Chapter 2:Still Alone

54 9 2
                                    


Cedrick's POV
Habang nasa byahe kami ay gumagawa ako ng paraan para mabilis kaming makarating sa Airport.

Sinulyapan ko si Krizza na may ginagawa sa cellphone niya. Alam kong mabigat parin ang nararamdaman niya.Wala manlang siyang imik. Nakita ko pang umiiyak siya habang may ginagawa sa cellphone niya.

"Anong ginagawa mo?," mahina kong tanong sa kanya habang nagdadrive.

"Tatawagan ko sina Mama at Papa. Sa totoo lang, kahit hindi pa sila nakakaalis, miss na miss ko na agad sila.Nagtampo lang naman ako dahil bakit kailangan pa nilang umalis? Pwede namang dito nalang sila ah!?," parang siyang bata na nagsusumbong tapos iiyak. Naaawa ako sa kanya.

" Wag kang mag alala, dadalian na natin para maabutan natin sila. Tumahan kana, nahihirapan ako sa iyo eh. Ayaw kong may nakikita akong babaeng umiiyak,"seryoso kong tono.

Iba kase yung feel pag may nakikita kang babae na umiiyak. Parang hindi ako mapakali dahil mas nasasaktan din ako.

Hindi nagtagal ay nakarating kami. Sobrang bilis ni Krizza tumakbo kaya hinabol ko pa siya.Kung makatakbo siya ay para siyang hinahabol ng tatlong aso.Inintindi ko parin siya. Alam ko namang sabik na niyang makita ang mga magulang niya.

Sobrang mapagmahal niyang babae. Ramdam ko agad yun dun palang kagabi. Nai kwento niya na broken hearted siya.Sino namang gagong lalaki ang gumawa sa kaniya nun?

Napangiti nalang ako nung makita ko si Krizza na yakap yakap na niya ng maghigpit ang Papa niya. Nagyayakapan silang tatlo.

Krizza's POV
" Papa, ingat kayo doon ha! Mahal ko kayo!," iyak ko kay Papa habang yakap siya.

Parang ayaw ko ng umalis sa pag kaka yakap sa kanila. Ito talaga yung comfort zone ko eh, yung yakap mula sa mga magulang ko.

"Mahal kita,"yun nalang ang nasabi ni Papa dahil naiiyak din siya.

Ito yung first time kong makita si Papa na umiiyak. Strikto kase si Papa pero alam kong ginagawa niya lang yon para protektahan ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganto.

Sa pagyayakapan namin ay biglang dumating si Cedrick sa likod ko kaya nasa kanya na ang tingin nina Mama at Papa.Hingal na hingal siya pero nagawa parin niyang ngumiti sa mga magulang ko.

"Krizza, sino tong kasama mo? Yan ba si James, yung boyfriend mo na pinakilala mo sa amin dati? Bakit parang nagbago ata ang mukha? ," nagtatakang tanong ni Papa. Nahiya naman ako bigla.

"Papa, hindi siya si James. Best friend ko nga po pala," pa-kilala ko  kay Cedrick kina Mama at Papa. Nagmano  si Cedrick kina Mama at Papa kaya napangiti ang mga magulang ko.

Kahit kailan kase ay hindi nakapag mano si James sa kanila.

"Nasan si James?," tanong ni Mama na nakapag pabago ng emosyon ko.

"May ginagawa daw pong mahalaga kaya hindi siya nakasama," palusot ko kina Mama at Papa. Tumingin ng matulin sa akin si Cedrick pero hindi ko nalang pinansin iyon.

"Pano ba yan, mauuna na kami. Anak, ingat ka. Ingatan mo ang sarili mo dahil dalaga kana. Delikado sa daan lalo na sa gabi kaya wag ng lalabas. Mahal kita," paalala ni Mama. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ko naman siya.

Ang galing talaga ng mga magulang natin. Hindi sila naubusan ng sermon sa atin.Sermon na ang hatid ay aral. Dati, naiiyamot ako sa mga sermon nila pero habang tumatagal, gusto ko na ang mga sermon nila dahil dun ako natututo.

"Pakibantayan din itong anak ko ha,"biglaang sabi ni Papa kay Cedrick.Agad ngumiti si Cedrick.

" Wag po kayong mag alala, ako po bahala sa prinsesa ninyo, "magalang na sagot ni Cedrick sabay ngiti na naman niya.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon