Chapter 14:We Are The Winner In The Game, Beloved

16 1 0
                                    


Cedrick's POV
Pag dating ng hapon ay umalis na ako sa resort at pumunta sa school nina Krizza.

"Tagal naman ng babaeng yun!," bulong ko sa sarili.

Pinagmasdan ko nalang muna ang paligid. May kanya kanyang kwentuhan ang bawat grupong nagsisilabasan sa gate.

"Hi Cedrick!," bati ng isang babae sa akin.Nagulat ako sa presensya ng babaeng to. I know her. Jane ata ang pangalan nito. Kaibigan ba talaga siya ni Krizza, ang maingay na babaeng yun? Ngumiti nalang ako dito.

"Cedrick!," sigaw ni Krizza habang papalapit sa akin.

Sobrang saya ata ng babaeng ito ngayon.Kaninang umaga, sobrang bad trip niya pero ngayon, parang nanalo sa lotto Kung  makasaya.Sabagay, gusto Kong masaya siya.

Anong meron? Tumakbo siya ng mabilis papunta sa akin at nabigla ako nung niyakap niya ako.

"Anong nangyare sa iyo?," tanong ko agad dahil kakaiba ang mood niya.

"May magandang balita ako!," masaya niyang sigaw. Napangiti ako dahil ang saya niya. Sana lagi siyang masaya.

Agad siyang pumasok sa kotse kaya sumunod na lang ako.

"Ano ang magandang balita?, para makapag celebrate tayo!," nasisiyahan Kong tanong sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim.Ano bang nangyayare sa babaeng to?

"Bibigyan ako ng award bukas dahil kabilang ako sa isang organization sa school namin. Tapos, nagbubunga na ang pag aaral ko gabi gabi dahil ang taas daw ng grades ko! Atsaka, ayos na kami ni Karylle!," masayang nasaya niyang kwento.

Para siyang bata na nakatanggap ng ice cream sa sobrang saya.Pinagmasdan ko lang siya. Ang cute niya mag kwento, may action pa talaga.Kulang nalang ay tumalsik yung mga laway niya, HAHA.

" So, anong gusto mo? Anong gusto mong ibigay ko sa iyo?, "natutuwa Kong tanong sa kanya.

Para akong Tatay na nag tatanong sa anak para sa reward nito sa school, hahaha.

" Gusto ko ng chuckie kahit isa lang!, "sigaw niya habang nasa byahe kami.

Pinatugtog ko ang radio at unang narinig ko ang kantang'I Love You 3000 by Stephanie Poetri. Nilkasan ko ang volume habang pinapanood ang mukha ni Krizza na sobrang saya.

Dumaan kami sa isang tindahan.Ako lang ang bumaba sa kotse dahil mahimbing na palang natutulog si Krizza sa kotse. Kwento pa ako ng kwento kanina, wala na pala akong kausap, haysst.

Bumili ako ng isang kahong chuckie dahil alam kong favorite to ng babaeng yun.

"Siguradong matutuwa ang babaeng to sa regalo ko," masaya Kong bulong sa sarili. Nag drive na uli ako papunta sa bahay nina Krizza. Ginising ko nalang siya nung Nakarating na kami.

"Chuckie Girl! Gising na! Andito na tayo sa inyo!," gising ko sa kanya dahil sobrang himbing ng tulog niya.Pati mga notebook na nasa bag niya kanina ay nagpatakan na.

"Andito na pala tayo! Ohmygod!!! Totoo ba to? Para ba talaga sa akin to??," masayang masaya niyang sigaw.Sana all nagising ng  ganitong ka hyper.

"Oo, para yan sa iyo," sagot ko sabay sandal sa gilid ng kotse.

Kung pagmamasdan ang mukha niya, para siyang nakatanggap ng isang milyon sa tuwa. Marunong talaga siya maka  appreciate ng mga bagay bagay, yun ang nagustuhan ko sa kanya.

"Akin lang to ha! Wag kang hihingi!," pagmamadamot nito pero alam Kong nagbibiro lang naman siya.

Agad siyang nagbihis ng isang short at t shirt dahil pupunta daw siya kina Karylle.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon