Ramdam na ramdam ko ang lungkot ngayon. Kung kanina lang ay masaya ako, sobrang lungkot naman ang nararanasan ko ngayon.Nakaupo lang ako sa sofa habang hawak hawak ang isang kape. Naalala ko bigla si Cedrick.
"Krizza!, buksan mo tong pinto!," sigaw ni Lea sa labas. Tamad akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Bakit Lea?," tanong ko agad sa kanya dahil grabe siya kung maka sigaw.
"Nag alala ako sa iyo ng sobrang bata ka!," kinakabahang sabi sa akin ni Ate Lea at nakapamewang na nanenermon sa akin.
"Thankyou sa pag aalala Ate Lea. Tutulog muna ako Ate. Gusto kong magpahinga,"matamlay kong sabi kay Ate Lea.
Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Kapag may yumayakap talaga sa akin, agad tumutulo yung luha ko. Ito na naman si kalungkutan,bestfriend ko.
Pumunta ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. Narinig kong may kausap si Ate Lea.
" Hi Babe! Oo, nandito na ako sa amin.Kakauwi ko lang galing sa ospital. Geh, I Love You!, "masayang sagot ni Ate Lea sa boyfriend niyang si Alexis.
Nainggit ako bigla. Sana all nalang. Dati kase ganan din kami ni James. Nakalimutan ko, ako lang pala ang laging ganyan. Hindi kase sweet si James pag dating sa mga tawagan kahit tuwing magkikita kami. Pero kahit ganon, ramdam ko naman ang care nun.
Hindi ako makatulog dahil hindi ko din alam kung bakit.Siguro ganito talaga,para na naman akong isang bote na walang laman.
" Krizza, alis na ako! Tawagan mo ako pag may kailangan ka!, "sigaw ni Ate Lea. Wala akong gana sumagot.
Tanging pagsara lang ng pinto ang narinig ko. Wala akong magawa kaya binuksan ko ang phone ko. Nakita ko agad ang mukha ni James dahil siya ang wallpaper ko. Haysst, nakalimutan ko palang ibahin ito.
Ito na naman ang pag iyak ko. Hindi ko mapigilang i-istalk si James. Napatulo nalang bigla ang luha ko nung makitang wala na ang pangalan ko sa bio niya, binura niya ang photos namin, at binura niya din ang sweet na mga mine-mention ko sa kanya.
"Tao po!," sigaw mula sa labas.Nung una, hindi ko nalang pinansin lung sino yung tumatawag.Magkukunyare nalang sana akong tulog pero hindi matigil tigil ang pag sigaw mula sa labas.
"Sino na naman ba ito?," naiinis kong tanong sa sarili. Nakapantulog na ako kaya kumuha ako ng tuwalya para ibalot din sa sarili.
Lumabas ako at pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si James.
Andito ba siya para mag sorry? Tatanggapin ko ang sorry niya pero sana yung totoo. Ayaw ko na bumalik sa kanya. Sapat na ang sakit na pinadama niya sa akin. Oo, gusto ko parin siya pero hindi naman lahat ng gusto ay dapat masunod.
"Krizza, I am sorry,"malungkot na sambit ni James.
" Pasok ka sa bahay namin. Baka kase sabihin mo na napakasama ng ugali ko kapag hindi man lang kita pinapasok sa bahay namin,"mataray kong sabi sa kanya.
Pumasok siya sa bahay at tumabi siya sa akin sa sofa.Nailang ako bigla at hindi talaga ako naging komportable.
" Lumayo ka sa akin. Tanda mo pa ba? Hindi na tayo! Wala ng tayo at wala na akong balak na maging tayo. Kaya lumayo ka sa akin. Wag kang lalapit sa akin!, "
naiirita kong sigaw sa kanya kaya lumayo nga siya sa akin." Krizza, sorry talaga,"nakayuko parin siya hanggang ngayon.
" Isang sorry?.Tandaan mo, hindi mapapawi ng isang sorry ang ginawa mong panloloko!. Kahit nga isang milyong sorry eh!. Alam mo nung makita kitang kayakap yung isang babae dun sa favorite place natin, sobrang sakit!James, hindi mo alam na nasaktan ako ng sobra pa dahil sobra kitang minahal!.Kitang kita ko kung paano mo siya halikan., "iyak kong sigaw sa kanya.
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...