Chapter 19:Battle Of Our Hearts

18 1 0
                                    

Sa isang mapayapang Lugar, may nagkakasiyahan  at sinusulit ang bawat oras ng magkasama.

"Spin the bottle!," sigaw naming lahat dito na nakaupo sa buhangin ng pa bilog.

"Kung minamalas nga naman!!! Kay Sir Cedrick pa tumama yung bote!!!!," sigaw ni Justin na pumalakpak pa. Mga bago silang kaibigan. Nagpakilala muna kami sa isat isa kanina bago nag laro.

"So, truth or dare?," tanong ni Crisel na napadami na ang inom. Broken hearted din kase. Katulad na katulad ko ang itsura niya nung gabing gusto ko ng tapusin ang buhay ko.

"Tama na ang inom ng alak na yan," narinig Kong bulong ni Josh kay Crisel. Iba na kase ang tama ni Crisel.

"Wala kang pake, hindi mo buhay to," siring ni Crisel kay Josh kaya napailing iling na si Josh

"Truth," nahihiyang sagot ni Cedrick habang naglalagay pa ng mga kahoy dahil nagbo bonfire kami ngayong gabi sa tabing dagat.

"May asawa na po ba kayo?," biglaang tanong naman ni Tim na sa pagkaka alam ko ay isa siyang bakla. Pero masarap siya kasama!

Tumikhim muna si Cedrick at nilagay ang dalwang kamay sa magkabilang kili kili.

Tila naghihintay kaming lahat sa sagot niya.

"Wala. Wala pa. Hintayin nalang ninyo. Invite ko kayo!,"pasigaw niyang sagot sabay tawa ng malakas kaya nagtawanan na din kami.

Malakas ang hangin kaya malamig. Buti nalang at dahil sa bonfire nato, maayos parin ang pakiramdam namin.

"Hibtayin namin yan ha!," sigaw ng lahat.

Katabi ko ngayon si Cedrick. At dahil matakaw ako, kinakain ko yung pagkain ba hawak hawak niya. May mga chicharon, juice at iba pang pagkain dito na inihanda para samin kaso nga lang, madaling naubos dahil kuha ako ng kuha. Nakaka gutom kase.

"Spin the bottle!," paikot ni Tim sa bote na medyo malayo sa apoy.

"Crisel!! Pagkakataon mo ng Ilabas lahat ng nararamdaman mo ngayon. Broken hearted ka diba?," lakas tama na usap ni Josh kay Crisel.

"Paulit ulit? Kailangan pa talagang ipagkalandakan na broken hearted ako?!," bulyaw Ni Crisel kay Josh.

Ang cute nilang tingnan. Parang ang tagal na nilang magkakilala Kung makapag asaran kahit ngayon lang naman sila nagkakilala.

"Truth or dare?!," sigaw naming lahat.

"Truth. Always truth. Always truth kase I hate cheating! I hate fake!," drama ni Crisel pero hinayaan nalang namin siya na magsalita ng magsalita dahil alam naming nasasaktan siya.

"Mahal mo pa ex mo?!," tanong ko sa kanya sabay yakap ng kaunti dahil umiiyak siya.

"Sino don sa mga ex ko?," tanong niya samin kaya nagtawanan kami.

Putekk, madami na atang exes to!!

"Yung last. Yung nagpa broken hearted sayo!," sagot ni Tim na yakap ng yakap naman kay Josh.

Kung Titingnan, para kaming isang solid na barkada na ngayon lang nagkakilala kilala pero grabe na Kung nagtawanan at asaran. Ang masaya pa, lahat kami, walang hawak na cellphone kundi naglalaro lang talaga .

"Oo, mahal ko pa. Mahal na Mahal ko pa siya,"sagot ni Crisel na nagpatahimik sa amin dahil nakatitig lang siya kay Josh. Nakita ko ang pag iwas ng tingin ni Josh.

I feel something, alam na this!!

"Ang gwapo ko talaga! Bakit kayo nakatingin saking lahat? Artistahin ba ang mukha kong to?!," natatawa ng tanong ni Josh para basagin ang katahimikan.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon