Krizza's POV
Gabi na at nandito ako, nakaupo sa buhangin.Pinapanood ko lang si Cedrick na nakikipag usap sa mga trabahador dito sa resort nila.
Naka ngiti ang lahat sa kanya palibhasa ay sobrang bait niyang manager. Nagsisigawan pa sila, parang may gaganapin atang event dito sa resort.
"Sir, kailan naman po balak ninyo ikasal para makapag celebrate po tayo?," sigaw ng isang lalaking hindi medyo katangkadan pero sobra naman sa ka cute-tan. Parang bata pa ata ito kung titingnan.
"Yieee,excited na kami!," sigaw ng mga trabahador niya.Sobrang saya nilang lahat.
Ngumiti si Cedrick at tumingin sa akin kaya nagtinginan din ang lahat sa akin din. Sobrang hiya ko naman. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi.
"Si Maam Krizza pala sir ha!," sigaw ng isa. Malayo naman ako sa kanila pero hiyang hiya parin ako.
"Tama na yan, tapos na ang meeting. Back to work na. Wag kayo masyadong magpakapagod ha!," paalala ni Cedrick sa mga trabahador nila bago siya umalis sa harap ng mga trabahador nila.
Papalapit na sana sa akin si Cedrick pero nagsilapitan pa ang mga naggagandahang babae sa kanya na naligo sa dagat. Naka swim wear silang lahat.
Napangibit si Cedrick. Utas na ako ng kakatawa sa kanya mula dito sa malayo hahahaha.
"Sir, may girlfriend ka na ba?"
"Ang gwapo mo naman"
"Pwedeng pa picture?"
Palibot ng mga babae sa kanya.Tumingin sa akin si Cedrick na parang nangangailangan ng tulong. Naawa naman ako kanya kaya inayos ko ang sarili ko.
Hinubad ko ang dress ko kaya naka short at sports bra nalang ako ngayon. Inalis ko ang puyod ko at lumapit sa kanila.
"Excuse me po!," parang senyorita kong sigaw. Nagtinginan sila sa akin at tumabi. Napatulala si Cedrick.. Anong tinitingin tingin mo diyan? Gusto mo? Luh asa ka!
Chaarot.."Girls, this is my girlfriend. Her name is Krizza," malambing na wika ni Cedrick sabay hawak sa bewang ko. Napatawa pa ako dahil may kiliti ako don. Haysst.
Nag alisan ang mga babae at kitang kita sa mga mukha nila ang inggit at nagbulungan pa sila. Siguro ako na naman ang ichichismis ng mga to. Sanay na ako!
"Ang swerte naman ng Krizza na iyon!," usapan ng mga babaeng yun. Huminga ng maluwag si Cedrick. Nailang ako dahil hindi pa niya inaalis ang kamay niya sa bewang ko kaya tawa ako ng tawa. Bwisit na kiliti to!
"Salamat sa tulong. Mag dress ka na uli. Malamig ha!," saway niya sa akin. Naiwanan ko nga pala ang dress ko sa malayo kaya tumakbo agad ako para kuhanin yun. Pinagtawanan lang ako ng lalaking to.
Kainis!
"Cedrick, gabi na. Uuwi na ako," bulong ko sa kanya. Andito kami ngayon at nakaupo na sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan malapit sa kubo na kinainan namin.
Lahat pala ng kung anong meron sa Resort ay kanila talaga. Wow!!!
"Ihahatid na kita. Gabi na nga," sabi niya sabay tayo.
"Wag na. Sasakay nalang ako sa tricycle. Nakakahiya na sayo. Atsaka marami ka pa atang dapat gawin dito sa resort. Kaya ko na ang sarili ko. Diba, strong ako?!," masigla kong wika.
Ngumiti siya sa akin.
"Marami nga akong gagawin pero hindi ko hahayaang mapahamak ka. May trabahador akong lalaki na driver. Mapagkakatiwalaan ko yun kaya ipahahatid kita sa kanya. Okay?," para akong bata na pinagsasabihan niya.
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...