Chapter 1:Lost Of Control

85 10 0
                                    


Krizza's POV
Nahihilo akong pumunta sa kwarto naming dalwa ni Lea. Nadatnan kong mahimbing na ang tulog niya kaya hindi ko na siya inabala. Agad akong kumuha ng tuwalya at naligo. Antok na antok na  talaga ako kahit naliligo na ako gamit ang malamig na tubig.

Pagkatapos na pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang bath rove na nakita kong nakasabit dito sa banyo. Malinis naman ito kaya ginamit ko. Dumiretso ako sa sofa na napaka ganda ng design. Haysst, sobrang daldal ko talaga! Dito ako humiga habang yakap yakap ang unan. Ang sakit ng ulo ko, grabe!

Maya-maya lamang ay may kumatok sa pinto. Bad trip naman eh! Kung kailan pa naman medyo lumalalim na ang tulog ko ay don pa nang abala ang kumakatok na ito, haysst!

Agad akong tamad na tumayo at binuksan ang pinto dahil hindi matigil tigil ang kakakatok nito.Ano bang problema nito?

"Good evening po Maam. Kayo po ba si Maam Rizza?," magalang na tanong ng babaeng isa ata sa mga nagtatrabaho dito sa Resort.

"I am Krizza Sheila,"sagot ko agad dito.

"Ayy sorry po, akala ko po ay kayo si  Ma'am Rizza. Pasensya na po sa abala ha, "paumanhin ng babaeng ito.

Hindi maalis ang tingin ko sa mukha ng babaeng nasa harap ko. May matangos na ilong siya at napaka ganda ng ngiti niya. Kitang kita din sa kanya ang pagiging magaling makisama. Sa mga ngiti niya ay bigla akong napangiti din. Nakakasawa ang saya na pinapakita niya.

" Bakit ba?, "mahinahon Kong tanong dito nang aalis na ito.

" Sabi po kase ni Sir ay dalhin ko po itong coffee dito dahil andito daw po si Rizza. Pero hindi naman po pala kayo si Maam Rizza,"paliwanag niya.

Naalala ko yung lalaking kasama ko kanina. Wala naman na ibang nakakaalam ng palayaw ko kundi sina Mama at Papa pati si Lea. Naalala ko yung Cedrick ba yun?? Nasabi ko nga pala na Rizza ang pangalan ko.Okay.

" Sino bang sir ang nagpapadala niyan?,"
inaantok Ko ng tanong dito

Baka kase hindi naman din si Cedrick ang Sir na tinutukoy ng babaeng ito.Baka kung sino lang ang sinasabi nito.

" Si Sir Cedrick po,"sagot agad ng babae kaya napataas ang kilay ko. Si Cedrick pala ang nagpapabigay.

" Pakisabi kay Cedrick na iyon, salamat. Atsaka salamat din sa iyo. Sabihin mo din sa kanya na Rizza lang ang palayaw ko. At latanong din sa kanya na bakit kape ang naisipan niyang ibigay sa akin eh ang sabi niya ay matulog na daw ako. Pampa tulog ba ang kape? Haysst..., "natatawa kong sabi sa babae.

Ang daldal ko talaga kapag nakakainom, juskoo!

Tumawa din ang babaeng ito.

" Ang cute po ninyo. Ang cute po ninyong dalwa ni Sir.Kinikilig po ako sa inyong dalwa! , "kinikilig na saad niya.

Sobrang hyper pala talaga ng babaeng to. Gabi na pero sobrang energetic parin. Ewan ko pero napatulala ako sa kanya. Ang saya-saya niya, sana lahat.

" Ako lang yung cute, pero siya, hindi!!, "
parang baliw kong sabi sa babae na nagngagalan atang Jillian. May tag kasing nakalagay sa gilid ng damit niya.

Nababaliw na ata ako. Hindi pa ata ako nahihimasmasan.Nasisiraan na ata ako ng ulo.

Napahiya naman ako bigla nung nakita kong na-weirduhan ang babae sa akin.

" Sige po Maam.Enjoy po kayo!, "masayang Paalam niya sa akin sabay ngiti uli.

" Sana all nag enjoy. Pano ba mag enjoy?Paano ba mag enjoy ng wala kang pinoproblema?! ,"baliw Kong tanong sa sarili.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon