CHAPTER 47
LORAINE
"Ma'am, Sir, dito po ang daan. Dahan-dahan lang po dahil medyo madulas itong kahoy. Kapit po kayong mabuti." Napangiwi ako sa sinabi ng tour guide sa amin habang pasakay kami sa medyo may kalakihan na bangka.
This is our second day here in Palawan, and now, naglilibot kaming dalawa at balak pa naming pumunta sa isa sa white sand beach. Ewan ko ba rito kay Jackson. Gusto lang pala ng kasama mamasyal, sana sinama niya na lang ang mga pinsan niya.
"Careful," sambit niya sa likod ko habang inaalalayan ako pasakay sa bangka.
"I know." I rolled my eyes.
Anong akala niya sa akin? Walang alam sa mga ganitong bagay? Of course, may alam ako! Duh! Hindi niya na kailangang pagsabihan ako.
Nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa harap ko at nauna siyang makasakay sa bangka! Huh! So ungentleman. Dapat ay nasa likod ko siya since I am wearing my backless one-piece and maong shorts! Dapat ay tinatakpan niya ang likod ko sa mga turista sa likod namin.
"Come here." Kumunot ang noo ko.
"What—" Bigla niya akong binuhat at sa isang iglap lang ay nakasakay na ako sa bangka at nakaupo katabi niya. "Why did you do that?!" I asked.
"You're so slow. Kanina pa naiinip ang mga tao sa likod mo."
Inirapan ko siya.
Wala sa sariling nalipat ko ang tingin sa isang turista ding nandito. He's familiar. Nasa malayong banda siya kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha niya, but he's with someone.
"Who are you looking at?" biglang tanong ni Jackson.
"Someone looks familiar." Nagkibit-balikat ako habang patuloy na pinagmamasdan ang lalaking 'yon na may kasamang babae. I think nakita ko na sila.
"He's with someone?" Kunot-noo kong tinignan si Jackson na nakatingin din sa tinitignan ko.
"You know him?" I asked.
"Why are you so curious?" Tumaas ang kilay niya.
"So? Bawal ba?"
"He looks married." He said.
I crossed my arms. "I don't care." I flipped my hair. As if naman may balak akong jowain ang lalaking nasa dulo.
"What do you mean?" kunot-noo niyang tanong kaya napasimangot ako.
"Wala!" Nilingon ko ang kulay blue na dagat.
This is heaven! Sobrang ganda! Next time ay dadalhin ko sina Keinna at Klaus dito para makapag-enjoy sila.
"Can you keep this for a while?" Tinignan ko ang inabot niya sa akin. An extra shirt, towel, and phone. What the hell?
"Wala ka bang bag?" Irap lo sakanya.
Nagkibit-balikat lang ito. Labag sa loob kong sinalpak ang gamit niya sa transparent bag ko. "Magdala ka nga ng bag next time."
"Next time?" Umangat ang sulok ng labi niya.
"Maybe." Hindi na siya nagsalita after no'n. Tumagal ng ten minutes ang biyahe namin papunta sa isang sobrang gandang white sand!
"Ingat po. Babalik na po tayo before seven," sabi ng guide. Nauna na namang bumaba si Jackson.
"Come here," I bit my lower lip nang makita kong may dalawang matanda ang nakangiti sa amin. "Up." Kinarga niya ako!
"T-thanks." Napakamot ako nang makalapag na ako ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/238616845-288-k469568.jpg)
BINABASA MO ANG
Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]
Romance"Keep chasing your dreams while I keep chasing you." - Jackson Calin Loraine Quenery was chasing her dreams and that's making his father proud and to be the President of Quenery Jewelers plus to find her long lost sister. Jackson Calin was her boyfr...