Prologue

233 19 4
                                    


Ito na siguro ang huling sulyap ko sa mundo. Ayaw ko na, hindi ko na kaya. Mas mabuting hindi ko nalang ipagpatuloy ang buhay na ito kaysa sa araw-araw akong mamuhay ng puro sakit ang binabato ng mundo.

Tama na, nakakasawa na magpatuloy na magpanggap na lagi lang akong masaya. Nakakasawa ng magpanggap na ayos lang ang lahat kahit hindi naman talaga. Nakakasawa ng laging mag isa. Kailan at paano ba matatapos ang lahat ng to?

"Cheers!!," sigaw ko sa napakaingay na lugar na ito. May party ngayon ang pamilya namin dito sa isang resort dahil birthday ng paboritong apo ni Lola,este paborito pala ng lahat.Hindi nga lang ako yung paborito.

"Lasing kana ata Sheila!," pasigaw na sabi ni Lea sa akin dahil sobrang ingay na talaga ng paligid.

That's what I want, to feel a temporary happiness. If I can, I want to stop this time to be happy even in a little bit of. Please!

May kantahan sa kabila tapos may inuman naman sa kabilang lamesa.Ang saya no?. Hindi naman talaga ito ang gusto ko, pero ito yung makakatulong sa akin para kalimutan ang problema.

"Hindi pa ako lasing, kaya ko pa!," pagkukunyare kong masaya sa harap ni Lea.

Si Lea lang ang malapit Kong kaibigan dito sa pamilya namin. As in siya lang ang tanging ka close ko dito. Kahit nga mag lasing ako ng mag lasing dito, wala namang pake yung mga taong nakapaligid sa akin kahit kadugo ko sila. No one cares!

"Matulog kana. Matulog na tayo sa kwartong pina-reserve natin,"paanyaya niya sa akin sabay hawak sa braso ko. Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha ni Lea pero hindi ko na iniisip yun.

" Mauna kana Lea.Pupunta lang ako don sa tabing dagat para mahimasmasan ako. Promise, ayos lang ako kaya wag ka mag alaala!, "sabi ko kay Lea na nag aalala parin ang mukha ngayon para sa akin.

Matagal bago siya naka-sagot. Parang may nararamdaman siyang kakaiba sa akin kaya ayaw niyang umalis sa tabi ko. Thankyou, Lea.

" Basta bilisan molang. Siguraduhin mong maayos kalang talaga dahil Kung hindi ay sasamahan na kita!, "malakas na boses ni Lea. Ngumiti nalang ako para maalis ang takot at pag aalala niya sa akin. Ngumiti siya sa akin pabalik bago umalis.

" Ayos lang ako,"mahinahon kong bulong sa sarili bago ako tumalikod ng mabilis dahil agad ng tumulo ang luha ko.

Agad akong tumakbo sa tabing dagat pero syempre, kumuha uli ako ng isang maiinom bago nilaklak lahat yun. At dun, naramdaman ko agad ang malamig na hangin at katahimikan. Ito talaga yung gusto ko, mapag isa.

Pakiramdam ko ang laya ko ngayong gabi dahil ako lang mismo ang nandito. Ako lang mag isa, malayo sa mga taong puro pagkakamali ko ang nakikita, malayo sa problema at malayo sa pagpapanggap. Siguro dito ko nalang iiiyak ang lahat.

" Ayaw ko na sa mundo!!," sigaw ko sa pinakamalakas ko ng boses habang sinasalubong ang malamig na hangin.

Sabi nga ng iba, ayos lang na mapaos kung lahat naman ng problema mo ay mawawala din dahil sa sigaw mo. Pero hindi eh... dahil kahit ilang sigaw pa ata ang gawin ko at paos ko, hindi naman mawawala yung problema ko, yung mga problema ko.

"Anong ibig mong sabihin?," boses ng isang lalaki sa likuran ko. Paglingon ko ay nginitian ko siya na parang baliw. Wala akong pake Kung sino tong lalaking to. Basta ang mahalaga, hindi ko siya kilala at hindi din niya ako kilala. I want to talk to strangers. No judgement dahil hindi naman niya ako kilala. Its okay!

"Pagod na ako. Ang sakit ng nararamdaman ko.Baka hindi talaga ako para dito sa mundong to," umiiyak kong kadramahan sa lalaking to.

By the way, naalala ko na naman ang salitang 'drama'. Iyon ang isa sa masasakit na salitang narinig ko, yung masabihan akong ang drama drama ko daw. Hey!! hindi ninyo alam ang nararamdaman ko. Wala kayong alam sa nararamdaman ko. Hindi kayo ako.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon