CHAPTER 25

7.2K 159 4
                                    

CHAPTER 25

LORAINE

           "CAN YOU MOVE a little faster, Jackson?" Iritado kong tanong sakanya. Ang kupad niya kasi kumilos, pero kapag sexy time ang bilis bilis.
 
"Wait, I'll just put my shades on." Tinarayan ko siya.
 
We're here in Palawan. Say... we've been here for a month now. Nakikitira kami ni Jackson kila Brie. Ang bahay nila sa Manila ay malapit nang matapos kaya sabay sabay kami uuwi sa Manila. I remembered what's Brie's reaction nang malaman niyang kami na ulit ni Jackson.
 
"Seryoso ka ba r'yan?!" Hinaplos niya ang t'yan ko at pinakiramdaman. "Baka naman may laman na ito? Kayo na ulit, hindi ba?" I chuckled.
 
"There's no baby inside me, Brie. I'm on pills. Nag-iingat ako nang sobra." I said. She pouted her lips.
 
"Masaya ako para sayo. Sigurado akong hindi ka sasaktan ni Jackson. Mahal na mahal ka no'n." I smiled at her.
 
"Mahal na mahal ko rin siya." Tinanaw namin si Jackson at Dereck na parehas na pabirong nagsusuntukan.
 
"Nasabi mo na ba kay Papa?" I shook my head.
 
"Nope. We're planning to say it pa lang."
 
"Nako. Gumawa na kayo ng baby para may makalaro itong mga anak ko."
 
Hinaplos ko ang baby bump niya.
 
"Hi, baby. Bilisan mo r'yan, ah? Ipagsho-shopping ka ni Tita ng kahit anong gusto mo." We both laughed.
 
"Pakasal na kayo!"
 
 
I rolled my eyes when I snapped back in reality.

"Ano? Hindi ka pa rin tapos?" Bulyaw ko kay Jackson.
 
We have family dinner! Papa and Jackson's parents. Sasabihin na namin na kami na, pero heto siya at napakabagal. Hindi mapakali sa hitsura niya samantalang ako ay simpleng damit lang ang suot.
 
Dito lang naman sa malapit ang dinner namin. Sure ako na ready na rin sila Brie at kami na lang ang hinihintay.
 
Inis akong tumayo at pumunta sa pinto, "Sumunod ka na lang sa restaurant, bwiset ka!" Padabog kong sinara ang pinto at pinuntahan sila Brie sa baba. Mukhang bored na si Spiro.
 
"Asan na?" Tanong ni Brie. Umirap ako at padabog na naupo sa sofa.
 
"Ang bagal! Mauna na lang tayo ro'n." Pagmamaktol ko. Humagikgik naman sila ni Dereck.
 
Maya maya ay bumaba si Jackson. Umaalingasaw ang amoy ng pabango niya kaya tumaas ang kilay ko. Inirapan ko siya at nauna na sa labas. Narinig ko pang inaasar siya ni Dereck.
 
Sa backseat ako umupo katabi si Brie at Spiro habang nasa harap naman si Dereck and Jackson. Ang sabi ni Papa ay nandoon na sila at kami na lang ang hinihintay!
 
Umuwi pa talaga ang parents ni Jackson dito para lang sa dinner namin at para maibulgar na kami na. 
 
"Are you pregnant, Loraine?" Biglang tanong ni Dereck na nasa harapan. Si Jackson ang nagmamaneho, pero kitang kita ko ang ngisi niya.
 
"I'm on pill. Hindi ako mabubuntis." Sambit ko rito.
 
"It seems like you're pregnant." I arched my brow at him. Bakit ba pinagpipilitan nito na buntis ako?
 
"I'm not." I rolled my eyes.
 
"Bagal naman pala ni Jackson." Nakisali pa ang kapatid ko. Hindi ako umimik dahil badtrip pa rin ako kay Jackson. Nakakahiya!
 
"Ako, mabagal? Kung hindi lang umiinom ng pills si Loraine baka kambal na anak namin." Nagtawanan sila habang nakasimangot naman ako.
 
"Bakit nga ba ayaw mo pang mabuntis, Loraine?" Tanong ni Brie. Ngayon ko lang napansin na tulog na naman si Spiro.
 
"Not until I'm the president of Quenery Jewelers." Ngumuso siya.
 
"Ang arte naman kasi ni Papa. Limang taon ka na rin nagtatrabaho para maging presidente, ha." Ngumisi lang ako. "I suggest na magpakasal muna kayo ni Jackson para wala nang kawala." I shook my head.
 
"No... Gusto kong na kay Jackson ang buong atensyon ko kapag kasal na kami." Tinanaw ko ang repleksyon ni Jackson sa salamin at naabutan kong matalim ang tingin niya sa daan. 
 
Galit ba siya?
 
Nang makarating kami sa restaurant ay nagising na rin si Spiro. I gulped. I'm nervous. Papa's car is in here. Sa pagkakaalam ko ay babalik siya sa France dahil may aasikasuhin siya sa main building namin doon.
 
Nawala ang pag aalala ko nang hawakan ni Jackson ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok. Nauuna sila Brie samin maglakad.
 
"It's going to be okay." Bulong niya. Ngumisi lang ako at tumango.
 
Maganda ang restaurant na ito. Puro matitingkad na kulay ang nakikita ko. Maya maya ay dumapo ang tingin ko sa isang table na may tatlong oldies. I pouted my lips. Kung nandito lang sana si Mama.
 
Nagbatian sila doon habang kami ni Jackson ay nakatayo lang. Pagkatapos humalik ni Spiro sa mga matatanda ay lumapat ang tingin ni Papa sa kamay namin ni Jackson na magkahawak. Bigla tuloy akong pinagpawisan.
 
"Papa..." Humalik ako sa pisngi niya. Matalim ang tingin niya sakin at gano'n din kay Jackson.
 
"Good evening, Sir." Sambit ni Jackson. Alam kong labag sa loob ni Papa ang sumagot kay Jackson kaya nagulat ako nang tumayo ito. Lumipat ang tingin ko sa parents ni Jackson.
 
"Good evening po." Bati ko at nginitian sila. Hindi naman mukhang masungit ang parents ni Jackson.
 
"Good evening, hija." I bit my lower lip. Jackson's mom just called me 'hija'! Hindi ko maiwasang tignan ang maamo nilang mukha. They are Macey and Marvic Calin. 
 
Nakasunod ang tingin samin ni Papa. Nang ipaghila ako ni Jackson ng upuan ay nakasunod pa rin ang tingin nito. Feeling ko ay hindi kami makakakain nang maayos nito. Nakataas din ang kilay niya.
 
"Let's order first." Sambit ni Dereck. Tumawag siya ng waiter at binigay ang order nila at gano'n rin kami. More shrimp for Spiro.
 
"I want water!" Sambit ni Spiro kaya binigyan siya agad ni Jackson dahil mas malapit samin ang tubig. "Thank you." I smirked.
 
"What is this dinner all about?" Taas kilay na tanong ni Papa. Napatungo ako. Nahagip ng mata ko ang pagiging alerto ni Brie na para bang ready ako sagipin.
 
"We have confession, Papa."
 
"What?" I gulped at sinulyapan si Jackson. Mukhang siya ay kabado na rin sa magiging reaksyon ni Papa.
 
"Loraine and I are in a relationship, Sir..." Napasinghap ang parents ni Jackson habang si Dereck naman ay natatawa sa pagiging formal ni Jackson kaya kinurot siya ni Brie.
 
Lumapat ang tingin ko kay Papa. Wala siyang reaksyon kaya mas lalo akong kinabahan. Paano kapag hindi niya tanggap? Ayaw niya sa mga bilyonaryo.
 
"What if I say no?" Natahimik ang humahagikgik na si Dereck.
 
"I understand that you treasure your daughter a lot, Sir. But I also assure you that I treasure her more than anyone, too." Muntik na akong mapasinghap sasagot ni Jackson.
 
"Tell me, what can you do for my daughter?"
 
Mahinang tumawa si Marvin Calin dahil sa mukha ni Jackson. Nakatitig naman si Macey Calin kay Jackson at mukhang masaya ito sa sinabi ni Jackson. 
 
"I can do everything. I can provide her needs." Namula ang pisngi ko sa sagot niya. Anong needs ba ang binabanggit niya?
 
"And if I don't want you for her?"
 
"I'll find a way to be with her. I'll convince you more..." Lumipat ang tingin ko sa kamay namin magkahawak na.
 
"And if you can't convince me?" Tumikhim si Brie habang nagbabalat para kay Spiro.
 
"Itatanan ko siya."
 
"What the?" Hindi makapaniwalang sambit ni Macey Calin habang mahinang pumalakpak naman si Marvin Calin. Tumatawa naman ang kapatid ko at ang asawa niya.
 
"Very well..."
 
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Papa. Very well? Anong ibig sabihin no'n? Tanggap niya na ang relasyon namin? Nang binalingan ko siya ay umiinom siya ng wine at nagpatuloy na sa pagkain.
 
What the hell? Tanan lang ang sinagot ni Jackson at parang okay na ang lahat? Iyon ba ang susi?
 
"Do you love him, daughter?" Ngayon ang mata nila ay nasakin na. Matalim na ngayong tingin sakin ni Jackson kaya napanguso ako. Bakit pakiramdam ko ay pinipikot niya ako?
 
"Since I was 21, Papa." Deretsyo kong sagot. Mukhang nagulat siya pero ngumisi rin si Papa at kumain ulit. Nang lingunin ko si Jackson ay siya naman itong nakanguso.
 
"Well, you're old enough. I will always support you because I trust you. If you want your relationship with Jackson, then go. I won't be a hindrance for the both of you." Nangilid ang luha ko kaya umiwas agad ako ng tingin.
 
My Papa... He's back. My father who loves me so much. My father who will do anything for me para lang maging masaya ako. My father who is always supporting me.
 
I wiped my tears nang tumakas iyon. Ayokong magdrama sa harap nila.
 
"I want to talk to you outside, Loraine." Tumayo ito. "Excuse me." Tuluyan na itong lumabas ng resto. Nag excuse rin ako at sinundan si Papa. 
 
Nakatalikod ito sakin habang dinadama ang sariwang hangin dito sa Palawan.
 
"Pa..."
 
"I can see and I can feel that you're happy with him; that's why I'm allowing you to have a relationship with him." Napatungo ako.
 
"I'm sorry. I didn't tell you about him when we were in France. I was busy building my own name that time..." Humarap ito sakin. Masuyo ang mga mata niyang nakatingin sakin at hindi na parati ang galit niyang mga mata.
 
"I'm sorry that you have to sacrifice your happiness just to prove yourself to me." Papa's voice were so gentle.
 
Tumango ako habang naiiyak.
 
"I'm sorry, Papa. I-I killed Mama. It's my fault, I know. Kung hindi lang matigas ang ulo ko noon ay hindi sana siya nawala satin." I tried to wipe my tears, but ayaw nitong magpaawat.
 
"Shh," Hinila ako nito at niyakap. "Your mom is at peace now. Stop blaming yourself. Walang may gusto ng pagkawala niya."
 
"I'm sorry, Pa. If I can turn back time, I will obey you and I won't be hardheaded. Nandito pa siguro si Mama."
 
"Nakatakda na talagang mawala ang Mama mo noon, stop blaming yourself." He wiped my tears.
 
"Sa loob ng limang taon, pinatunayan ko ang sarili ko sainyo. I was so sorry. Gusto kong makabawi kahit sa paraan ng pagtulong sa kompanya." He hugged me even more.
 
"You know what? I miss the hardheaded Loraine. The one who's always disobeys me. You kept saying 'Yes, papa.' and 'I will, Papa.' I was waiting for you to be hard headed again. I was waiting for you to comeback." Mas lalo akong naiyak.
 
"I was waiting for you too, Papa. I missed you so much. Sorry for the pain that I caused. I am so sorry." Hinarap niya ako. Inalis niya ang mga luha sa pisngi ko.
 
"I am so proud of you." Nanlabo agad ang paningin ko dahil sa mga luha.
 
Actually, my real goal is to hear these words from Papa and not to be president of our company. Iniisip ko na kapag ginawa niya akong presidente ng kompanya namin ay proud na siya, but no. I don't need to be the president. I just need his words.
 
"I love you so much. I'm so sorry, anak." Maging siya ay naiyak na rin. "I wasn't a good father, I know. I'm so sorry."
 
"No, Papa. You're the best father in the world. I'm lucky to have you. I love you so much..."
 
"Just tell Jackson not to hurt you. You've been in so much pain. Kapag sinaktan ka niya ay hindi na kita ipapakita pa sakanya." Natatawa akong umiyak.
 
I am glad. My father is back.
 
Masaya kaming bumalik sa loob ni Papa. Naabutan kong nakakandong na si Spiro sa Mama ni Jackson at nagpapasubo ng ice cream. Naupo naman ako sa tabi ni Jackson. Napangisi ako nang makita ang nag-aalalang mata ni Jackson. 
 
"What happened?" Tanong nito. 
 
"Pinapasabi ni Papa na kapag daw sinaktan mo 'ko ay..." Bumaba ang tingin ko sa harapan niya. "Puputulin niya 'yan." Napangisi ako nang napalunok siya. Wala namang gano'ng sinabi si Papa. 
 
"Bakit parang nag-aalala ka? May balak ka bang lokohin ako?" Sunod sunod naman siyang umiling. 
 
"I have nothing to worry about. I won't hurt you. I promise." Hinawakan niya ang kamay ko kaya ginaya ko siya. 
 
"Of course. Dahil kung gagawin mo 'yon ay tiyak na putol ang kaligayahan mo." Tumaas ang kilay ko nang ngumisi siya. Anong nginingisi ngisi nito? 
 
"Natin," Pinag-isa niya ang palad namin. "Putol ang kaligayahan natin." Tumawa ako at umiling. He's right. Paano kami no'n? 

LESSURSTORIES 

 
 

Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon