CHAPTER 19

7.9K 155 5
                                    

CHAPTER 19

 
LORAINE 
 

         "LADIES AND GENTLEMEN, welcome to Cebu Pacific Air. Our local time is 2:30 PM and the temperature is 34 °C. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. On behalf of Cebu Pacific Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip, and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"
 
Hindi ko alam kung paano ko nagawang iwan ang kapatid ko sa sitwasyon niya. Kung paano ko naiwan si Jackson. At kung paano ko sinuway si Papa. Nakatulala lang ako sa bintana ng eroplano ngayon. May mga nagbababaan na, pero magpapahuli ako. I don't know where to go at kung paano but I decided to go here in Cebu. Napapikit ako nang maalala ko ang usapan namin ni Papa kagabi. I tried to open my phone at saktong pagtawag niya.
 
"Pa, look, I'm sorry. I wasn't thinking right. And leaving is the best decision for me. I need to unwind. I'm sorry. I'm just stressed at dumagdag pa 'yung nangyari. I am so sorry—" Bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya.
 
["Goddammit, Loraine! What have you done? Hindi mo man lang inisip ang kapakanan ng kapatid mo! Why so selfish? Magmamatigas ka na naman ba, ha?! You really want one of us to die, huh?! Use your damn head, Loraine! Your sister is pregnant, pero binibigyan mo ng sama ng loob! How could you?! You're being a brat—"]
 
"PA!" Napapikit ako sa sariling sigaw. "Why are you so heartless? Alam kong bumabawi ka sa kapatid ko dahil wala ka sa tabi niya for the past years, pero may asawa na siya! May karamay na siya, Papa. Ako, Pa, kahit nand'yan ka, hindi ko maramdaman because you keep blaming me for mama's death kahit na hindi mo sabihin!" Bumuhos ang luha ko. Naalala ko noon nung kami pa ni Jackson na sa tuwing tumatawag si Papa at natatakot ako, he's always there for me.
 
["I am not blaming you, Loraine!"]
 
"Kung gano'n, bakit?! Pakiramdam ko pinipilit mo na lang makisama sakin! Puro mali ko na lang ang nakikita mo, Papa! I'm trying my best not to get jealous of my sister, pero kayo mismo yung nagbibigay ng dahilan para mainggit ako sakanya! She has Dereck and Spiro plus the baby inside her! At ako? Ikaw na lang ang meron ako, Papa!"
 
["You are just thinking that dahil wala kang tiwala sa sarili mo!"]
 
"Paano ako magkakatiwala sa sarili ko kung ang sarili kong ama ay disappointment ang tingin sakin?" Hindi ko mapigilang humikbi. Kinagat ko ang pang ibabang labi dahil natahimik siya. "You keep asking me kung hanggang d'yan lang ba ang kaya ko. You keep saying not to disappoint you so I am trying my best! Pero ano po bang nakikita niyo? Yung mga maling nagagawa ko lang, hindi ba? I know you are mad at me because mama's death was my entire fault. I know, Papa. But I am trying my really best para mabalik tayo sa dati. Para mahalin mo ulit ako. Pa... hindi porket wala ka sa tabi ng kapatid ko ay sakanya ka lang may pagkukulang. I am also looking and begging for your love, Papa. You don't even know that I am in pain... Sobrang sakit na rin po. Let me rest for a while, Papa. I beg. Sa loob ng limang taon na 'yon, I was trying my freaking best to prove myself to you, yet you only see me as disappointment."
 
["I am saying those words for your own good, Loraine. And I am doing this not just for Brie, but for you. Intindihin mo ang kapatid mo. She's pregnant, and she doesn't deserve this pain."]
 
"At ako? Deserve ko? I really hate comparing dahil alam kong talo agad ko sa gan'yang bagay pero ni-minsan ba, naisip niyong nasasaktan niyo na rin ako? I understand the way you treat my sister kasi wala siya satin noon. But you know what? Ang sakit kasi sa loob ng limang taon na magkasama tayo sa France ay hindi ko man lang naramdaman yung pagmamahal mo kay Brie na dapat ay meron din ako. I was working hard at sana nakikita niyo 'yon. And you're saying those words for my own good? Paano nakabuti sakin 'yon? You kept stepping on my confidence, Papa!"
 
["I was just so lonely because your mama died. I love her so much. You visualize her face na nagpapaalala sakin araw araw kung gaano kasakit ang pagkawala niya. That's why I am pushing you away."] Ipit akong umiyak. Alam kong basag basag ang boses ko kanina, pero ayokong marinig niya kung gaano ako nasasaktan.
 
Ilang saglit kaming natahimik. No one wants to talk. Even me. Ngayon na lang kasi kami nakapagusap ng ganito. I smiled bitterly dahil naalala ko noong bata pa ako at nagbabakasyon kami sa Hongkong. Papa is doing his best para maturuan ako sa bike, but I failed at bumagsak pa ako. He kissed my knee dahil namumula iyon. I miss the old times...
 
"I miss the way you love me, Papa. I really miss you. There are times that I am crying secretly and imagining things like you... being proud of me." I ended our call without saying goodbye.
 
I snapped back into really. I saw tears in my eyes. Inalis ko agad 'yon. 
 
Bumaba na rin ako sa eroplano at nag taxi para magpahatid sa hotel. I decided to message Brie dahil baka nag-aalala na 'yon.
 
'I'm sorry. Nasa Cebu ako. I'm fine.'
 
Siguradong sasabihin niya 'yon kay Jackson, so no need to text Jackson. Ihiniga ko ang sarili sa malapad na kama. I don't want to stay in Palawan kahit na doon sa bahay dahil feeling ko pupuntahan ako ni Jackson kahit hindi siya magpakita. Maybe I'll stay here for a while. 
 
Hinayaan ko ang sarili na makatulog. Siguro ay napagod din ako dahil sa biglaang pag alis ko kanina. Bwiset naman kasi. When I woke up, I received a message from Jackson.
 
'You are in Cebu? Take care. I will wait for you. I love you.'
 
Ang lakas maka-good mood ng text niya, kaya natawa at napangiti ako. Gusto kong sapukin ang sarili ko. Hindi deserve ni Jackson 'to! He waited for me! Ako dapat ang naghahabol dito dahil ako ang umalis! Gosh! Pero sa kabilang banda, this is what I want. A space.
 
Muntik ko na maibato ang cellphone ko nang may tumawag. Gusto ko sanang bulyawan itong tumatawag, but I chose not to dahil si Kervin ito at iniwan ko na naman siya. But I guess hindi naman siya masasaktan sa ginawa ko dahil alam ko namang busy siya.
 
"Kervin." Bungad ko.
 
["Hey, where are you?"] I bit my lower lip. I don't need to protect my image from him anyway.
 
"Cebu." Tipid kong sambit. Natigilan naman siya sa isinagot ko. Why? What's the matter?
 
["What are you doing there? I thought you were in Palawan."] Napapikit ako sa tanong niya. Ewan ko ba. Mas gusto kong kausapin ngayon si Jackson kesa may Kervin.
 
"Unwind lang. Still busy?"
 
["Yeah... Are you alone?"]
 
"Yeah, but I am fine. I'm used to it. You should hang up our call now. You're busy, right?" Nagbuga siya ng hangin. Parang medyo masama ang mood niya. Later, he hangs up our call after saying our goodbyes.
 
Napairap ako nang may tumawag na naman. This is one of our employee na mukhang secretary ko na. Ayaw ko na sana sagutin ang tawag niya, but it seems important. She won't call me if this is not important. 
 
"What?" Hindi ko mapigilang taasan ang boses ko. Naiinis ako, and I don't know why! Pwede bang si Jackson na lang ang tumawag sakin at hindi ang mga 'to.
 
["I am sorry, Miss Loraine. Our biggest client as of now wants to talk to you. I am sorry if I disturb you, miss."] Napahilot ako sa sintido.
 
"Why me? Just give this big client to Papa. I'm exhausted and I don't want to talk to anyone." Mariin kong sambit. Sa pagkakaalam ko ay alam naman niya na bakasyon ko ngayon.
 
["Mr. Quenery told me to give this client to you. Please, miss. This client is scarrying me."] Sinipa ko ang kumot na nasa paa ko sa inis. Ano pa ng bang magagawa ko? I have no fucking choice!
 
"Give him the phone!" Utos ko.
 
["Miss Quenery."] Napanguso ako sa tigas at baritonong boses nito. Lalaking lalaki.
 
"Loraine Quenery speaking. How may I help you?" Kahit inis ako sa pangiistorbo nila ay sinubukan ko pa rin magsalita na para bang masaya.
 
["When can I set an appointment?"] Teka, pumunta ba siya sa mismong building namin sa France para lang makipag set ng appointment? Wala bang sekretarya ang isang ito?
 
"Uhm, actually I can't really make it and I can't meet you because I'm in the Philippines. I will set you an appointment with our best staff. She's a good spokeswoman." Narinig ko ang pagsinghap niya.
 
["Where in the Philippines?"] Natigilan ako sa masyado niyang personal na tanong.
 
"Who are you again?" Medyo tinaliman ko ang pananalita ko para magets niyang hindi na 'ko natutuwa sakanya.
 
["Calvin..."] My world just stopped. Hindi pa man ako sigurado ay kinakabahan pa rin ako. ["Calvin Robustelli."] and now, my world has really stopped. Oh. My. Gosh! No way!
 
Wala sa sariling binabaan ko siya ng telepono. I won't answer my secretary's call again! Hindi ko siya kayang kausapin! Hindi ko kayang harapin ang lalaking Calvin na 'yon! Kung hindi ba naman ako isa't kahalating tanga at uto uto ay sana matiwasay akong nabubuhay ngayon! At walang tinataguan! 
 
Calvin Robustelli, my first love, first kiss, and first make out! Ang kaisa-isang lalaki na hinayaan kong magpakilala kay Papa noon, but he got rejected by my father because we were too young at that time! Oh my goodness! At ang... kaisa-isang lalaking pinangakuan kong pakakasalan kapag nasa tamang edad na kami.
 
Napangiwi ako. Pakiramdam ko ay naglilihim ako kay Jackson. Pakiramdam ko ay nagkakasala ako sakanya. Hindi ko nasabi kay Jackson ang about kay Calvin dahil halos hindi ko na rin maalala ang buhay namin noong lalaking iyon. Hinagis ko ang telepono sa kama at inipit ang ulo sa pagitan ng magkabilang kamay ko.
 
It was Friday in the evening when I decided na tumakas sa bahay. It's 10 p.m., and I decided to go home at 2 or 3 a.m. I can't use our car dahil paniguradong lagot ako kay Papa. They're sleeping now kaya malakas ang loob ko na tumakas ngayon. After he rejected my boyfriend, kailangan kong bumawi kay Calvin! May dala akong backpack dahil nandito ang damit na susuotin ko para sa party mamaya sa bar ng kaibigan namin.
 
I pouted my lips. Bakit kasi ang tagal ko mag eighteen? Pagod na ako magsinugaling sa bar para patunayan na hindi ako underage kahit na totoong underage ako 'coz I'm just seventeen. I smirked nang matanaw ko ang kotse ni Calvin. He's handsome and rich, alright? Ano pa nga bang maihihiling ko? I am beautiful and rich din kaya bagay talaga kami.
 
"Hey, hon." I kissed his cheek. 
 
"I knew it, you can really make it." Saglit niya akong hinalikan bago nagmaneho. Nag-ayos naman ako para magmukhang eighteen. Although, mukha akong eighteen dahil sa katawan kong makurba ay kailangan ko pa rin ng makapal na makeup.
 
"Where can I change my clothes?" Pabebe kong tanong.
 
"Here." Ngumisi ito kaya napangisi din ako at umiling. I tried my best para lang makapunta sa backseat nang hindi lumalabas sa sasakyan. And then I changed my clothes. "What time will we go home?"
 
"Hmm. 3 am?"
 
"Sure."
 
That wasn't the first time that I got really drunk. I just found myself at a round table. They are making fun of me dahil masyado akong lasing. Nakaakbay naman si Calvin sakin. Hinahalikan niya ang pisngi ko kaya natatawa ako dahil sa kiliti. 
 
"Loraine! It's your turn!" Kahit inaantok ang mga mata ko ay tinignan ko ang lamesa. Nakaturo sakin ang bote.
 
"What should I do?" Sabay sabay silang tumingin kay Calvin.
 
"Promise me..."
 
"I promise..." Kahit na hindi ko pa rin alam.
 
"Promise me that I will be the one who will be your groom when the right time comes..." Tumango ako. "Promise me."
 
"I promise. I will marry you."
 
"Good. Let's go home."
 
OH MY GOD! That's the exact word for what happened! Bakit ba kasi kailangan niyang magparamdam ulit? Sa pagkakaalam ko ay nineteen na ako nang magbreak kami. He wants us to live in, but I just couldn't. Months ago, I saw him kissing our friend! What a shame! That's why we broke up at ngayon babalik siya? 
 
I am perfectly content with Jackson. Kukuha lang ako ng tyempo para sabihin sakanyang kami na ulit. Hindi na kailangan ng ligaw dahil doon din naman hahantong iyon. Ano pa bang ipagpapabebe ko? I gave him all I had!
 
At hindi ako natutuwa sa Calvin na 'yon. Why do I have this feeling na papagitan siya samin ni Jackson? 
 

LESSURSTORIES
 

Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon