Krizza's POVAng sayang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko maipaliwanag. Naiyak nalang ako sa harap ng madaming tao dito at hindi ko mapigilang yakapin si Cedrick.
"Para sayo ang lahat NG to. Deserve mo ang pasayahin at hindi ako mapapagod na iparamdam sayo ang saya. Mahal kita, Krizza," malambing na sabi ni Cedrick kaya lalo akong umiyak.
Parang nag flashback lahat ng naranasan namin ni Cedrick together. Natatakot ako na what if dumating yung araw na ang lalaking nasa harap ko ngayon at yakap yakap ko ay mawala?
"Nakakaiyak naman! Bakit may ganito kang surprise? Atsaka bakit ang daming tao dito?," tanong ko sa kanya Habang naiiyak sa saya. Ngumiti siya akin at hinalikan ang noo ko.
"Krizza,.. This is my promise ring for you. Pinapangako ko na hindi kita hahayaang iwanan mag isa kaya sa bawat araw, nagpapalakas ako para sayo. Itong singsing na to ang simbolo ng pagmamahal ko.Kung mawala man ako, Pagmasdan mo lang ang singsing na to para maramdaman mong kasama mo ako kahit wala ako sa tabi mo. Mahal kita Habang buhay, "seryosong sabi ni Cedrick Habang nakatingin sa mata ko at lumuhod sa harapan ko.
Ito yung dream ng mga babae na deserve maramdaman ng lahat. Ni hindi ko ata to nararamdaman at naranasan nung kami pa ni James. Ibang iba si Cedrick. Kaka iba siya.
I hope na sana lahat ng babaeng katulad ko ay Mkakahanap ng ganitong lalaki na para sa kanila.
Nakatulala lang ako sa kanya. Totoo ba lahat NG to?
" Cedrick, oo!!Pinapangako ko din sayo na hindi ako mawawala sa tabi mo! Tinatanggap ko ang promise ring basta ikaw! Ikaw lang ang gusto! Wala ng iba!,"naiyak Kong sagot sa kanya at sinuot niya ang ring sa daliri ko.
Tinayo ko siya at niyakap siya ng sobrang higpit. Hindi matigil ang iyak ko dahil sa sobrang saya.
" Mahal kita, "bulong ni Cedrick at halik sa buhok ko.
" Bakit mo sinasabi na hindi ka magtatagal? Wag mong sabihin yan! Kaya nga promise ring diba? Ipangako mo na hindi ka aalis!, "sigaw ko sa kanya.
Tumango tango siya." Pinapangako ko!Para sayo, mabubuhay ako, "malambing niyang sagot.
"Go Maam and Sir!," sigaw ng mga trabahador ni Cedrick sa amin kaya nagtawanan kami ni Cedrick. Kinikilig silang umalis at bumalik sa trabaho.
"Anak! Masaya kami para sa inyong dalwa!," takbo sa amin ng mga magulang ni Cedrick.
Niyakap ako ni Tita kaya niyakap ko din sila. Kung Andito sana sina Mama at Papa ay mas lalo ng masaya.
"Maiwan na namin kayo, mag enjoy kayong dalwa!," sabi ni Tito bago nila kami Iwan ditong dalwa.
"I love you," sweet na sabi sa akin ni Cedrick sabay hawak sa kamay ko.
May pinahanda siyang mga pagkain para sa aming dalwa.May mga na kanta pa sa tabi namin. Grabe talaga ang mga plano ni Cedrick! Boyfriend koto!
" Kain na tayo!, "masaya Kong sigaw. Tanging mukha lang ni Cedrick ang tinitingnan ng mata ko. Mga nagliliwanagang ilaw ang nakapaligid sa amin at ramdam na ramdam ang simoy ng hangin.
"Ano? Gusto mo uling magsayaw tayo?," nakangiting tanong sa akin ni Cedrick. Tumayo agad ako at hinitak siya.Tumawa siya sa ginawa ko.
"Ikaw lang lagi ang gusto Kong isayaw.Hindi ako mahihiya sa sandaling kasama kita," Nakatulala Kong sabi sa kanya. Nagtitigan kami at bigla niya akong niyakap.
"Mahal na Mahal kita," bulong na naman niya at sumayaw kami ng dahan dahan. Magkayakap kaming sumasayaw at ine enjoy ang gabing to.
🎶You look perfect tonight🎶
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...