"Iyo nalang tong strawberry cake. Kahit ubusin mo, ayos lang sakin,"nakangiting abot sakin ni Cedrick ng cake niya na bigay ni Ate Steph sa kanya.
Wait lang, nasan na nga pala si Ate Steph?
"Hindi ako kumakain ng Ganyan," sagot ko sa kanya sabay tingin sa paligid dahil hinahanap ko si Ate Steph.
"Cedrick!!!,"isang malakas na sigaw mula sa likudan ko.
Nakita ko si Ate Steph na niyakap si Cedrick at nakipag beso pa. Ngumiti ako dito at ngumiti din naman siya na may pagka bigla.
"Thankyou nga pala ulit dito sa cake ha," pasasalamat ni Cedrick kay Ate Steph na ngingiti ngiti.Ngayon ko lang nakita si Ate Steph na ganito ngumiti.
"Oo naman! Alam Kong favorite mo yan kaya iyan ang binili ko. Naaalala ko pa ng ayaw mo ng chocolate cake!Alm ko yun! ," sagot ni Ate Steph na kitang kitang close talaga sila. Kelan pa? Sobrang komportable nila sa isat isa. Para silang mag childhood friend.
Hindi ko alam na strawberry cake pala talaga ang gusto ni Cedrick. Sorry naman.
"Hindi mo pa pala nakakalimutan yun," matamis na ngiti ni Cedrick.
Tumingin sa akin si Cedrick kaya nanlaki ang mga mata ko. Bakit sa akin siya nating in eh hindi naman ako si Ate Steph?
"Sorry nga pala Kung hindi na tayo nakapag usap nung birthday ni Karylle,"saad ni Cedrick sabay tingin kay Ate Steph na kay Cedrick lang nakatingin.
"So close pala kayo ng pinsan Kong to? Hindi ako maka paniwala. Kayo na bang dalwa? Bakit Di mo sinasabi sakin Cedrick?Bakit Di ko sinabi sakin na may bago ka na pala?," hindi ko alam Kung nagbibiro ba ang tono ni Ate Steph o ano.
Bago? Naging sila ba noon? Akal ko ba ay ayaw ni Cedrick mag mahal? Ang gulo naman!Ano kaya kapag kasinungalingan ang lahat?
"Ahmm.... Kaibigan ko tong iyakin mong pinsan," awkward na sabi ni Cedrick sabay akbay sakin at si Ate Steph lang ang tumawa.
"Diyan din tayo nagsimula eh!, sa pagkakaibigan. Nadala moko sa mga sermon mo hahahah. Naalala ko lang. Pasensya na," malakas na boses ni Ate Steph sabay seryoso sa dulo.
Hindi ko alam Kung ano ang dapat Kong sabihin o gawin. Basta nakikinig nalang ako sa usapan nila.
"So, anong plano ninyo?," dagdag pa ni Ate Steph. Wlaa kaseng umimik sa amin ni Cedrick
"Ha? Ah! Nag plano namin ni Krizza, magmu movie marathon kami and then magko coffee sa," Hindi natapos ang sasabihin ni Cedrick dahil agad na nagsalita din si Ate Steph
"Sa coffee shop na favorite nating puntahan?," excited na tanong ni Steph kay Cedrick.
So, close na close na pala talaga sila dati. Ang dami siguro nilang memories. Bakit naman sila nagkahiwalay?
"Hindi eh. Ibang coffee shop yung pinunpuntahan natin," sagot ni Cedrick.
Tumango nalang si Ate Steph. Naging tahimik kaming tatlo nang bigla ng naghubad si Ate Steph. Kahit ako ay Nabigla. Ang ganda talaga ng katwana niya. Syempre, model!
"Cedrick! Ligo tayo! Namiss ko lumngoy kasama ka!," hitak ni Ate Steph kay Cedrick na natigilan saglit.
"Krizza, Tara!," yakag sa akin ni Cedrick habang nagpapahitak kay Ate Steph.
Hindi ko alam itong nararamdaman ko. Hindi ako nakapag Salita. Tumalikod ako at hinayaan silang dalwa. Hindi ko manlang nagawa na sagutin si Cedrick sa tawag sa akin. Nawala ako sa mood.
"Alone again and again!," sigaw ko sa kawalan. Kairita!!
Naramdaman ko na naman ang pag iisa. Pag iisa na nakakalimutan ko na kase may taong nagpasanay sakin na kasama ko siya. Pero ito, ako nalang muli mag isa kase bumalik yung dating tao na nakasanayan naman ng nakasanayan ko.
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...