Krizza's POV
Sobrang aga ko gumising dahil may pasok pa. Kahit medyo masakit ang pakiramdam ko ay agad akong nagluto ng ham. Yung ham na dala-dala ni Cedrick.Habang nagluluto ay nagpapainit naman ako ng tubig na gagamitin ko para panligo.
Ito na ata talaga ang araw araw kong routine. Gigising ng maaga para magprito ng ulam, papasok sa school,babalik uli sa bahay tapos stay lang sa bahay, haysst haybuhay!
Pero syempre, dahil galante tong kaibigan kong si Cedrick, na experience ko yung mga bagay na gusto kong maranasan.
"Goodmorning,"malambing na sulpot ni Cedrick pag pasok palang sa kusina.
Buti nalang at hindi niya ako ginulat dahil kung ginawa niya iyon, baka naibuhos ko na sa kanya itong.......... Ham. Alangan namang mainit na tubig ang ibuhos ko sa kanya, lagot ako sa magulang niya,HHAHA.
" Hello, Goodmorning!, "parang bati na kami kung mag usap. Parang hindi kami nag away kagabi ah!
" Ako na ang magluluto diyan, maligo kana.Dalian mo ha!, "sabay kuha niya ng sandok na hawak ko. Agad nga akong naligo at nagbihis.
" Bakit ba parang sobrang aga mo ako ihahatid?,"taka ko sa kanya.
" Basta, bilisan mo na!, "pilit pa niya. Sabay kaming kumain ng umagahan.
Pag sakay ko sa kotse ay nag madali ding pumasok si Cedrick at agad na pinaandar ang kotse. Hindi ko alam kung bakit siya nagmamadali.May humahabol ba sa kanyang pinagkakautangan? Malabo ata yun! Sa yaman ng mga ito!
" Bakit ba nagmamadali ka ha? Pag tayo ay naaksidente, lagot ka sa mga magulang ko!," biro ko sa kanya.
"Atleast mag kasama tayo kahit sa kamatayan. Bakit, takot ka bang mamatay?," natatawang sabi sabay tanong ni Cedrick.
"Hindi ako takot mamatay,"sakrastiko kong sagot.Kung hindi nga ako sinagip ni Cedrick,, baka patay na ako ngayon.
" Ako, sobrang takot na takot ako. Buti ka pa hindi, "seryoso niyang saad kaya na-bigla ako. Sobrang seryoso niya?
Hindi talaga bagay sa kanya ang seryoso.
" Bakit ka naman natatakot?, "sabay tingin ko sa labas ng kotse dahil medyo seryoso na ang pinag uusapan namin.
Ang napapansin ko, pag si Cedrick ang kasama ko, real talk na real talk talaga kami lagi. Alam mo yung feel na kahit anong itanong at sabihin namin sa isat isa, ayos lang dahil we understand each other.
" Pag namatay ako, wala ng iintindi sa mga kadramahan mo! Pag nawala ako, wala ka ng mapagtitripan. Pag nawala ako, wala ng manlilibre sa iyo!, "sabi niya kaya napatitig ako sa kanya pero narealize ko na bakit siya ganito?
Hindi tuloy ako mapakali sa sinabi niya. Cedrick lang malakas! Siya yung taong nalalabasan ko ng lahat ng kadramahan ko sa buhay.
" Hindi naman ako papayag na mawala ka. Siguro patay na din ako ngayon kung hindi mo ako tinulungan. Your one of the best gift I ever received from God.,"nakangiti kong saad sa kanya kaya ngumiti din siya sa akin.Gusto kong pagaanin ang nararamdaman niya. Mukhang seryoso eh!
" Ang totoo,iniiwasan ko ang pinsan mong si Karylle kaya maaga tayo ngayon. Hindi kase tumigil tigil sa pangungilit ang pinsan mo!, "naiirita niyang sambit. Napatawa ako sa sinabi niya. Baliw!
Bakit nagpunta sa usapan tungkol kay Karylle? Hahah.
Ganun na nga ang nangyare sa loob ng limang araw.
Hinahatid at sundo niya ako sa school.
Sinasama niya ako sa resort nila para magmeryenda tuwing labasan sa school.
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...