Chapter 11:I Want To Shelter You

24 1 0
                                    

Krizza's POV
Sinong bisita ko?.
Tumunganga lang ako sa kisame at pinapakalma ang sarili.

Isang pamilya na boses ang narinig ako. Boses palang niya ay kilalang kilala ko na. Kahit ata yung amoy ng pabango niya ay naamoy ko na agad.

"Krizza....,"

Pinilit kong umupo sa kama at ngumiti kay.....James.

Nakita ko na sumunod sa kanya sina Tita Merly at Tito Jansen,mga magulang niya. Paano sila nagpunta dito?

"Salamat sa pag bisita...ninyo,"medyo nauutal kong sabi sa kanila.

Ngumiti sila sa akin. Tahimik lang kami dahil wala naman kami siguro ng napag uusapan. Nakakahiya naman Kung hindi ko sila kakausapin.

" Kamusta po kayo?, "nakangiti kong tanong kina Tita Merly at Tito Jansen na nakaupo malapit sa kama ko.Nasa likod lang nila si James na busy sa pag se cellphone.

"Ayos naman kami. Ikaw? Bakit parang hindi ka na ata napunta sa amin?Na miss ka namin!," sagot ni Tita Merly na nakapag pa ngiti sa akin.

Wala paring pinag bago, masaya talaga kausap si Tita Merly.

Nagtaka nga lang ako dahil.....bakit nila sinasabi na namimiss nila ako na pumunta sa kanila? Hindi ba nila alam na wala na kami ng anak nila?

"Mabuti naman po kung ganun Tita. Miss ko na rin.... po kayo," sabay ngiti ko sa kanila. Tumingin sa akin si James kaya umiwas agad ako ng tingin.

Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya.

"Ikaw Krizza, kamusta naman ang maganda naming dalaga?," pabalik na  tanong ni Tita Merly sa akin.

I feel something. Hindi nga nila alam na wala na kami ng anak nila.

"Ako po? Hindi po ganon ka ayos Tita.... kaya po kailangan ko ng magpahinga," nauutal kong sagot sabay tingin kay James ng madali.

Naging iba ang reaksyon nina Tita Merly at napatango nalang. Nag kunyare nalang ako na gusto ko ng magpahinga.

Pagtalikod ko, hindi mapigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Bakit ba siya andito?Bakit magpakita na naman siya dito sa bahay?

"Mama, punta lang ako sa labas. May natawag lang po sakin," rinig kong paalam ni James sa mga magulang niya.

Medyo makakalimutan ko na talaga si James pero bakit?? Bakit ito na naman yung paulit ulit na pagbalik ng lahat? Pwede bang itulog ko nalang lahat to?

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at natulog nalang.

Paggising kinabukasan,mukha agad ni Cedrick ang nakita ko. Nilingon ko muna ang paligid at nakita kong si Ate Lea at Cedrick nalang ang nandito sa buong bahay.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Anong gusto mo?," bungad agad ni Cedrick na nakaupo sa sofa.

"Gusto ko pumunta sa Resort,"nakangiti kong sagot sa kanya.

Wala ng sakit ng puson akong nararamdaman, maayos na ang pakiramdam ko at wala na akong gustong ibang gawin kundi pumunta sa Resort.

" Sure ka??Hindi na katulad ng puson mo yung ex mo?, "parang baliw niyang tanong kaya nagtaka ako.

" Anong connect ng puson ko sa ex ko?, "bati ko sa kanya ng unan.

" Mapanakit!, "agad niyang sagot sabay kuha sa unan na nag patak at binato din sa akin.

Humanda ka Cedrick!!! _

Pumunta nga kami sa Resort at nag ikot ikot. Sinama din ako ni Cedrick sa mga meeting niya about dun sa mga gagawin pa dito sa Resort at kung ano pa yung mga events na gaganapin.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon