
I covered her nose to her mouth at hinayaan siyang mawalan ng malay. Sinenyasan ko si Dereck na lumapit kasabay ng pagsalo ko kay Brie. 
 
"I'm so sorry, sister." I wiped her tears. Kinuha naman siya sakin ni Dereck at binuhat. 
 
"Are you going with us?" he asked. 
 
"Nope. Jackson will pick me up. Aayusin ko din ang gamit ni Brie. Alam na ba ito ni Papa? Spiro's with him."
 
"Yeah. Nasa airport na sila." I nodded. "We will wait for you there."
 
"Alright." Mabilis akong pumunta sa kwarto ni Brie at inimpake ang ilang damit at sa tingin kong kakailanganin niya. Tig isa kami ng maleta na dala and I think this is fine. 
 
I changed my clothes nang makarinig ako ng sasakyan sa baba. Jackson's here. Sinuot ko ang hoodie na kulay brown at hinila palabas ang dalawang maleta. I saw Jackson na kakapasok lang sa bahay.
 
Mabilis siyang lumapit sakin at siya ang nagdala ng maleta. I can smell his natural scent! Halos mapapikit ako nang maging sobrang lapit namin.
 
"Ito lang?"
 
"Y-yes." Umiwas ako ng tingin at nauna na sa sasakyan niya. I opened the passenger seat habang siya naman ay naglalagay ng maleta sa likod. Maya maya ay pumasok na din siya at may inabot saking uhm... What do we call this?
 
"Open it. That's chicken wings and legs. Eat it." Tumango ako at hindi na nag inarte. Nagumpisa na siyang mag drive papunta sa airport.
 
Habang kumakain ay napapatingin ako sakanya. Kumain na ba siya nito? Dapat bang pakainin ko siya? He can't eat because he's driving. I bit my lip at kinurot ang chicken. Tinapat ko 'yon sa labi niya at mukhang nagulat pa siya.
 
"Eat it." Ngumuso siya, pero kinain niya din naman ang chicken. That's what happened to us. Nagdrive siya papuntang airport habang sinusubuan ko naman siya.
 
Nang makarating kami sa airport ay mabilis ang naging kilos namin. Ang malaking private plane ni Dereck ang gagamitin namin habang ang ibang bisita ay ang kay Jackson at Dereck ulit.
 
Naabutan kong tulog si Spiro sa hita ni Papa habang hinihintay ang pagdating namin. Lumipat agad ang tingin niya kay Jackson kaya napatikhim ako. Dahan dahan kong kinuha si Spiro kay Papa.
 
"Where's Brie and Dereck?" I asked.
 
"They're already on the plane. Spiro and I were waiting for you." Tumayo ito at nauna na maglakad papunta plane nila Dereck. Spiro's sleeping on my shoulder habang nasa likod naman si Jackson.
 
"There's a bed in the plane. You need to take a rest." Singit ni Jackson.
 
"You should be the one who needs to rest, Jackson. Ilang oras ka na nagmamaneho. You will lay on the bed later." Umiling lang ito.
 
Nang pumasok kami sa eroplano ni Dereck ay nilapag ko si Spiro sa tabi ni Brie na tulog na tulog pa. I think Dereck will sleep with them later.
 
"Loraine," Tawag ni Papa.
 
"What is it, Papa?" Lumapit ako dito. He's now sitting on a single bed. This plane is so beautiful. Luxury ikanga.
 
"Is that your boyfriend?" Tanong niya habang pinagmamasdan si Jackson na nilalagay sa gilid ang maleta na dala.
 
"No, Papa. He's Dereck's cousin." Tumaas lang ang kilay niyo. "Rest now, Papa. You need the energy." Tumango lang ito at nahiga na.
 
Lumapit naman ako sa isang kama na para sakin. There's no bed for Jackson...
 
"We will sleep together." Sambit ko. Nakita kong natigilan din si Dereck at humagikgik. "There's no bed in here, so we have to sleep in one bed."
 
"I can sleep on the sofa, Loraine." Seriously? Nagrereklamo siya ngayon samantala nung isang gabi ay halos magawa na namin ang ginagawa dapat ng mag-asawa.
 
"You will sleep beside me, or no one will sleep on that bed, Jackson." I arched my brow. Wala siyang magagawa. We will sleep together! This is not the first time na matutulog kami na magkatabi!
 
"There's a bathroom that way..." Sambit ni Dereck at mukhang inaasar niya kami. Mabilis na nag init ang pisngi ko habang napamura naman si Jackson.
 
I grabbed my bag at nagmamadaling pumunta sa bathroom. Ginawa ko ang night routines ko kahit na dapat ay sa hotel room ko na ito gawin dahil mahigit isang oras lang naman ang byahe namin.
 
Paglabas ko ay nakita kong tahimik na pinagmamasdan ni Dereck ang mag-ina niya at si Jackson na hindi alam kung paanong higa ang gagawin. I flipped my hair at naunang humiga na. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
 
"What? Turn off the lights at humiga ka na dito. We only have 1 hour to rest." He sighed at sinunod ang gusto ko. I closed my eyes nang naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko.
 
Seems like he's not breathing...
 
"You're allowed to breathe." Tumikhim siya. Naramdaman ko ang pagpalit niya ng pwesto.
 
"Loraine..."
 
"Hmm?"
 
"Are we okay?"
 
"What do you mean?"
 
"I mean, you're not angry anymore? Are we good? I am your-"
 
"Please don't ask that thing right now. Honestly, I don't know the answer. All I know is we're going to be a family tomorrow. You're my brother-in-law's cousin, so..."
 
"So are you telling me that you're only doing this because of my cousin and your sister?" Bigla akong nakaramdam ng tensyon. Para bang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.
 
"I told you not to ask tapos ngayon ay magagalit ka?" Halos magbulungan na kami dito. I can't get him. Oo at pinayagan ko siyang samahan ako kanina sa Tagaytay, and I admit na malaking tulong 'yon, but it doesn't mean na ayos na kami at parang may utang na loob ako sakanya.
 
"I thought we're back on track. Pinapaasa mo lang ba 'ko, Loraine?" 
 
"What? First of all, hindi ko hiniling na maghabol ka. I left you, right? Stop chasing me, Jackson, because until now I'm still chasing my dreams." Buong akala ko ay magagalit siya sa sinabi ko, but he pulled and hugged me. Halos hindi ako nakahinga sa ginawa niya. Halos sakupin niya na ako dahil sa higpit ng yakap niya. "What are you..."
 
"Keep chasing your dreams, Loraine, while I keep chasing you. I promise, I won't get tired of waiting for you. I'll wait 'til you're ready."
 
Hindi ako sumagot. I just closed my eyes at hiyaan ko ang sarili na makatulog. It gives me chills dahil sa yakap niya. He whispered something pero hindi ko na 'yon narinig. I don't care kung anong iisipin ni Papa kapag nakita niya kaming magkayakap ni Jackson pagka-gising niya. I'm old enough at sa tingin ko ay hindi niya na papakielaman ang tungkol dito sa parte ng buhay ko.
 
Maiksi lang ang naging tulog ko. Nagising ako nang makarinig ng kaluskos, and I saw Jackson and Dereck na naghahanda na ng mga gamit. Siguro ay malapit na kaming mag-landing. Kinusot ko ang mata at tamad na umupo. I have many things to do. Gusto kong tulungan si Dereck kaya ako ang magbubuhat kay Spiro mamaya kahit na kaya naman niya iyong gawin pero masyado siyang maraming bag na dala.
 
"May mga tao don, right? I mean, nagpadala na si Carden?" 
 
"Of course." Nagtama ang paningin namin ni Jackson, pero mabilis akong umiwas ng tingin. Kinuha ko ang toothbrush and toothpaste sa bag at pumunta sa restroom. Saglit lang akong nag-ayos. Masaya ako dahil nauna pa ako kay Papa gumising.
 
Naupo ako sa kama nila Brie at pinagmasdan si Spiro na nakakunot ang noo. Maganda ang pagkakagawa nila kay Spiro. He looks so good. Maya maya ay nagising na din si Papa at agad nitong kinalikot ang phone niya. Seriously?
 
"How many rooms are we going to rent?" Tanong ni Jackson. Ang alam ko ay hotel ni Jackson ang gagamitin namin mamaya doon.
 
"Say 50 rooms?" Sa dami ba naman ng guest nila ay sa tingin ko sapat na ang 50 rooms. "40 family rooms and 10 presidential suites."
 
"Ouch..." Sambit ni Jackson at humawak pa ito sa bulsa. I stopped myself from laughing. I don't want to laugh kahit na mukhang tanga itong si Jackson.
 
Bahagyang lumayo si Jackson para tawagan daw ang namamahala sa hotel niya na 'yon ngayon. I bit my lower lip nang marealize kong makikita ko din bukas ang halos buong pamilya nila. Maya maya ay nag-anunsyo ang pilot na we were about to land, kaya nagsiupo sila.
 
"Loraine."
 
"Po?" Lingon ko kay Papa.
 
"I want you to behave inside your room..." Sabay tingin nito kay Jackson. "My daughter will have her own room, right?"
 
"Of course, sir." Tumango tango si Papa at maya maya ay dumapo ang tingin nito kay Dereck na nilalaro ang kamay ni Brie.
 
"You,"
 
"Yes, sir?" Agap ni Dereck.
 
"Don't you dare hurt my daughter, or else I'll kick your ass." Napangiwi ako sa sinabi ni Papa.
 
"I won't."
 
"Loraine." Me again?! 
 
"Yes?"
 
"I won't stay in Ilocos for too long. Uuwi din ako bukas ng gabi." Kumunot ang noo ko. 
 
"Why, Papa?"
 
"I'm going to Japan. I have 2 weeks of rest. I want a vacation." I licked my lower lip. Again? I'll be the one who will manage our business again?
 
"Alright." 
 
Maya maya ay nag-landing na kami. Maingat kong binuhat si Spiro at maging sa pagbaba ng hagdan ay maingat din ako. Inaalalayan naman ako ni Jackson sa likod. Nang makarating kami sa harap ng airport ay may dumating agad na sasakyan na susundo samin.
 
"I'll take care of Spiro." Sambit ko kay Dereck at sumakay sa likod ng van. Tumabi naman sakin Si Jackson. 
 
"Give Spiro to me." 
 
"Huh?"
 
"Mangangawit ka." Kahit nagdadalawang isip ay binigay ko pa din si Spiro sakanya. "Sleep here." Nginuso niya ang balikat niya.
 
"Nope, no thanks." He just sighed. "Kakagising ko lang."
 
"Magkaharap lang ang kwarto natin mamaya. You have to rest so you will earn energy." Hindi na ako nag inarte at tumango na lang.
 
Yeah, I have to rest.
 

LESSURSTORIES
 

Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon