Chapter 15:I Don't Want To Go Back

18 1 0
                                    


Krizza's POV
Naghuhugas lang ako ng pinggan ngayong umaga habang si Cedrick ay nasa salas.

5:00 pa lang naman ng umaga, Madilim pa sa labas at tahimik ang buong paligid.

"Opo Tita. Ako po bahala sa kanya. Sige po, ingat po kayo palagi diyan!," rinig ko mula sa salas.

Hinugasan ko ang kamay ko at sumilip sa salas. Sino ang kausap ng lalaking to?

"Hoy! Sinong kausap mo?," gitla ko kay Cedrick na nakaupo sa sofa.

"Tinawagan ko ang Mama at Papa mo. Pinagpaalam na kita," sabi niya habang nakatingin lang siya sa cellphone niya.

"Pinagpaalam saan?!," nagtataka Kong tanong.

Wala naman akong na aalala na may pupuntahan kami o magmamatakaw kami.

"Magkakaroon ng beauty pageant mismo sa resort. Yun ang pinaghahandaan namin. At syempre, gusto Kong sumali ka!," masaya niyang balita.

Tumalon talon ako sa saya. Tumayo siya at bigla ko siyang nayakap dahil sa sobrang saya.

I want beauty pageant talaga since bata palang ako.

"Yehey!!! Sasali talaga ako!!," sigaw ko sabay ikot ikot. Muntikan pa akong mauntog.

"Sigiradong panalo ka na doon!," natatawang sabi ni Cedrick. Hinampas ko siya.

"Madaya yun! Baka naman ikaw ang judge at ang mga magulang mo! Edi panalo na nga ako?!," natatawa Kong sabi sa kanya sabay tabi sa sofa.

"Oo!," proud niyang sigaw.

"Hindi pwede yun! Loko Loko ka ba? Hindi na ako Sasali Kung ganon! Madaya yon!," sigaw ko sabay hampas sa kanya ng unan.

"Hindi kami ang judges. Mga taga ibang Lugar. Pero alam Kong ikaw na din talaga ang mananalo don," naka ngiti niyang sabi sa akin.

"Paano mo naman nasabi na panalo na agad ako?," tanong ko sa kanya na may ngiting hindi maalis alis sa labi ko.

"Kase napaka confident mo. Naniniwala akong kaya mo yun. Kung kakabahan ka sa pageant, sa akin ka nalang tumingin. Total, wala ka namang hiya pag ako ang nakikita mo!," natatawa niyang sabi.

Binatukan ko siya dahil sa sinabi niyang wala akong hiya pag kasama at nakikita ko siya.... Pero parang totoo naman nga, hahaha.

" Diyan ka muna, maliligo at kakain na ako para maihatid mo na ako!, "senyorita Kong sabi sa kanya.

" Okay, senyorita!, "natatawa niyang saad sabay hampas din sa akin ng unan. Bwisit!

Nang maihatid na nga niya ako sa school ay nag usap muna kami sa kotse bago ako pumasok sa Gate.

Nakasanayan na namin na mag usap ng matagal sa kotse bago ako pumasok sa Gate ng school.

" Sa Sabado ang pageant. Sabado ng gabi. Kaya ikaw, wag ka masyadong magpuyat para fresh ka lagi, "paalala niya sa akin.

Para siyang bakla hahaha.

Nakangiti lang akong nakikinig sa kanya. Favorite ko talaga ang mga ganitong contest lalo na at May taga cheer.

" Okay, thankyou sa pag hatid!, "masaya Kong paalam sa kanya at umalis na sa kotse.

" Wait lang!, "sigaw niya kaya napalingon ako sa kanya.Nauntog pa ako sa paglingon ko. Grr.. Kahiya sa mga nakakita.

" Bakit? Na miss mo na agad ako?, "biro ko. Ito yung mga line niya eh hahaha,ginaya ko lang. Tumawa lang siya.

" Ngayon ang awarding diba? Sinong kasama mo sa stage pag tinawag ka para bigyan ng award?, "tanong niya.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon